"Eat"
Ever since, hindi ko masyadong pinapansin si Zeke. I know it sounds pretty weird, but I'm silently moving on. Yes, I'm moving on kahit na hindi naging kami.
Bihira na rin ang pagdalaw niya sa akin rito. Hindi ko pa siya natatanong tungkol sa babaeng nakausap ko through his phone. Hindi rin naman niya binabanggit. Alam kaya niyang ako yung tumawag sa kanya noon?
Tumigil na ako sa pagtatrabaho sa hotel namin. Hindi na ako hinayaang bumalik nina mom at dad kahit na gusto ko pa. Ang sabi nila ay mas mabuti kung hindi na ako magpapagod, baka lumala lang ang sitwasyon ng aking likod. Ayos naman na ako eh. Sinunod ko iyong sabi ng doctor na magpahinga ng isang linggo.
Tahimik akong nakatayo sa balkonahe ng aking kwarto. Pinagmamasdan ko ang malawak naming lupain habang iniinom ang maiinit na tsaa.
Biglang may kumatok sa pinto ng balkonahe, mula sa loob. Sinilip ko iyon at naabutan ang isang kasambahay na nakatingin sa akin.
Sinenyasan ko siyang buksan ang pinto, na agad naman nitong sinunod.
"Yes?" Nanatili ang aking mga mata sa tanawin.
"May bisita po kayo, miss." Tugon nito.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Sino?"
May nakutuban ako nang hindi ito agad sumagot.
"Si Zeke, no?" Inunahan ko siya nang hindi pa ito sumasagot.
Tumango ito.
Napabuntong-hininga nalang ako.
Bakit ba siya nandito?
Di ba may girlfriend na siya?
Agad akong nagbihis ng mas maayos na damit.
Nauna nang umalis ang katulong. Ang sabi niya, hinihintay raw ako ni Zeke sa sala.
Nang makabihis ay bumaba na ako.
Inayos ko ang laylayan ng aking asul na bestida bago ko siya harapin.
Naabutan ko si Zeke na nakaupo sa sofa, sa sala ng mansion.
Agad na nagtama ang aming paningin kaya kinabahan ako.
Bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na niya ako.
Agad siyang tumayo at sinalubong ako.
"Does your back still hurt?" bungad niya.
Ayos naman na ang likod ko. Hindi na gaano kasakit kapag gumagalaw ako. Pakiramdam ko nga ayos na ako eh. Kung gusto mo, sumayaw pa ako sa harap mo.
"No." malamig kong tugon.
Mukhang napansin naman niya ang malamig na pakikitungo ko kaya...
"Are we okay, Kiesha? May problema ba tayo?" kunot-noong tanong niya.
Umiling ako at tumawa. "Wala."
Walang tayo.
"Wala naman." Ulit ko.
Mukhang hindi siya nakontento.
"You seem cold to me. Hindi ka naman ganyan dati." Aniya.
Umirap ako. Sinadya kong ipakita sa kanya ang pag-irap ko.
He sighed heavily. "That's it."
Nilingon ko siya. Hinimas niya ang kanyang sentido.
"What?" I tried to annoy him.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not (Villanova Series #2)
Ficción General[COMPLETED] One year after staying abroad, Kielsey Anisha Romualdez decided to go back to the Philippines, the country where she grew up. With a heartbreaking experience, Kielsey motivated herself to improve, and as she stepped on the grounds of the...