Kabanata 38

1.8K 27 0
                                    

"Drugged"

Mas lalo akong naging busy nang mga sumunod na araw. Inayos ko ang schedule ni Marcus. I rescheduled his upcoming meetings para maging libre siya sa araw ng Gala event na dadaluhan niya.

Nag-aayos ako sa opisina ni Marcus nang biglang may pumasok na babae sa loob. Mahaba ang itim na buhok nito, maputi ang balat, medyo matangkad. Nakasuot ito ng silver bodycon dress at silver high heels na abot-hanggang langit ang taas. She towers over me. Mukha siyang makikiparty sa suot niya.

"Who are you? Why are you in Marcus's office?" Pinagtaasan niya ako ng kilay.

Hinarap ko siya. "I'm his secretary. Who are you?"

Medyo umayos naman ang mukha niya. "I'm Nadia, Marcus's girlfriend. Where's Marcus?"

Magsasalita na sana ako kaso bigla niya akong inunahan. "Wait a minute...parang pamilyar ang mukha mo. It's like I've seen you somewhere," she paused to think. "—ah! Ikaw iyong Sole Heiress ng RCHR, hindi ba?"

Teka, paano niya nalaman?

"Nakita kita sa isang magazine eh. Anong ginagawa mo rito? Why are you working as a secretary?" Nahimigan ko ang pang-iinsulto sa tono ng pananalita niya.

Sasabihin ko sanang 'It's none of your business' kaso inunahan niya ako.

"Oh, let me guess. Bumabagsak na kasi ang business niyo kaya kailangan mong magtrabaho diba?" Humalakhak siya.

Kumuyom ang kamao ko. Parang gusto ko siyang sampalin sa pang-iinsulto niya sa akin.

"Wala rito ang hinahanap mo. Kaya kung pwede lang, umalis ka na. Baka ipakaladkad pa kita sa guwardiya palabas rito." Naiinis na tugon ko.

Nanlaki naman ang mata niya. She didn't look offended, instead mukhang nang-iinsulto pa siya.

"Really?" Humalakhak siya. "Tingin mo magagawa mo iyan? Eh Secretary ka lang naman ni Marcus! Ako ang mapapangasawa ni Marcus, kaya simula ngayon, matuto ka nang rumespeto sa akin. Baka ikaw pa ang ipakaladkad ko palabas rito."

Tinaliman ko siya ng tingin. Gusto ko pa sana siyang gantihan kaso biglang may pumasok sa loob ng kwarto. Nakita ko si Marcus na seryoso ang mukha. Napako ang tingin niya sa babaeng nang-insulto sa akin, si Nadia.

Hindi ko alam ngunit bigla atang na-badtrip si Marcus kaya pinalabas niya muna ako. Siguro'y mag-uusap sila nung bruha na mapapangasawa niya kuno.

Tahimik kong iniwan ang trabaho ko roon. Hindi ko pa naisasara ng mabuti ang pinto ng opisina niya ay narinig ko na ang galit na sigaw ni Marcus.

Umupo ako sa desk ko, sa harap lamang ng opisina ni Marcus. Wala pang limang minuto ay lumabas si Nadia sa opisina niya na luhaan.

Nag-away kaya sila ni Marcus?


Maaga akong nakauwi noong araw na iyon. Wala ako masyadong ginawa dahil busy sa pagpeprepare ang boss ko sa event na dadaluhan nito bukas.

Nagtaka nga ako kung bakit hindi invited si daddy, gayong isa naman siyang successful na CEO ng isa sa pinakamalaking chain ng hotels at resorts sa buong bansa.


Kasalukuyan kaming nagsasalu-salo sa hapunan ng aking pamilya. Masayang nagkekwentuhan sina mommy at daddy. Kakagaling lang nila sa isang business trip.

Naalala ko bigla ang nangyari kanina sa opisina ni Marcus. Iyong sinabi ni Nadia. "Oh, let me guess. Bumabagsak na kasi ang business niyo kaya kailangan mong magtrabaho diba?" Humalakhak siya.

Hindi ko tuloy napigilan ang aking sarili.

"Mom, dad, how's our business?" Panimula ko.

Napatigil silang pareho sa pagtawa. Tila napalitan ng malungkot na ekspresyon ang kanilang mga mukha.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon