Kabanata 37

1.8K 33 0
                                    

"Care"

Tumayo ako at lumapit sa counter. Agad namang nagsalita ang barista.

"Ah, miss, para po kay sir iyan. Ginagawa ko palang po ang order niyo." Ngiti niya.

Napahiya tuloy ako. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi.

Nagulat ako nang biglang may magsalita mula sa aking likuran.

"It's okay. She can have it." Dinig kong sambit ni Zeke.

Magrereklamo pa sana ang barista, ngunit agad na nilapag ni Zeke ang black card niya sa counter.

"Ito ang bayad nung order ko...isama mo na rin iyong sa kanya." Sabi niya sa barista.

Agad namang kumilos ang barista at kinuha ang card niya.

"That'll be 149.75 pesos, sir."

Tumango lang si Zeke. Napalingon siya sa akin. Sinenyasan niya ako na kunin na ang kape.

Hindi na ako umangal pa. Agad kong kinuha ang kape at nilagok iyon sa harapan niya.

Halos maibuga ko ang kape dahil sa sobrang init. Ngumiwi ako nang mapaso ang aking dila. May tumulo sa blazer ko, dahilan upang magmantsa ito.

Shit!

Pinagpagan ko ang blazer ko ngunit mas lalo lang kumalat ang kape.

Nakita ko ang pag-igting ng bagang ni Zeke, pagkatapos ay kumuha siya tissue mula sa counter at lumapit siya sa akin.

Walang pasabi niyang kinuha ang kamay ko at pinunasan iyon. Binaliktad niya ang tissue at pinunas ang malinis na parte nito sa gilid ng labi ko. Napatingin tuloy ako sa kanya. Napansin ko na seryoso ang titig niya. Ngayon ko lang siya ulit natitigan ng ganito kalapit.

Damn! His gaze...it's so attractive.

"Next time, you have to be more careful." Sambit niya.

Agad akong humakbang palayo sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin. Dinukot ko ang bulsa ko at naglabas ako ng pera.

"I'll pay for my drink." Sabi ko.

Umiling siya. "Huwag na. Nabayaran ko na."

Nagpumilit ako. Nilapag ko sa counter ang buong 1000-peso bill. Wala kasi akong barya na nadala kaya iyan nalang.

"Take it. Keep the change." Tugon ko.

He chuckled. "Are you trying to show-off?"

Kumunot ang noo ko. "No, Mr. Villanova. I'm just trying to pay for what I ordered. Masama ba iyon?"

I raised an eyebrow on him.

Ngumisi siya. Sinulyapan niya ang pera na nilahad ko. Marahan niya iyong nilapit sa akin.

"And I'm just trying to treat my girlfriend. Masama ba iyon?" Pabalik na tanong niya.

Napatigil ako. Nilingon ko ang pera na nilapit niya.

"I'm not putting that thing back to my pocket. It's either you take it or leave it there." Taas-noong wika ko.

"Okay." Nakangising sambit niya.

Bigla namang sumingit ang barista. "One Café Latte for k-Kiel." Mukhang nahihiya pa itong sumingit sa usapan namin.

Nilahad niya sa tapat ni Zeke ang order nito. He quickly grabbed the cup of coffee.

"Shall we go back inside, baby?" Malanding bulong nito sa akin.

Lumayo ako sa kanya.

"Shut up." I hissed.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon