"Bully"
I don't know why, pero simula nang maging kami, parang naging hobby na namin ang asarin ang bawa't-isa. Nalaman ko na mapang-asar talaga siya, maging sa mga kapatid at pinsan niya. Pero kahit gano'n ang turingan namin ay hindi nawawala ang pagiging sweet at caring namin. He treats me as his younger sister, best friend, and most especially, his girlfriend.
Alam na ng mga magulang ko ang tungkol sa relasyon namin ni Zeke. They're actually very supportive of us. Kulang nalang ampunin na nila siya at patirahin rito sa mansion.
Bumusina ang kotse ni Zeke sa labas. Agad akong tumayo mula sa sofa at nagtungo sa kung saan ang kotse niya.
Nang makalabas ako ay bumaba siya mula sa kanyang kotse.
As usual, he kissed me and greeted me good morning.
"Good Morning, Blue!" Maligayang bati niya.
Tumawa nalang ako.
Oo nga pala, maliban sa Baby; Blue or Blue Eyes na din ang tawag niya sa akin. I find it sweet, actually. Nakuha niya iyon sa kulay ng mga mata ko.
"Good Morning, kuya!" I greeted back.
Of course, I've been calling him Kuya. I don't wanna call him Baby or what. Siguro yun na muna ang endearment ko sa kanya for now.
He pouted.
"Get in." he commanded.
Agad naman akong sumunod.
Schoolday ngayon at nakasanayan na rin ni Zeke na ihatid-sundo ako tuwing may pasok. This has been our routine for two years now.
Lumipat aka sa ibang school to start my college years. I didn't regret a thing though. Sure, I left my friends, including Debbie, pero ayos lang dahil nagkikita pa rin kami tuwing weekends or kung kailan vacant nila.
"I'll pick you up at 4." Saad niya nang makarating na kami sa tapat ng school namin.
"Sure." I answered.
Lumapit ako sa kanya upang halikan ang kanyang pisngi bago nagpaalam.
Nang makababa ako ng kotse niya ay nagtinginan ang grupo ng mga estudyante sa gilid ng gate. They viciously stared at me.
Hinayaan ko nalang iyon at nagpatuloy ako sa paglalakad papasok sa campus. Dumiretso na ako sa building namin.
Our first class was General Math. Umagang-umaga palang ay stressed na agad ang utak ko. Nang matapos ang first subject ay nagtungo ako sa cafeteria. Naalala ko na may long quiz kami para sa next subject kaya dinala ko ang libro ko.
I ordered food at the counter. Pagkatapos ay nilibot ko ang aking paningin upang maghanap ng mauupuan.
Sa dulo ng cafeteria ay may isang bakanteng upuan na pangdalawahan. I proceeded there.
Habang naglalakad ay pansin ko na nakatitig sa akin ang lahat ng nadadaanan ko. Bigla naman akong na-conscious sa itsura ko. May dumi ba ako sa mukha?
Yumuko nalang ako.
Honestly, I feel like an outcast here. Walang may gustong makipagkaibigan sa akin dahil raw sa kakaibang kulay ng mata ko. Bullies often call me "Vampire", kung hindi naman ay "Isinumpang Manika." Tingin ko ay dahil iyon sa aking kakaibang mga mata.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako roon.
Nilapag ko ang tray sa mesa at umupo. Nilapag ko ang bag ko sa katapat kong upuan. Binuklat ko ang aking libro at nagsimulang magbasa habang kumakain.
"Look who's here," Biglang may sumulpot sa tabi ko.
Nilingon ko ang nagsalita.
It's her again.
"What's your problem, Zoey?" I said in a serious tone.
Sinulyapan ko ang mga alipores niya sa kanyang likod.
Sinara ko ang librong binabasa.
Humalakhak ang bruha at maya-maya pa ay may tinapon ito sa mukha ko.
I can't believe it!
Tumagaktak ang tubig mula sa mukha hanggang sa damit ko.
She spilled a glass of water in my face!
Inirapan niya ako with matching hairflip, tyaka umalis sa harap ko.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Kinuha ko iyong kinakain kong pasta at isinaboy iyon sa kanya. Hindi pa naman siya nakakalayo kaya naabutan ko siya.
Tumalsik sa bag at damit niya ang sauce ng Spaghetti. Her face was in shock when she turned to face me. Hindi ako nakontento at kinuha ko pa ang tubig, tyaka sinaboy iyon sa kanya.
Hindi siya makapaniwala sa ginawa ko.
Hmm...she deserves it. Simula nang mag-aral ako rito ay binubully na niya ako. Tama lang na gantihan ko siya ngayon. Ilang taon rin akong nagtimpi dahil ayaw ko ng gulo.
Ito ang kauna-unahang beses na ginantihan ko si Zoey Santos, ang pinakamaarteng bully sa paaralan na ito. Marami nang nagreport sa kanya, ngunit hindi pa siya pinapatalsik dahil big investor sa school ang family niya.
Napatingin ako sa paligid nang magsitayuan ang ibang mga estudyanteng kumakain roon. Akala ko ay susugurin nila ako dahil sa ginawa ko sa 'boss' nila, ngunit nagkakamali ako. Everyone clapped their hands and chanted...
"Kielsey! Kielsey!"
May nag-abot pa sa akin ng bote ng tubig. Gusto nilang isaboy ko iyon kay Zoey, ngunit nilapag ko lang iyon sa mesang pinagkainan ko.
Kinuha ko ang mga gamit ko at umalis na roon.
Nang makarating ako sa exit ng cafeteria ay narinig ko ang nakakabinging sigaw ni Zoey. She was fuming mad, but I don't care anymore. Subukan lang niya akong saktan, babaliin ko lahat ng buto sa katawan niya. Hmmpt!
Dumiretso ako sa powder room upang mag-ayos ng sarili. Sinuklay ko ang aking buhok upang mas mabilis na matuyo. Pinunasan ko rin ang mukha kong basa ng tubig.
Biglang may pumasok sa loob ng powder room na dalawang babae. They're both wearing the same uniform as me, kaya alam kong ka-batch ko sila.
Pareho silang mas maliit kaysa sa akin, singkit at maputi.
Nagulat ako nang lumapit sila sa akin.
"Oh my gosh! Ang galing mo kanina, Kielsey!" tili nung naunang pumasok.
I looked confused. "Do I know you?"
Tumawa sila.
"Sorry, Ako nga pala si Vera—" Panimula ng naunang kumausap sa akin.
"At ako naman si Sia." Pakilala naman ng kasama niya.
Naglahad sila ng kamay at pareho ko iyong tinanggap.
"Kielsey." Pakilala ko rin.
Both of them chuckled.
"Kilala ka na namin." Ani Sia.
"Oo, nakita ka namin sa cafeteria, kaninang sinabuyan mo ng Spaghetti at tubig si Zoey!" si Vera naman.
Nagtiliian ulit sila.
Inayos ko ang mga gamit ko sa bag ko at hinarap sila.
"It's nice to meet you two, but I really have to go. Excuse me." Magalang kong sambit.
Mukhang naintindihan naman nila kaya ngumiti nalang silang dalawa.
Nilagpasan ko sila at binuksan ko na ang pinto.
Saktong pagkalabas ko ay sinalubong ako ng Guidance Counselor namin. Sa likod niya ay maraming estudyanteng nagtitinginan.
Seryoso ang titig sa akin ng ginang.
"Miss Romualdez, to my office." She commanded.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not (Villanova Series #2)
General Fiction[COMPLETED] One year after staying abroad, Kielsey Anisha Romualdez decided to go back to the Philippines, the country where she grew up. With a heartbreaking experience, Kielsey motivated herself to improve, and as she stepped on the grounds of the...