Forget Me Not
Pagkalapag ng eroplano sa Pilipinas ay hindi ko mapigilan ang ngumiti. Iniwan ko sa lugar na ito ang mapapait na ala-alang naranasan ko dalawang taon na ang nakalilipas. Nararamdaman ko parin ang pagkirot ng aking damdamin tuwing nakikita ko ang mga bagay na nagpapaalala sa akin sa kanya, at ang pananatili sa bansang ito ay isa na roon.
Wala akong magagawa kundi ibaon nalang sa limot ang mapait kong nakaraan. Hindi ko rin naman maiiwasan ang pag-uwi rito sa Pilipinas dahil nandito ang mga magulang ko.
Sa loob ng isang taon ay nanatili ako sa Europe ng ako lang mag-isa. Durog na durog ang aking damdamin nang umalis ako ng Pilipinas. Iiwan ko kasi ang lahat ng nagmamahal sa akin para lang makalimot sa isang taong minsan kong minahal.
Palihim akong tumawag sa mansion at nagpasundo sa driver rito sa airport. Balak ko sanang sorpresahin sina mommy at daddy sa aking pagdating.
Habang nasa biyahe ay hindi ako mapakali. I kept on texting my friends. I wanted to invite them to a nightclub tonight, para naman makapag-bonding kami ngayong kakauwi ko galing ibang bansa.
Sandali lang ang biyahe dahil wala masyadong traffic. Agad kaming nakarating sa mansion. Dali-dali namang sumalubong ang mga kasambahay upang buhatin ang mga maleta ko.
Huminga ako ng malalim. Finally, I'm home.
Namiss ko rin ang mansion na ito. Isang taon rin akong hindi nakatapak rito.
Habang ina-admire ko ang mga pagbabago ng mansion ay sumulpot ang isang kasambahay sa tabi ko. "Miss Kielsey, may gusto po ba kayong kainin?"
Ngumiti ako. "Oh, just a simple vegetable salad would do."
"Iyon lang po ba, miss?" tanong pa nito.
Tumango ako.
Bago pa ito makaalis ay tinanong ko siya. "By the way, anong oras makakarating sina mom at dad rito?"
"Siguro mga nine o'clock, po." Tugon niya.
Nginitian ko siya at nagpatuloy ako sa paghanga sa mga bagong disenyo rito. Ilang saglit pa ay may itim na kotseng tumigil sa tapat ng bulwagan ng mansion. Iniluwal nito ang long time bestfriend kong si Deborah, Debbie for short.
"Kielsey!" excited na bati nito sa akin.
Halos mapunit ang labi niya kakangiti at patakbo siyang yumakap sa akin.
"I missed you so much!" she said as she hugged me tightly.
Niyakap ko rin siya pabalik. "I missed you too."
Inasahan ko na ang pagpunta niya rito dahil nitext ko rin siya kanina, pagkarating ko sa airport.
Ilang sandali bago kami bumitaw sa isa't-isa.
"Ano? Kumusta ka na? nalibot mo ba ang buong Europe?" tanong niya.
Tumawa ako. "Hindi pa naman. Sa Spain, Italy at France lang ako."
She laughed. "Wow! You could've told me para naman nagbook ako ng flight at sinamahan kita sa paglilibot roon."
Ilang oras din kaming nagkwentuhan ng kaibigan ko. We missed each other so much.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not (Villanova Series #2)
General Fiction[COMPLETED] One year after staying abroad, Kielsey Anisha Romualdez decided to go back to the Philippines, the country where she grew up. With a heartbreaking experience, Kielsey motivated herself to improve, and as she stepped on the grounds of the...