"Relationship"
"I have proof."
Magpapatuloy pa sana siya ngunit biglang may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto.
Hindi na ako nakapagtago pa. Ano nalang kaya ang iisipin ng makakakita sa akin rito?
Agad na binuksan ni Zeke ang pinto. Halos manigas ako sa aking kinatatayuan nang makita ang seryosong mukha ni Marcus.
Damn! I didn't expect him. Kararating ba niya?
Nakayuko akong lumapit sa kanya.
"Good morning, marc— I mean, Sir." Magalang na bati ko.
Pinunasan ko ang konting luha sa aking pisngi, galing sa pag-iyak kanina, bago siya tiningala.
Kunot-noo niya naman kaming pinagmasdan ni Zeke. Mas lalo akong kinabahan.
Ngunit hindi siya umimik. May inilahad lamang siyang folder kay Zeke. Pagkatapos ay bumaling siya sa akin.
"Follow me, Ms. Romualdez." Ani Marcus.
Agad naman akong sumunod. Umalis ako sa kwarto ni Zeke na hindi tumitingin sa kanya.
Bumalik si Marcus sa opisina niya. Nilingon niya ako tyaka siya umupo sa kanyang swivel chair.
"Have you heard about the meeting later?" Seryosong tanong niya.
Nanatili akong nakatayo sa harap niya.
I nodded.
"Yes, sir." Sagot ko.
He slowly nodded.
Damn!
Naramdaman ko nalang ang biglang pagtulo ng pawis sa aking noo. I quickly wiped it with my trembling hands.
Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.
"Have you checked the conference room already?" Tanong pa ni Marcus.
Tumango ako. "Opo."
Kinuha niya ang isang ballpen at pinaglaruan iyon, animo'y nag-iisip siya.
"M-may ipapagawa pa po ba kayo sa akin?" I asked courteously.
He glanced at me. Umiling siya.
Magalang akong tumango at tumalikod na sa kanya, upang makaalis na rin sa kwarto niya.
Ngunit agad niya akong pinigilan. Mukha siyang nag-aalanganin, ngunit agad rin siyang nagsalita.
"Ms. Romualdez, may alam ka bang...pagawaan ng singsing?" Tanong niya na ipinagtaka ko.
I heard it clearly.
"P-para saan po?"
"For a proposal."
Nanlaki ang mata ko. Marcus is going to propose and he's asking me to suggest a ring maker for him! I wonder who's the lucky girl.
Napaisip naman ako.
"You could go for Cartier or Glamira, sir." I suggested.
Pinipisil ko ang mga daliri ko habang nagsasalita. Nag-iisip ako kung ano pa ba ang mga luxury brands na pwede kong i-suggest. For sure he wants something extravagant. Villanovas don't go for cheap stuffs.
"Any other suggestions? I want the finest." He demanded.
Napahinga ako ng malalim.
"Harry Winston, sir. It's a good luxury brand..." I paused for a while. Napaisip ako ng pwede kong idagdag para sa kaalaman niya.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not (Villanova Series #2)
General Fiction[COMPLETED] One year after staying abroad, Kielsey Anisha Romualdez decided to go back to the Philippines, the country where she grew up. With a heartbreaking experience, Kielsey motivated herself to improve, and as she stepped on the grounds of the...