"Diamond"
Hinatid ako ni Zeke sa tutulugan kong kwarto. My parents booked half of the rooms in this place. May kanya-kanyang kwarto na naka-assign para sa mga kaibigan ko at sa mga kasama nila.
"Are you gonna be okay here?" Zeke asked when we got on my room's door.
"Yes, thank you." Sambit ko.
Bago siya umalis ay pinatakan niya ako ng halik sa labi na hindi rin nagtagal.
"Good night." He whispered before leaving.
"Ahhh!!!" Napatili ako.
Lumundag ako sa kama at tinakpan ko ng unan ang mukha ko.
Gumulong-gulong ako sa kama habang iniisip ang mga nangyari kanina.
Finally! May boyfriend na ako!
Zeke's my first boyfriend, honestly.
Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Mabibilis na katok.
Agad akong bumangon upang buksan ang pinto.
Bumungad sina Deborah, kasama ang ilan pa naming mga kaibigan. Nag-aalala ang mga mukha nila.
"Kielsey! Ayos ka lang?" si Deb ang nagtanong.
Kumunot ang noo ko. "Oo naman. Bakit andito kayong lahat?"
Napahinga naman sila ng maluwag.
Nagsalita ang isa naming kasama. "Narinig kasi namin yung sigaw mo—"
Bago pa niya matapos ay tinulak ako ni Debbie papasok ng kwarto. Bago niya isara ang pinto ay sinabihan niya ang lahat na bumalik na sa kani-kanilang kwarto.
Pagkatapos niyang isara ang pinto ay lumapit siya sa akin.
Hinawakan niya ang aking mga kamay.
"Kielsey, anong nangyari?" bigla niyang tanong.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
Niyugyog niya ang kamay ko. "Kanina! Anong ginawa niyo ni Ezekiel?"
Ngumisi ako nang may maalala. "Wala..."
Hinigpitan niya pa ang hawak sa aking kamay.
Nagtaas siya ng kilay. "Alam kong meron. Iyong tili mo kanina, ginagawa mo lang yun kapag kinikilig ka."
Tumawa ako. Alam kong wala akong kawalan sa bestfriend ko. Bawat kilos ko, alam niya.
I sighed. "Debbie, sinagot ko na si Zeke. Kami na!"
Napanganga siya. "I knew it! Sinundan ka niya kanina, di ba?"
"Oo."
"Sabi na nga ba. Ibig-sabihin, siya ang first boyfriend mo?" tanong niya.
Tumango ako.
"Tsk," nagulat ako nang yakapin niya ako. "I'm so proud of you. Nagkaroon ka rin ng boyfriend bago ka mag-18." Hinaplos niya ang likod ko.
Nagtawanan kami.
Nang gabing iyon ay natulog si Deb sa kwarto ko. Hindi na siya bumalik sa kwarto nila. Magulo daw kasi ang mga kasama niya roon.
Kinabukasan, pagkagising ko ay wala na si Debbie sa tabi ko.
Anong oras na ba?
Kinapa ko sa bedside table ang phone ko...
Oo nga pala, naiwan ko iyong phone ko!
Bumangon ako at nag-stretch. Just as I was about to stand up, I saw a note.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not (Villanova Series #2)
General Fiction[COMPLETED] One year after staying abroad, Kielsey Anisha Romualdez decided to go back to the Philippines, the country where she grew up. With a heartbreaking experience, Kielsey motivated herself to improve, and as she stepped on the grounds of the...