Kabanata 11

2.1K 40 3
                                    

"Nightmare"

Matapos ang ilang saglit ay dumating ang doctor rito sa mansion. Nanatili akong nakahiga sa kama habang binabantayan ako ni Zeke.

He was worried sick.

Nabalitaan na rin ng mga magulang ko ang nangyari. Ang sabi nila ay mamaya nalang daw muna sila uuwi dahil may bisita sila sa hotel. Si Zeke ang nagsabi sa kanila tungkol sa nangyari kanina, kaya alam nila na narito siya. Ang sabi ni dad ay bantayan nalang daw muna ako ni Zeke, total ay wala naman ata siyang lakad ngayon.

"Miss Romualdez, kung maaari ay huwag ka munang masyadong gumalaw. Nabigla ang spine mo sa impact ng pagkabagsak mo sa lupa. You need to take a rest for at least one week." The doctor announced in my room.

Nanatili akong nakahiga sa aking kama. I laid flat on my back.

I sighed. "Does that mean I can't work as a housekeeper anymore?"

Hindi ko alam kung anong nakakagulat sa aking sinabi at naging ganoon ang itsura ng doctor.

"You're working—as a housekeeper?" the doctor inquired.

Ahh...hindi nga pala niya alam.

"Yeah, at our hotel." I said confidently.

He didn't ask for further questions. Instead, he talked to Zeke.

Lumabas sila ng kwarto ko kaya hindi ko naririnig ang kanilang pag-uusap.

That's it....gumagawa talaga ang tadhana ng paraan upang hindi ako pahirapan. Finally, I'm having a break with all those tiring stuffs I do at the hotel. Makakapagpahinga na ako, kaso isang linggo lang...

Biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Pumasok si Zeke na may hawak na papel.

"What's that?" tanong ko.

He glanced at the piece of paper.

"Reseta." Sagot niya.

"Patingin—" inilahad ko ang kamay ko, ngunit agad niya akong pinigilan.

"Huwag mo nang tingnan. Ako na ang bibili nito. Just wait for me here." Saad niya.

I pouted. "Iiwan mo ako?"

Napatikhim siya. "Babalikan rin kita, promise. Tatawag ako ng kasambahay niyo upang bantayan ka rito—"

I cut him off. "Huwag na. Kaya ko na. Basta hihintayin kita rito."

He smiled. Yung tipong genuine, hindi nakalabas ang ngipin.

Napangiti na rin ako. His smile is so contagious.

Bago siya nagpaalam ay pinatakan niya ako ng halik sa noo.

Umalis na siya.

Narinig ko ang pag-andar ng kotse sa labas.

Hinintay ko siya.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.



Nagising ako nang marinig ang katok sa pinto ng aking kwarto.

Malamig ang paligid.

Umuulan ng malakas.

Dahan-dahan akong bumangon. Sumasakit pa ang aking likod.

Napatalon ako nang kumulog ng malakas. I glanced at the window. It's dark outside.

Nakangiti ako nang buksan ko ang pinto. Akala ko ay si Zeke na iyon.

"Zeke—" napatigil ako nang makita ang isang kasambahay. Nakayuko itong bumungad sa akin.

Lumingon ako sa paligid baka naroon si Zeke.

Napansin ko na umiiyak pala ang kaharap ko.

"A-anong nangyari? Bakit umiiyak ka?" tanong ko.

Inangat nito ang kanyang ulo at tiningnan ako. Namumula ang kanyang mga mata.

"What happened?" ulit ko.

Bigla akong ginapangan ng kaba nang hindi ito agad nagsalita.

"Napano ka?" tanong ko ulit.

Ngayon ay sumagot na ito. "S-si sir Ezekiel po kasi..."

"Anong nangyari kay Zeke?!" Gulat na tanong ko.

Dahil sa kaba ay may lumandas na luha sa aking pisngi.

"N-nadisgrasya po si sir...w-wala na po siya, miss."Nanginginig na patuloy niya.

Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ako agad nakapagsalita sa gulat.

"Dead on arrival daw po pagkarating sa ospital." Dagdag pa nito.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Unti-unting nanghihina ang aking tuhod. Bumagsak ako sa sahig na nanghihina.

Napapikit ako habang nakadapa sa sahig.

"Kiesha," narinig ko ang boses niya sa aking ulo.

"Kielsey," ulit nito.

Bigla akong napabangon nang may kumalabit sa akin. Kumirot ang aking likod ngunit hindi ko iyon ininda.

Dahil sa gulat ay mabilis ang tibok ng aking puso. Hinaplos ko ang aking pisngi at napansin na basa ito ng luha.

"Kiesha, you're having a nightmare." Anang boses na naririnig ko sa aking panaginip.

Nilingon ko ang nagsalita.

It's him. Buhay siya at panaginip lang ang lahat ng iyon.

Guminhawa ang aking pakiramdam, at dahil roon ay hinila ko ang batok niya at siniil siya ng halik. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. Ilang sandali pa ay gumanti rin siya ng halik.

Pati ako ay nagulat rin sa nagawa ko, ngunit wala na akong pakealam.

Damn! Kinabahan ako ng husto sa panaginip na iyon. It felt so real. Akala ko talagang nangyari, lalo na't umuulan rin ng malakas ngayon at madilim na sa labas, katulad ng nasa panaginip ko.

The kiss lasted for a few moments. I pulled away first. Agad akong nahiya dahil sa kapusukang nagawa ko. Nagawa ko lang naman yun kasi natuwa akong buhay pa siya at walang masamang nangyari sa kanya!

"S-sorry..." sambit ko pagkatapos ng halik.

Napangisi siya. "You know what? Ikaw palang ang naglakas loob na gawin sa akin yun."

Hindi ako agad nakapagsalita. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya iyon?

Ano yun? Basta-basta ko nalang siyang hahalikan?

Baka yun nga ang iniisip niya.

"Hindi yun katulad ng iniisip mo!" depensa ko.

Nagtaas siya ng kilay.

"Zeke, maniwala ka." Patuloy ko.

"Does this have something to do with your nightmare?" tanong niya.

Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko sa kanya. Tumango nalang ako.

"I'm sorry...natuwa lang ako na nandito ka ngayon at ligtas ka at—at...panaginip lang ang lahat ng iyon." Napapikit ako pagkatapos kong sabihin ang huling salita.

Kumunot ang noo niya. "Why? What was your dream all about?"

Napahinga ako ng malalim bago sabihin sa kanya. "Napanaginipan ko na n-naaksidente ka..." nanginginig ang labi ko nang sabihin iyon.

Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba.

He chuckled. "Kaya ka ba umiiyak habang natutulog ka?"

I nodded.

Ngumiti siya. "Hindi pwede yun. Nangako ako sa'yo na babalikan pa kita rito. Syempre nag-ingat ako."

Napangiti ako. Kasabay nun ay ang paglandas ng panibagong luha sa aking pisngi.

Gosh! What did I do to deserve this man?

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon