Kabanata 19

1.7K 32 1
                                    

"Roasted"

Nang matapos ang party, umuwi na kaming lahat. Pinauna namin ang aming mga kaibigan. Hinatid sila ng dalawang van namin.

Sumakay ako sa kotse ni Zeke, samantalang sina mommy at daddy naman sa kotse na dala nila.

"May gusto ka pa bang pasyalan bago tayo bumalik ng Maynila?" tanong ni Zeke.

Umiling ako. "Ayos na ako, basta kasama kita."

He smiled at me. Inandar na niya ang kotse.

Buong biyahe ay itinuon ko ang aking atensyon sa mga tanawin.

Hindi parin ako makapaniwala na may boyfriend na ako.



Ilang oras ang itinagal ng biyahe. Inabot kami ng gabi at nakatulog ako sa kotse.

"Kiesha, wake up." May mahinahong bulong sa aking tenga.

Iminulat ko ang aking mga mata. I caught Zeke closely staring at me. Nasa loob parin kami ng kotse niya.

Hinawakan ko ang pisngi niya at itinulak siya palayo. Nakakahiya, kakagising ko eh.

Hinalikan niya ang kamay kong nasa pisngi niya.

Humikab ako. Napansin kong nasa tapat na pala kami ng mansion.

"Nakauwi na ba sina mommy?" tanong ko.

"Yes, they're already inside, waiting for you." Sagot niya.

Nag-unat ako ng katawan.

Lumabas siya ng kotse at sumunod na rin ako.

He escorted me inside.

Naabutan ko sina mom at dad sa hapag-kainan.

"Oh, mga anak, kain na muna tayo." Imbita ni mom sa amin.

Suddenly, I felt a warm caress on my heart when I heard her call us mga anak.

"Uhh, Mrs. Romualdez, pasensya na po. Hindi na po ako makakatagal rito. Gabi na po." Magalang na sambit ni Zeke.

Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya.

"Oh, just call me mom. Anyways, pwede ka namang magpalipas ng gabi rito. Ipapahanda ko na ang guest room para sayo." Saad ni mom.

Nagkatinginan kami ni Zeke.

Walang siyang nagawa. "Sige po. Aagahan ko nalang ang pag-uwi bukas."

Umupo kami at sinaluhan sina mom at dad.

"Tama," si dad. "Mapanganib na kapag gabi. Si Kielsey, naaksidente noon dahil hindi niya nakita iyong puno—"

"Dad..." I stopped him.

"What? Alam naman ni Ezekiel yun. I already told him." He explained.

Nilingon ko si Zeke. Parang wala lang iyon sa kanya.

"Kindly pass the rice, please." Sambit ni Zeke.

Agad ko namang pinasa ang kanin sa kanya.

He's really respectful and well-mannered. Ano pa bang hahanapin ko eh nasa kanya na ata ang lahat?

We peacefully ate dinner. After that, umakyat na kami patungo sa kwarto, at hinayaan ang mga kasambahay na magligpit.

Hinatid ko si Zeke sa magiging kwarto niya. Nasa kama na niya ang lahat ng kakailanganin niya.

"Ayos ka lang dito?" tanong ko.

"Yes, baby. Thank you." He politely said.

Nginitian ko siya, at sinara ko na ang pinto.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon