Kabanata 27

1.9K 33 1
                                    

"Graduation"

Umabot ng ilang araw, linggo at buwan ang pananatili ko sa Europa. At sa loob ng isang halos isang taon, natuto na rin akong magsalita ng lengguwahe nila.

Paminsan-minsan rin na tumatawag sina mommy at daddy through video call. Nalulungkot nga ako dahil hindi ko sila magawang yakapin. Hindi sapat ang tawag para sa akin. Gusto ko silang mahagkan sa personal.

Mas lalo ring naging vocal si Rylan tungkol sa nararamdaman niya sa akin, at di rin nagtagal ay nagpasiya siyang manligaw sa akin. Ilang beses ko na rin siyang itinanggi, ngunit nagpumilit parin siya, kaya hinayaan ko nalang.

Hindi pa naman natatapos ang construction ng hotel namin kaya napilitan akong makitira sa mga Chavez ng halos isang taon. Mabait naman sila at halos ituring na nila akong kapamilya rin nila. I was very thankful of that.

Ngunit may isang bagay na bumubulabog sa akin sa loob ng isang taon na pananatili ko sa Europe...

Madalas kong makita ang lalaking nakaitim na una kong nasaksihan sa kinainan naming restaurant ni Rylan noon. Ilang beses ko na rin itong sinubukang kausapin o lapitan, pero lagi akong nabibigo. May mga natatanggap rin akong mga bulaklak na pare-pareho...ang Forget Me Not na palaging binibigay ni Zeke sa akin noong kami pa.

Hindi ko alam kung coincidence lang ba iyon at talagang mahilig lang ang mga tao sa bulaklak na iyon rito, ngunit unti-unti kong napagtatanto na may pinagmumulan ang mga bulaklak na iyon...ang lalaking nakaitim na palaging nakasunod sa akin.

Napapaisip tuloy ako kung si Zeke ba ang stalker ko.

Speaking of Zeke, kumusta na kaya siya?


"Esta lista? (Are you ready?)" Tanong sa akin ni Rylan.

Nginitian ko siya.

Ngayong araw ang graduation day namin. Sabay kaming tatapak sa entablado ni Rylan.

Hinawakan ni Rylan ang kamay ko at sabay kaming lumapit kina tito Romeo at Rosie. Nakikihalubilo sila sa mga kakilala nila.

Nang makita ako ni tito Romeo ay malungkot siyang humarap sa akin.

"Kielsey," panimula niya.

Nakutuban ko na may ibabalita siyang hindi maganda kaya medyo kinabahan ako.

"Nakausap ko ang dad mo, si Kaleb. Ang sabi niya'y hindi raw sila makakadalo ni Anita ngayon." Patuloy niya.

Mapait akong ngumiti. Akala ko pa naman ay sasamahan nila ako ngayon.

Napaka-importante ng araw na ito para sa akin, ngunit hindi ko sila makakasama. Parang wala ring silbi ang mga pinaghirapan ko. Gusto ko pa naman na masaksihan nila ang pagpaparangal sa akin sa entablado, na may nakapaskil na 'Magna Cum Laude'.

I excused myself from the crowd. Susundan sana ako ni Rylan, ngunit pinigilan ko siya. Malapit na rin kasing magsimula ang seremonya kaya hindi ko na siya hinayaang sumunod pa.

Nakayuko akong naglakad palayo sa mga tao. Nagtungo ako sa isang lugar na wala masyadong tao. Umupo ako sa isang sulok, sa may gilid ng plant box. Doon ko binuhos lahat ng sama ng loob ko.

Umiyak ako. Sinubukan kong pigilan ngunit kusang bumagsak ang mga luha ko.

Hindi ba nila ako naaappreciate? It just hurts so much, thinking na walang ni isa sa mga magulang ko ang makakadalo. Inasahan ko pa naman sila. Pinaghandaan ko pa naman ang araw na ito. Ilang buwan ko rin silang hindi nakita ng personal.

Natigilan ako nang may maglahad ng panyo sa harap ko. Wala sa sarili ko iyong tinaggap, at agad kong pinunasan ang aking luha. Matapos kong punasan ang luha ko ay tinitigan ko ang panyong hawak ko.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon