"Still"
Sinundan ko si Zeke sa parking lot. Karga parin niya ang walang malay na si Debbie.
Pinatunog ni Zeke ang isang itim na Rolls-Royce. Binuksan niya ang pinto ng backseat at maingat na sinakay roon si Debbie. Pagkatapos ay nilingon niya ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa shotgun.
Walang pag-aalinlangan akong pumasok roon. Humalukipkip ako habang hinihintay siyang pumasok sa loob.
I wonder what happened to his Chevy Camaro.
Nang maupo si Zeke sa driver's seat ay napatingin ako sa kanya. I want to ask him something so badly pero naisip ko na baka magising si Debbie. Nanatili nalang akong tahimik.
Inandar na niya ang kanyang kotse. Tahimik ang buong biyahe namin patungo sa tahanan nina Deborah. Tinuro ko kay Zeke kung saan nakatira ang aking kaibigan.
Pinarada ni Zeke ang kanyang kotse sa gilid ng kalsada.
He carried Debbie out of the car.
Ako ang pumindot sa doorbell sa harap ng bahay nina Deb.
Ilang saglit pa ay lumabas ang isa nilang kasambahay at pinagbuksan kami ng gate.
Nagulat naman ito nang makita ang sabog na itsura ng aking kaibigan, na karga ni Zeke ngayon.
Hindi na nila kami pinapasok. Tumawag ang kasambahay ng isang bodyguard at ito na ang nagdala kay Debbie sa loob ng kanilang mansion. Nagpasalamat ang kasambahay at pinagsarahan na kami ng gate.
Nang isara na ng kasambahay ang gate ay napalingon ako sa lalaking nasa tabi ko.
Hindi siya tumitig sa akin. Lumingon lang siya sa kanyang kotse at binuksan ulit ang pinto ng passenger's seat para sa akin.
Agad naman akong pumasok roon. Hinintay ko siyang makapasok rin.
Hinanda ko ang sarili ko. Humugot ako ng malalim na hininga.
Nang makapasok na si Zeke sa loob ng kotse, hinarap ko siya. Walang imik niyang binuhay ang makina ng kotse at pinagalaw ang sasakyan.
Muli akong bumuntong-hininga. Tumikhim ako bago nagsalita.
"Umamin ka nga," medyo kalmadong panimula ko.
Nilingon niya ako, ngunit agad rin niyang binalik sa kalsada ang kanyang paningin.
"Yes?" He calmly inquired.
I can't believe this man!
Pagkatapos kong mawala rito sa Pilipinas ng isang taon, ganito lang ang reaction niya?!
Wala bang 'Welcome back' riyan?
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, nagpipigil na sigawan ang lalaking katabi ko ngayon.
Napakarami kong gustong sabihin at itanong sa kanya.
"Were you stalking me?" I calmly asked.
Bumibigat ang hininga ko. Naiinis ako at hindi ko alam kung bakit.
Hindi siya umimik kaya nilingon ko siya.
Inulit ko ang tanong ko. "All these times, were you stalking me, Mr. Villanova?!"
Hindi na ako nakapagpigil pa. Nataasan ko ang boses ko.
He stopped the car somewhere. Ipinarada niya iyon sa gilid ng kalsada. Medyo malayo na kami sa bahay nina Debbie ngayon.
Nilingon niya ako.
Bumuntong-hininga siya bago sumagot.
"Yes."
BINABASA MO ANG
Forget Me Not (Villanova Series #2)
General Fiction[COMPLETED] One year after staying abroad, Kielsey Anisha Romualdez decided to go back to the Philippines, the country where she grew up. With a heartbreaking experience, Kielsey motivated herself to improve, and as she stepped on the grounds of the...