"Nickname"
Naglalakad kami sa tabing dagat sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng buwan. Tanging kaming dalawa lang ang narito. Hindi ko alam kung bakit hindi ako natatakot o kinakabahan tuwing kasama ko siya.
"Bakit mo nga pala ako dinala rito?" pagbasag ko sa katahimikan.
Tumitig siya sa akin na para bang sinusuri niya ang bawat parte ng mukha ko.
"Kiel?" tinawag ko siya.
Napatigil ang kanyang pagtitig sa aking asul na mata na naliliwanagan ng buwan.
"I wanna know you more, Kielsey." He gently whispered.
Sa pagbulong niyang iyon ay nanayo ang balahibo sa aking batok. Ilang araw ko palang siyang nakikita at nakikilala, ngunit parang sobrang na-attach na ako sa kanya.
Parang...
"Close ba tayo?" Tinarayan ko siya.
He chuckled, pagkatapos ay umupo siya sa dalampasigan. Sinenyasan niya akong maupo sa tabi niya.
"Kaya nga kikilalanin para maging close." Sagot nito.
"By the way, Are you okay here? Or shall we go back inside?" tanong niya.
Umupo naman ako sa tabi niya, ngunit ilang dangkal ang iniwan kong space sa gitna namin.
"I'm okay here." I answered.
Ngumiti siya.
"By the way, natutulog ka rito sa hotel?" tanong niya.
Tumango ako. "Oo, may kwarto ako sa 16th floor."
Nanlaki naman ang mata niya. "Really? Hindi ba't suites na iyong mga nasa upper floors?"
Oo nga pala. Wala siyang ideya na isa akong Romualdez. Ang akala niya ay housekeeper lang ako rito.
"Umm..." I bit my lower lip. "Oo, suites iyong mga naroon, pero may binigay si dad—I mean, sir Kaleb na kwarto para sa akin dun."
Nagkamot ako ng ulo. Damn! Hindi ako prepared sa interview na ito ah.
Namangha si Kiel sa kanyang narinig. "Wow...I never knew Mr. Romualdez was so generous to his employees."
Ngumiti nalang ako. Iyong tipong pilit na mukhang natatae.
I'm not just his employee, I'm also his daughter. Iyon sana ang sasabihin ko, ngunit naunahan niya akong magsalita.
"Pero may kasama ka rin na housekeeper na natutulog rin sa suite na iyon?" patuloy ni Kiel.
Nag-isip muna ako.
"M-meron?" shit!
Kinakabahan ako. Ayaw ko naman siyang biglain. Hindi ko naman pwedeng sabihin nalang sa kanya na anak ako ng may-ari ng hotel at pinagtatrabaho nila ako rito bilang parusa. Ano nalang ang iisipin niya kapag nalaman niya iyon? Na spoiled and stubborn ako at hinahayaan lang ako ng mga magulang ko?
Well, totoo naman pero parang...nakakahiyang aminin.
"Oh, bakit parang hindi ka sigurado?" tanong niya.
Binasa ko ang labi ko bago ako nagsalita. "Kasi madalas mag-isa lang ako dun. Minsan kasi mas gusto ng mga kasama ko manatili nalang sa quarters, at isa pa, puno na ang quarters kaya sa suite ako pinatuloy."
He pouted, maya-maya pa ay bigla siyang tumango na para bang nakuha na niya ang point ko. "Sabagay, mas convenient manatili sa suite kaysa sa ordinary room lang. Mas kompleto ang gamit, katulad rin ng quarters niyo."
BINABASA MO ANG
Forget Me Not (Villanova Series #2)
General Fiction[COMPLETED] One year after staying abroad, Kielsey Anisha Romualdez decided to go back to the Philippines, the country where she grew up. With a heartbreaking experience, Kielsey motivated herself to improve, and as she stepped on the grounds of the...