Kabanata 6

2.7K 40 3
                                    

"Stalk"

Iyon ang huling bilin nila bago nila ako iwan sa hotel. Nilipat ako ng manager sa Presidential Suite na nasa 16th floor; utos iyon ni dad.

Hindi naman mahirap marating iyon dahil may elevator naman.

Binalik nina mom ang phone ko, para daw may pang-alarm ako ng maaga bukas, hayss...

I set my alarm to 4:30. Mabilis lang naman ako kumilos. Siguro magpapadala nalang ako ng breakfast rito.

Kinabukasan, pagkagising ko, ang una kong ginawa ay magpadala ng pagkain sa suite ko. Agad akong naligo pagkatapos. Saktong five o'clock ay nasa quarters na ako.

"Excited ka na ba para sa una mong trabaho?" nakangiting bungad sa akin ni Myrna.

Ngumiti ako at tumango, ngunit ang sinasabi ng utak ko ay kabaliktaran ng ikinilos ko.

"Mabuti! Maghihintay nalang tayo kung may tumawag na magpapa-housekeeping. Basta tandaan mo iyong itinuro ko." Ani Myrna.

Umupo ako roon at naghintay ng ilang oras. Of course I brought my phone with me kaya hindi ako nabore.

Hindi naman ako pinagalitan ni Myrna kaninang ginagamit ko ang phone ko.


Alas-otso na nang tawagin ako ni Myrna.

"May tumawag. Housekeeping service sa Room 1608. Ikaw na roon, Kiel. Huwag mo akong bibiguin." Seryosong sambit niya.

I smirked. Inumpisahan ko nang itulak ang cart.

Sino naman kaya sa 16th floor?

Naalala ko ang room number ko. 1607 ang number ng kwarto ko, ibig sabihin ay magkatabi lang ang room namin nitong nagpapalinis ngayon.

Pagkarating ko sa tapat ng pinto ay naalala ko ang isang bagay...

Nakalimutan kong hingiin ang susi sa receptionist!

Pero naisip ko munang buksan muna ang knob, baka sakaling may milagro nga at nakabukas ito. Nakakapagod kaya umakyat tapos bumaba.

Hindi nga ako nabigo. Nakabukas ang doorknob ng room 1608. Siguro ay nakalimutan itong i-lock nung guest.

Pagkabukas ko ng kwarto ay naamoy ko agad ang panlalaking pabango. Hindi ko iyon pinansin. Iniwan ko sa tapat ng pinto ang cart at sinimulan nang maglinis.

Makalat ang kwarto. May mga papel na nakakalat sa sahig at sa kama. Nahubaran pa ng punda ang isang unan, at makalat ang comforter nito.

Hmm...mahilig sigurong magsulat ang nakacheck-in rito.

Isa-isa kong pinulot ang mga papel na nakakalat. Baka kailangan pa ito ng may-ari?

I stacked up the papers at the table. Pinalitan ko rin ang punda ng unan. Inayos ko rin ang comforter.

Kukunin ko sana ang vacuum nang biglang may marinig akong pag-agos ng tubig mula sa shower.

May tao ba rito?

Dahan-dahan akong humakbang patungo sa CR, nang biglang mamatay ang shower.

Kinabahan ako bigla.

May tao ba talaga rito o namamaligno na ako?

Aalis na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng CR at bumungad ang isang...

"Maligno!" sigaw ko dahil sa pagkagulat. Napapikit ako.

Napasigaw rin ang lumabas sa CR. Agad kong nalaman kung sino iyon nang marinig ko ang kanyang  baritonong boses. Dahan-dahan akong dumilat at tiningnan siya. Napapikit nalang ulit ako dahil wala siyang suot na damit. Tanging ang puting tuwalya ang saplot niya sa katawan.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon