Teardrops 11

347 10 0
                                    

SHAN POV

Pagkatapos sabihin sakin ni mama yun ay mas lalong naging malinaw ang lahat. kung bakit ganun ang kilos ni Jam. kaya pala hindi niya maramdaman ang pagmamahal nito sa kanya ay dahil may iba talaga itong pakay sa kanya.

maya maya lang ay bumaba na ang dada niya at lumapit na sa kanila.

cmmon lets eat. sabi ng dada niya.

nagpunta na dinning table at nagsimula na silang kumaen.

baby hindi ka muna papasok bukas. aantayin lang nating dumating ang bago mong driver at bodyguard. bukas dadating din ang bago mong sasakyan. hindi mo na gagamitin yung luma mong kotse. para hindi din alam ni Jam ang kotse mo.

pero dada my practise kame bukas. malapit na ang competition.

baby bukas lang naman. mahirap na kung magpapadalos dalos tayo anak. sana maintindihan mo.

bestie tama naman si tito. tutal bukas ka lang naman wala eh practise lang namin muna yung iba.

at anak dito ka muna uuwi hindi muna sa condo mo. mahirap na. bukas may mga tauhan din akong pu2nta para ayusin yun. maglalagay kame ng electric lock at security lock. pati din camera palalagyan ko din para safe ka kung sakaling bumalik. ka sa condo mo.

okay po dada. thankyou.

mabuti na yung sinabi mo na agad samin bago mahuli ang lahat.

nagpatuloy na sila ng pagkaen at ng matapos na ay umuwi na din si Zoe at siya naman ay dumiretso na sa kwarto niya at nagpahinga na.

kinabukasan mabilis siyang nagayos para maabutan niya ang parents na. pagbaba niya ay andun sila at nagbrebreakfast.

oh hija. halika na sabayan mo kameng magbreakfast. yaya sa kanya ng mama niya.

goodmorning mama, dada.

humalik muna siya sa mga ito bago umupo.

baby sinabi na sakin lahat ng mama mo kagabi ang nangyari. ayos ka lang ba?

okey lang po ako dada.. nabigla lang po ako. hindi ko po akalain na magagawa yun ni Jam. kahit pano naging mabuti naman ako sa kanya.

naku anak. gayan talaga. iba talaga ang nagagawa ng sakim sa kapangyarihan at pera. sabi ng mama niya

siya nga pala mamaya dadating na ang bago mong sasakyan. pero yung driver sa gabi pa daw makakadating. sabi naman ng dada niya.

ok po dada.

uhmmm. anak my boyfriend kaba? o nanliligaw? tanong ng dada niya

nabigla siya sa tanong ng dada niya sa kanya..kahit kelan kase ay hindi ito nakialam sa lovelife niya.

uhmmm. wala po akong boyfriend dada. manliligaw meron pong ngbabalak pero hindi ko po sila pinapansin. wala pa po kase sa isip ko ang magboyfriend.

ah ganun ba?

nagkatinginan naman ang kanyang mga magulang na para bang may gusto pang sabihin.

bakit ninyo po naitanong yun dada? himala at naitanong ninyo yun?

nakita niyang tumingin ukit ang dada niya sa mama niya bago ito nagsalita.

anak di ba si Zoe ay may fiancee na? kilala mo ba kung sino? tanong ulit ng dada niya.

mukang alam na niya kung san tatakbo ang usapang ito.

yes dada. bata pa lang siya ay pinagkasundo na siya pero hindi ko po kilala ang fiancee niya. hindi po kase niya sinasabi ang pangalan kahit po picture nito. nasa kasunduan daw po nila na saka nila ilalabas ang tungkol sa kanila pag nasa tamang edad na sila. bakit ninyo po naitanong?

Teardrops ( on going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon