Kabanata 24

2K 32 0
                                    

"Thank You"

Napakabilis ng mga pangyayari. Hinatid ako nina mom at dad sa airport. Kasama rin si Debbie. Nakarating ako ng ligtas sa airport ng Madrid, at ngayon ay nandito na ako sa Spain at malayang gumagala.

Limang araw na ako rito sa Espanya. Noong nakaraang araw ay binisita ko na rin ang magiging bago kong paaralan.

Kasalukuyan akong nasa Plaza Mayor, ang sentro ng Madrid. Tinititigan ko ang estatwa ng lalaking nakasakay sa kabayo. Bigla akong may naalala.

Kumusta na kaya siya?

Ang huli kong balita sa kanya ay nakipag-away daw siya sa pangalawa niyang kapatid, ngunit hindi ko alam kung bakit.

Napahinga nalang ako ng malalim. Napakasariwa ng hangin rito. Ang sarap gumala. Saglit akong pumikit upang damahin ang simoy ng hangin nang biglang maramdaman kong may kumalabit sa akin.

Agad ko iyong nilingon. Nagulat ako nang makita ang isang lalaki na medyo madungis ang itsura. Akala ko ay hihingi ito ng barya, ngunit nagulat ako nang may inabot siya sa akin.

Napatulala nalang ako sa bagay na inabot nito. Nang kunin ko iyon ay nginitian niya ako at umalis na siya sa harap ko.

Muli kong sinulyapan ang hawak kong bulaklak. Agad ko iyong naalala dahil sa pangalan nito.

"Forget me not." Sambit ko.

Hindi ko alam kung bakit biglang may tumulong mga luha mula sa aking mga mata.

Paano ko siya makakalimutan kung lahat ng bagay na nakikita ko ay nagpapaalala sa akin sa kanya?

Nang matapos akong gumala ay bumalik na ako sa aking tinitirhan. Kasalukuyan akong tumutuloy sa Mansion ng matalik na kaibigan ni dad na si Tito Romeo Chavez. Kasama niya sa mansion ang kanyang dalawang anak na sina Rylan, na kasing edad ko lang at si Rosie na mas matanda sa amin ng tatlong taon. Bukod sa kanila ay kasama rin namin ang mga kasambahay at mga trabahador nila.

Limang taon nang patay ang asawa ni Tito Romeo kaya tatlo nalang sila.

He's one of the most successful Filipino businessmen na nandito sa Europa, kaya naman magkasundo sila ni dad.

Pansamantala lang daw muna akong titira sa mansion nila hanggang hindi pa natatapos ang hotel na pinapatayo ng pamilya namin rito sa Spain. Of course, isa si tito Romeo sa mga tumulong kay dad na magpatayo ng hotel rito.


"Madami ka na bang napasyalan rito, Kielsey?" Nakangiting tanong sa akin ni Tito Romeo.

Kasalukuyan kaming nagsasalo-salo sa hapag-kainan para sa hapunan. Nakaupo si tito sa kabisera samantalang nasa kanan niya naman si Rylan, na katabi ko, at sa kaliwa naman si Rosie.

I smiled. "Konti palang po. Nag-ikot lang po ako sa Plaza Mayor kanina."

Napataas naman ang kilay niya. "Gusto mo bang pumasyal sa France bukas? Para naman marelax iyang utak mo bago magsimula ang pasukan niyo."

Nagulat naman ako sa subestiyon niya, ngunit tumango nalang ako. "Ayos lang po, pero hindi ko po kasi alam kung paano pumunta ng France mula rito."

Tumawa naman si tito. "Don't worry. Ipapahiram ko ang private jet ko sa inyo bukas. Sasamahan ka nina Rylan at Rosie."

I was shocked at the offer. Napakagalante naman ni tito upang ipahiram sa amin ang private jet para lang pumasyal.

Nagulat ako nang magsalita si Rosie. "Papa, No puedo ir mañana. I'll go out with my friends."

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon