"Name"
"Have you ever been in a relationship with my brother Ezekiel?" Tanong niya.
Halos mailuwa ko ang nginunguya kong cake ngayon. Nasamid ako at naubo.
Bigla namang nag-alala ang mukha ni Marcus. Tatayo na sana siya upang tulungan ako, ngunit sinenyasan ko siyang huwag nang ituloy dahil bumuti na ang pakiramdam.
Uminom ako ng konting tubig, pagkatapos ay nilingon ko siya.
"Y-yes. I have been in a relationship with Ezekiel for two years...but, I broke up with him about a year ago." Matapang na sagot ko.
Pansin kong may gusto pa siyang idagdag, ngunit pinigilan niya ang sarili.
Nanatili kaming tahimik hanggang sa maubos namin ang pagkain.
Gusto ko rin sana siyang tanongin kung para kanino ang singsing, kaso baka magalit siya, kaya huwag nalang.
Hindi na kami nag-ikot pa sa loob ng mall. Dumiretso na kami sa parking lot, kung saan naghihintay ang driver ng sasakyan namin.
Bumalik kami ng opisina.
Madami pang oras ang natitira bago magsara ang opisina. Ginamit ko ang oras na iyon sa pinapagawa ni Marcus sa akin.
Nang makabalik kasi kami rito sa opisina ay may ibinigay agad siyang mga papel sa akin. Ang sabi niya'y i-type ko raw ulit iyon. I just had to follow the copywriting symbols he put there, as a guide.
Umupo ako sa desk ng Executive assistant na nasa labas lang mismo ng opisina ng CEO.
Habang nagtitipa ay napansin kong nakalagay sa papel ang pangalan ni Zeke. He's the Vice President of the Board of Directors. Ang President ay si Leonardo Villanova, na ama nilang tatlo.
Napansin ko na may naidagdag sa pangalan ni Zeke. I thought it was just 'Ezekiel Luis D. Villanova', ngunit ang nakasulat sa papel ay...
'Ezekiel Leonard Luis D. Villanova'
I got confused. Naisipan kong alisin ang 'Leonard', baka nagkamali lang ng nai-type ang orihinal na gumawa nito.
Tinapos ko na ang pinapagawa ni Marcus. Pagkatapos ay pina-check ko ulit sa kanya.
Nagulat ako nang ibalik niya ang papel sa akin.
"Bakit hindi kompleto ang pangalan ni Kiel rito? Ayusin mo." Saad niya. Inabot niya sa akin ang papel.
Tiningnan ko naman ang papel. Tama naman ah.
"Sir, it's already complete." Tinuro ko sa kanya ang pangalan ni Zeke.
Umiling siya. "It's Ezekiel Leonard Luis D. Villanova."
Kumunot naman ang noo ko.
"That's his full name." Sumulyap si Marcus sa akin. "You dated him for two years, yet you still don't know his full name?" Panunuya nito sa akin.
Gulantang akong napatitig sa papel.
Magsasalita pa sana ako, nang bigla akong unahan ni Marcus.
"The name Leonard came from Leonardo, our dad's name. Ngunit ayaw iyong gamitin ni Kiel dahil pangmatanda daw." Tumawa si Marcus. "But there's no excuses here. Kailangan ng kumpletong pangalan."
Para akong lumulutang nang bumalik ako sa upuan ko. Did Marcus just insult me?
Muli kong binuksan ang aking laptop. Binalikan ko ang kopya ng tinipa ko kanina. Mabuti nalang at iyong pangalan lang ni Zeke ang dapat kong ayusin. Agad ko iyong nai-print. Muli ko itong pinasa kay Marcus. This time ay hindi na niya iyon ibinalik sa akin. Agad niya iyong nilagay sa folder niya na taguan ng mga mahahalagang dokumento.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not (Villanova Series #2)
General Fiction[COMPLETED] One year after staying abroad, Kielsey Anisha Romualdez decided to go back to the Philippines, the country where she grew up. With a heartbreaking experience, Kielsey motivated herself to improve, and as she stepped on the grounds of the...