Kabanata 41

1.9K 35 0
                                    

"Debts"

Nagmamadali akong umalis mula sa venue. Hindi na ako nakapagpaalam kay Zeke at sa pamilya niya. Nagpadala ng kotse si mommy rito sa venue upang sunduin ako kaya hindi ako nahirapan.

"Manong, bilisan niyo po. Please!" Hagulgol ko.

Nanlalamig ang mga kamay ko dahil sa sobrang takot. Nang marinig ko ang hagulgol ni mommy kanina, kinabahan ako ng husto. Alam kong may hindi magandang nangyayari ngayon.

"KIELSEY!!!" Sigaw ni mommy mula sa kabilang linya.

Gumapang ang kaba sa sistema ko. Nanginginig ang aking kamay habang pilit na tinatapat ang phone sa aking tenga.

"M-mom, w-what's happening?" Nanginginig na tanong ko.

"Ang d-dad mo!"

"What?!" Napatakip ako sa aking bibig.

Sandaling natahimik ang kabilang linya. Tanging tunog ng pag-iyak ang naririnig ko.

"Ipapasundo kita. P-pumunta ka rito, ngayon din!" Pilit na sambit ni mommy.

Namatay agad ang linya. Sinubukan ko siyang tawagan ulit ngunit hindi niya iyon sinasagot.

Kinabahan ako. Namumuo na ang mga luha sa aking mata. Dali dali akong lumabas at naghintay sa sasakyang pinadala ni mommy.

"N-nasaan po sina mommy?" Tanong ko sa driver na halos hindi na rin mapakali tulad ko.

Nagkamot ito sa batok. "Nako, miss! Sinugod po namin sa ospital si ser Kaleb kanina. Hindi daw po kasi makahinga."

"Huh?! Bakit naman?"

"Hindi po namin alam eh. Bigla nalang po nagtanggal ng damit. Naiinitan daw tapos hindi makahinga, kahit naka-aircon naman." Sagot nito.

Mas lalo lang akong kinabahan. Tahimik akong nagdasal sa aking isipan.

Please help my dad. He's a good person. Don't take him away from us. Not now! Hindi pa niya nasisilayan ang magiging apo niya.

Hindi ko namalayan na umaagos na pala ang luha sa aking pisngi habang nagdadasal ako.

I wiped my tears. Wala na akong pakealam kung sira na ang makeup ko. Ang mahalaga ay makita ko si daddy at malaman kong ayos lang siya.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang ospital. Agad akong lumabas. Hindi ko na hinintay ang driver. Dali-dali akong pumasok. Namataan ko sa di kalayuan ang isa sa bodyguards ni dad. Nilapitan ko iyon at nagtanong.

"K-kuya, asan si dad?" Tanong ko.

"Dito po, miss."

Iginiya naman ako ng guard patungo sa isang sulok ng ospital. Nakita ko roon si mommy na halos dumapa na sa sahig. Humahagulgol siya habang inaawat siya ng isang kasambahay namin.

"Mom!"

Agad kong nilapitan ang aking ina. Patuloy parin siya sa paghagulgol. I hugged her.

"Tama na, Ma'am please." Suway nung kasambahay. Maging ito ay naluluha na rin habang inaawat si mommy na nakaluhod sa sahig.

Pansin ko na walang dumadaan sa bandang ito ng ospital.

Lumingon ako sa kasambahay na umaawat kay mommy.

"N-nasaan si dad?" Tanong ko.

Malungkot na tinuro ng kasambahay ang pinto ng isang kwarto. Napatingin ako sa sign sa taas nito.

'Mortuary'

No!

Agad akong tumakbo papasok roon. Luminga-linga ako upang hanapin ang katawan ni daddy.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon