"Familiar"
Zeke gave his car keys to the valet. I was confused, kaya hindi ako bumaba ng kotse kaagad. Nagulat ako nang bumukas ang pinto sa tapat ko. Binuksan iyon ni Zeke.
"Shall we?" he said formally.
Nilahad niya ang kanyang palad para sa akin.
As a sign of respect, I took it as I stepped out of his Chevy Camaro.
"Anong gagawin natin rito?" Bulong ko sa kanya.
Sinenyasan niya akong humawak sa kanyang braso. Agad ko naman iyong ginawa.
"Kakain lang tayo sa resto ng hotel na ito," nilingon niya ako ng nakangisi. "Huwag kang mag-alala, hindi tayo magchecheck-in katulad ng iniisip mo—"
Hindi pa niya natatapos ang sasabihin ay hinampas ko na siya sa braso.
"Kung ano-anong sinasabi mo!" Inis na sambit ko.
Nagtinginan ang mga tao sa amin kaya napatigil ako. I glared at Ezekiel, na nagpipigil ng tawa.
"Let's go..." nagulat ako nang hilahin niya ako sa baywang.
Wala akong nagawa kundi sumunod nalang.
Pumasok kami sa isang restaurant, rito sa loob ng hotel. Pamilyar ang resto'ng ito. I've been here before. Kasama ko sina mom at dad noon at maliit pa ako.
"Kiesha," sambit ni Zeke na nasa tabi ko. Hawak parin niya ang baywang ko.
Napalingon ako sa kanya. Nahuli ko siyang nakatitig sa akin.
Saglit siyang napatigil.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "What?"
Tumikhim siya. "Dito kita unang nakita. Hindi ko alam kung naaalala mo pa, pero ako yung batang sinabuyan mo ng tubig noon."
Nagulat ako sa sinabi niya. "S-sinabuyan kita ng tubig?"
Naalala ko noong dinala ako nina mom at dad rito. It was a social gathering with our fellow socialites. Gabi na noon kaya uwing-uwi na ako, ngunit nakikihalubilo parin ang aking mga magulang sa mga kakilala nila. Wala naman akong makalaro o makausap na kapwa kong bata dahil wala naman akong kilala ni isa.
Naisipan kong gumawa ng dahilan upang mapilitan silang umuwi. Kinuha ko ang isang baso na may lamang tubig.
Ang balak ko sana ay ihulog iyon upang lumikha ng ingay, ngunit naisip ko na baka hindi iyon tatalab kina mommy. Panigurado'y babayaran lang nila ang nabasag, ipapalinis, tapos babalik ulit sila sa pakikipag-usap.
Breaking something here isn't that humiliating, I want to create a scene...
Saktong may lumapit sa akin na isang lalaki. Sa tingin ko ay mas matanda ito kaysa sa akin. Nakasuot ito ng tuxedo.
"Excuse me, what's your name?" the guy politely asked me. Siguro'y nasa early teens palang ito.
Sigurado ako na ako ang tinatanong niya dahil nakatitig siya sa akin ngayon. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Isinaboy ko sa kanya ang tubig na laman ng baso.
"I don't like you!" I yelled at him.
I guess that created a scene dahil halos lahat ng tao sa venue ay napatingin. Hindi ko naman kilala ang lalaking pinagbuntungan ko ng inis noon kaya ayos lang iyon sa akin. Siguro'y iniisip nung lalaki na baliw ako noon.
Natuwa ako noon dahil effective ang eskandalong naidulot ko. Napagalitan ako, ngunit napapayag ko naman na umuwi ang mga magulang ko. Humingi pa ng paumanhin sa ina ng lalaki si mommy dahil sa ginawa ko. They were so humiliated after what I did.
"Ikaw yun?" tanong ko pa kay Zeke.
Tumango lang siya at tumawa.
May isang waiter na lumapit sa akin. Iginiya niya kami sa aming uupuan. Nang makaupo ay may ibinigay itong menu.
"What's yours?" tanong ni Zeke sa akin.
I glanced at the menu.
"Filete de Pescado, please." Sambit ni Zeke.
Hinanap ko sa menu ang order niya.
Hmm...fish fillet.
"Gano'n na rin sa akin." I told the waiter.
Um-order pa ng iba si Zeke. Hinayaan ko nalang siya.
After that, the waiter repeated our orders. Nang makumpirma ay umalis na ito.
Sinulyapan ko si Zeke na nakaupo sa harapan ko. We're sitting in a table for two, magkatapat kami.
"Why did you approach me pala back then?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya.
"Actually..." pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri bago nagpatuloy. "I was attracted to you back then."
Napalunok ako.
He continued. "Nang makita ko iyong babae na nakasuot ng asul na bestida na may magagandang asul na mata, I can't explain what I was feeling. Alam kong bata ka pa noon, ngunit hindi naman magkalayo ang agwat nating dalawa. Naglakas-loob akong lapitan ka noon at tanungin ang pangalan mo, ngunit anong napala ko?"
Natawa ako. "So...matagal mo na akong kilala?"
Umiling siya. "Hindi ko naman nalaman ang pangalan mo noon. Siguro'y alam ko lang ang itsura mo, pero hindi ang pangalan."
I slowly nodded.
"Alam mo bang ilang buwan akong nadepress dahil hindi pa ako nanliligaw, nireject mo na ako noon?" natatawa niyang sambit.
I chuckled. "I didn't reject you!"
Nagtaas siya ng kilay. "Yes you did. Tumatak nga sa isip ko iyong sinabi mong 'I don't like you' eh."
Mas lalo akong natawa. "Seriously, tsaka mo lang nalaman ang pangalan ko noong nagtrabaho ako sa hotel namin?"
Tumango siya. "Yes...Eight years, hinanap ko ang pangalan mo. Hindi ko alam na anak ka pala ni Mr. Romualdez!"
I raised an eyebrow. "Eight years?"
"As far as I remember, 12 years old ako noong tinapunan ako ng isang magandang babae ng tubig sa damit, sa isang social gathering sa restaurant na ito. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan." Paliwanag niya.
It dawned on me. "Kaya ba nilapitan mo ako noong una mo akong makitang kumakain sa Bistro noon?"
Tumango siya. "Well, noong nakita kita sa lobby noong araw na iyon, naalala ko iyong batang may asul na mata sa gathering. Those blue eyes were familiar."
Napanganga ako.
"I was in doubt before, dahil sigurado akong mayaman ang babaeng iyon. Imposibleng magtrabaho yun bilang isang housekeeper. Narealize ko lang na ikaw pala talaga yun noong sinabi ni Mr. Romualdez sa akin na anak ka niya after our meeting. Naalala ko rin kasi na humingi ng paumanhin ang asawa niya kay mama at sa akin noon eh." He explained.
Natawa ako, hindi makapaniwala. "So matagal ka nang may gusto sa akin?"
He chuckled. Hindi siya sumagot. Nakangiti lang siya.
"Zeke, matagal ka na palang may gusto sa akin?" Asar ko.
Tumawa lang siya.
I glanced at him. Namumula ang kanyang pisngi na pilit niyang tinatago sa pamamagitan ng pagyuko.
"Are you blushing, Mr. Villanova?" I teased.
Umiling ito habang nakayuko.
Mas lalo akong natawa. "Ang cute mo."
Agad niyang inangat ang kanyang mukha upang tingnan ako. Ngayon ay nakumpirma kong nagbablush nga siya.
"Ezekiel Villanova, blushing because of a joke...hmm, very adorable." I teased.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not (Villanova Series #2)
General Fiction[COMPLETED] One year after staying abroad, Kielsey Anisha Romualdez decided to go back to the Philippines, the country where she grew up. With a heartbreaking experience, Kielsey motivated herself to improve, and as she stepped on the grounds of the...