"Dance"
"T-tanggap mo ba ang magiging anak ko, kung sakali?"
Napayuko ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya.
Naramdaman ko na humakbang siya palapit sa akin. Ilang dangkal nalang ang layo namin sa isa't-isa.
I heard his breathing.
"Kiesha," he whispered. Nilapit niya ang mukha niya sa akin. He held my chin and faced me towards him. Ayaw ko siyang lingunin ng ganito kami kalapit sa isa't-isa. Pakiramdam ko ay naiilang ako. Pilit naman niyang hinuhuli ang aking paningin.
"Look at me," he demanded.
Dahan-dahan ko siyang tiningnan. I didn't speak.
Bumuntong-hininga siya. His breath smells like peppermint. Naaamoy ko ang pabango niyang panlalaki. It smells so manly.
"Hindi ba't sinabi kong mahal kita?" Panimula niya.
Tumango ako.
"Kung mahal mo ang isang tao, tanggap mo kung ano siya at kung ano ang meron siya." He stated.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.
Nagpatuloy siya. "Kaya tanggap ko ang batang dinadala mo. Noong nalaman kong buntis ka sa iba, agad ko iyong tinanggap dahil mahal kita. Matagal na kitang pinatawad, ngunit hindi ko alam kung paano kita kakausapin dahil lagi kang umiiwas sa akin. Akala ko tuluyan nang nagbago ang nararamdaman mo sa akin."
Napalunok ako. Oo, nagiguilty ako dahil totoong iniiwasan ko siya noong mga nakaraang araw, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko na siya gusto.
"H-hindi naman nagbago ang nararamdaman ko s-sayo." Nauutal na tugon ko.
Marahan siyang ngumiti. "Kung ganon, sagutin mo na iyong tanong ko."
"Anong tanong?"
He licked his lower lip. "T-tayo na ba ulit?"
I smiled.
Marahan akong tumango. "Oo. Tayo parin naman. Hindi naman tayo nagbreak ah." Tumawa ako.
He chuckled too. "Come here."
Hinila niya ako at niyakap. Sandali kaming nanatiling ganon.
"Damn, I missed you so much, baby." Bulong niya sa tenga ko. Nakakakiliti ang hininga niyang tumatama sa leeg ko.
"I missed you too." Tugon ko.
Nang kumalas siya sa pagkakayakap ay pinatakan niya ako ng halik sa noo.
Gabi nang sumunod na petsa, sinundo ako ni Zeke sa mansion namin. Hindi pa nakakauwi ang mga magulang ko mula sa pinuntahan nila sa Cavite. Nag-aalala tuloy ako.
"Are you ready?" Tanong ni Zeke sa akin.
Nakaparada na ang kotse niya sa parking lot ng venue, ngunit hindi pa kami nagpapakita sa mga tao. May media rin kasing nakaabang sa entrance kaya medyo kinabahan ako.
Nakasauot ako ngayon ng itim na gown. May mahabang slit ito sa kaliwang binti. Open ang likod nito kaya nagdala ako ng blazer, ngunit inilagay ko lang iyon sa likod ng kotse ni Zeke. I wore a pair of Silver Jimmy Choo Pumps. Nakalugay lang ang buhok ko upang hindi masyadong lamigin ang likod ko.
Hinawakan ni Zeke ang kamay ko. "Hey, it's okay."
He squished my hand a little to calm me down.
Nang medyo kumalma na ako ay nag-aya na siyang lumabas. He opened the door for me. Naglahad siya ng kamay upang alalayan ako.
Nang makalabas ako ay sinara rin niya ang pinto ng kotse. Ipinulupot ko ang kamay ko sa braso niya. Taas-noo kaming naglakad papasok sa venue.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not (Villanova Series #2)
Ficción General[COMPLETED] One year after staying abroad, Kielsey Anisha Romualdez decided to go back to the Philippines, the country where she grew up. With a heartbreaking experience, Kielsey motivated herself to improve, and as she stepped on the grounds of the...