Kabanata 9

2.2K 43 1
                                    

"Miss"

It's been three days since tinanong ako ni Zeke kung maaari bang manligaw. Syempre pinayagan ko...

Sa huling araw niya rito sa hotel namin, hindi kami masyadong nag-usap. Tsaka lang kami nagpansinan nang dala na niya ang maleta niya at magchecheckout na siya.

Palihim niya akong dinalaw sa quarters namin. Alam kong bawal iyon ngunit wala silang magagawa dahil special guest naman si Zeke, kaya may special treatment rin siya rito. Sa katunayan nga, parang anak ang turing sa kanya ni dad eh! Nagseselos tuloy ako.

Nalaman ko lang na malapit pala ang mga magulang ko sa pamilya niya, nitong nakaraang araw lang. Pinatawag kasi ako ni dad sa office niya one time, at doon niya ako kinausap. Well, tinanong niya lang naman kung kumusta yung trabaho ko at kung ayos lang ba ako rito. Ever since they told me to work here, hindi na ako umuuwi sa mansion. Pinadala nalang sa akin ang mga damit at gamit ko rito, kaya rito na rin ako namamalagi.

Syempre, hindi pinalagpas ni daddy ang nalalaman or nababalitaan niya tungkol sa amin ng special guest niya na isang Villanova: si Zeke. Ayun, kinwento ko sa kanya na magkaibigan lang kami, ngunit kamakailan ay nagtangkang manligaw. Actually, supportive si dad eh. Boto siya kay Zeke. Siya lang ang manliligaw ko na pumasa kay dad.

"Kiesha," bulong sa akin ni Zeke.

Nasa isang sulok kami ng hotel, kung saan walang tao.

"Don't worry, bibisitahin pa naman kita. Babalik lang ako saglit sa main office, then I'll go back to checking our sites here again." Patuloy niya.

Syempre, kung babalik siya sa pag-aasikaso sa sites nila, dito na rin siya mamamalagi nun. Libre pala ang stay niya rito dahil investors ang mga magulang niya sa hotel namin, at gano'n rin si dad sa Firm nila.

Sa katunayan ay nalulungkot ako sa pag-alis niya. Hindi ako sanay na wala siya rito sa hotel. Wala tuloy akong inspiration sa pagtatrabaho.

"Kailan?" iyon ang unang lumabas sa aking bibig.

Napabuntong-hininga siya. "Hindi ako sigurado, pero babalikan kita."

Sandali akong natahimik. Nalulungkot ako.

"Zeke," panimula ko.

Tumitig siya ng diretso sa mga mata ko habang hinihintay ang kadugtong ng aking sasabihin.

"I'll miss you." Pumiyok ang boses ko.

Nagsimula ng magtubig ang aking mata.

"Shhh...huwag kang umiyak. Hindi naman kita iiwan." Marahan niyang bulong sa aking tainga.

Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. Tinatapik-tapik niya ang aking likod habang ako'y pinapatahan sa pag-iyak.

Oo, mataray ako at mataas ang pride ko, pero pagdating sa mga taong mahal ko, nanlalambot ang puso ko.

Sa totoo lang ay sobrang napamahal na ako sa kanya. Sobrang gaan ng pakiramdam ko kay Zeke. Pakiramdam ko ay siya ang pahinga ko sa nakakapagod kong trabaho rito sa hotel. Siya ang dahilan kung bakit hindi na ako nagreklamo sa mga magulang ko tungkol sa trabahong binigay nila sa akin rito. Siya ang dahilan kung bakit hindi na ako nagpumilit pa na umuwi sa mansion.

Tuwing nagkekwentuhan kami, gabi-gabi nasa dagat kami, nag-uusap, unti-unti kong nakikilala ang pagkatao niya. He's kind, optimistic and very smart. Walang dahilan para hindi siya magustuhan ng sino man.

"Zeke, I really like you..." bulong ko sa kanya.

Napapikit ako pagkatapos sabihin iyon. Bigla siyang napatigil sa pagtapik sa akin.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon