Kabanata 30

2.2K 40 0
                                    

"Boss"

He told me that he still loves me, but that doesn't mean we're going back together. Hangga't hindi nawawala sa isip ko ang pagtataksil na ginawa niya ay hinding-hindi ko siya mapapatawad.

Yes, I admit na sobrang na-miss ko siya. I missed his scent, his taste, his glance...everything about him! Pero tama na. Hindi ako tanga para hayaan siyang bumalik dahil lang sa sinabi niyang mahal pa niya ako, dahil hindi mabubura ng mga salitang iyon ang katotohanan na pinagtaksilan niya ako.


Hinatid ako ni Zeke sa aming mansion.

Matapos niyang sabihin na mahal pa niya ako ay hindi na ako umimik. He tried to talk to me, but I ignored him.

Agad akong pumasok sa loob ng aming mansion nang tumigil ang kanyang kotse sa tapat ng mansion namin. Nakaligtaan ko pang magpasalamat sa kanya noon dahil nadala ako ng aking emosyon.

Wala pa ang aking mga magulang nang dumating ako kaya dumiretso na ako sa aking kwarto at nagpahinga.


The next morning, sabog ang aking mukha, pagkagising ko. Dala na rin siguro ng matinding pagod mula sa biyahe, plus, uminom pa ako at umiyak. Ngayon ay daig ko pa ang mga palaboy na nakikita sa daan sa sobrang gulo ng itsura ko.

Magulo ang buhok ko at nagsibuhol-buhol na. Malaki rin ang eyebags kong gumising at may kaonting muta sa kanang mata.

Agad akong naghilamos at nagtoothbrush. Sinuklay ko rin ang aking mahabang buhok at pinusod iyon. Pagkatapos ay naghanap ako ng magandang damit at nagbihis.

Bumaba ako sa may dining room. Ang una kong hinanap ay ang nga magulang ko.

Tinanong ko sa isang kasambahay, ang sabi ay nagjogging lang raw sila mom at dad at babalik rin daw mamaya.

Lumabas ako ng mansion. Nagpalinga-linga ako upang hanapin ang aking mga magulang, baka nasa paligid lang sila.

Hindi nga ako nagkakamali. Agad kong namataan si mommy na nagjo-jog at si daddy naman ay nagi-stretching. I quickly ran towards them.

Nang makita nila ako ay napatigil sila at agad rin na sumalubong. Nakasuot sila ng gym clothes at medyo pawis na rin, ngunit niyakap ko parin silang dalawa.

Dad kissed my forehead and ruffled my hair.

"I missed you both." Sambit ko nang matapos silang yakapin.

Nakangiti rin silang bumati. "We missed you too, hija. Tara na sa loob at makapagkwentuhan tayo."

I bet they heard about my arrival yesterday. Kaso agad kasi akong natulog kaya siguro hindi na nila ako inistorbo nang makauwi sila.


Pumasok kami sa loob ng mansion. Nakahanda na ang umagahan sa hapag-kainan.

Dad sat at his usual chair, at the center. Sa kanan naman niya si mom, samantalang ako naman sa kaliwa.

Masaya kaming nagkwentuhan. I told them about my adventures. Kinwento ko rin ang tungkol sa pagkatuto ko ng wikang Espanyol.

Manghang-mangha sila sa mga kinekwento ko. They were even so proud to hear that I received a latin honor during my graduation.

Nagsalita naman si dad. "You're so good, hija! Maaari mo nang gamitin ang mga natutunan mo. Pwede kitang ipasok sa kahit anong kompanya."

Sumang-ayon naman si mommy sa sinabi ni dad. "Oo nga, Kielsey. Mas maaga kang matututo kapag mas maaga kang nagtrabaho."

Ngumiti ako. "I like your idea, but isn't it better if I started work at our own company? Total at ako rin naman ang mamamahala sa negosyo natin, why not doon nalang ako magfocus instead of exploring other companies?"

Nagkatinginan naman ang mga magulang ko.

I could sense that there's something going on, ngunit ipinagsawalang-bahala ko nalang iyon.

Muling lumingon si mommy sa akin. She crossed her fingers. "Anak, hindi ba't mas mabuti kung matututo ka mula sa iba? In that way, mas lalong lalawak ang kaalaman mo tungkol sa pagpapatakbo ng business."

Sumingit naman si dad. "Yes, hija. Para sa oras na umupo ka bilang CEO ng RCHR ay maa-apply mo ang mga natutunan mo!"

I pouted. Iniisip ko palang na ako na ang mamamahala ng Romualdez Chain of Hotels and Resorts ay parang mahihimatay na ako. It will be too much pressure.

My parents are right. Kailangan ko muna ng experience bago ko pagtuunan ng pansin ang negosyo namin. For the mean time, sila na muna ang bahala.

"So what shall I do then?" Tanong ko.

Muli silang nagkatinginan. Parang matagal na nilang napag-usapan ang tungkol rito, hindi lang nila sinasabi sa akin.

"I would suggest you to work under Zara Industries as an administrative officer, but..." dad paused to clear his throat. "I'm not close with the Zaragozas, I'd prefer you to work under the Villanova Firm as an Executive assistant instead." Wika ni dad.

Nanlaki ang mata ko. "Executive assistant, as in...Secretary?! And under the Villanovas? Hell no!" I protested.

Kumunot naman ang noo ni dad.

"Why not? It's a good offer, actually. Mas mabuti iyong nalalaman mo kung ano ba talaga ang mga ginagawa ng CEOs, dahil palagi kang updated sa mga events na gagawin ng magiging boss mo." Mom explained.

"I can observe from you, dad. No need to be someone else's assistant!" Nilingon ko sila.

Muli silang nagkatinginan. Para bang nahihirapan silang magdahilan.

Dad took a deep breath before speaking again. Just like mom, he crossed his fingers too. "I already talked to Marcus. He's the current CEO of the firm, and he will be your boss if ever. He took the offer, so I guess it's sealed. You're going to be Villanova Firm's CEO's new Secretary. No buts."

Magpoprotesta pa sana ako ngunit sinenyasan ako ni dad na tumahimik.

Geez! Seriously?!

Kararating ko lang tapos ito ang bubungad sa aking balita?

I feel like they sold me out! I can't believe it!

Magiging sekretarya ako ng kapatid ng ex-boyfriend ko! How unfair!

Mukha akong tanga rito sa tabi nila. I kept on mouthing the word "what?!", in disbelief. Nakakunot ang noo ko at nakahalukipkip ako. Naiinis ako!

My parents, on the other hand, kept ignoring me. Grabe! A Magna Cum Laude as a secretary? No way! Mas gusto ko pang bumalik sa pagiging housekeeper sa hotel kaysa maging utusan ng ibang tao.


As soon as I got my papers, dinala agad ako ni dad sa Villanova Firm. Gusto ko siyang pigilan, but I don't want to disappoint him. It's my parents' choice, at anong magagawa ko?

Sumunod ako kay dad. He quickly talked to the receptionist, and told her na gusto niyang makausap si Marcus Villanova.

Agad rin namang hinarap ni Marcus si dad. With all smiles in a formal suit, Marcus Levi Villanova, the CEO of Villanova Firm, shook hands with my dad. Perhaps, he already knows why we're here.

"Kielsey, this is Marcus. He's going to be your boss." Sambit ni dad. He signaled me to shake hands with 'My boss'.

Napairap nalang ako. Hindi ko iyon ipinakita sa kanila.

Lumapit ako kay Marcus upang kamayan siya. I tried to act as professional as possible, kahit na ayaw ko itong trabahong ito!

I smiled at Marcus, as we shook each other's hands.

"Nice to meet you, Ms. Romualdez." He greeted.

This is my first time to meet Marcus Villanova in person. I gotta admit that he's absolutely handsome! He's like Ezekiel with harder features. A total Greek God!

Ang ganda nga naman talaga ng lahi ng mga Villanova, ano?

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon