Madilim na ang paligid at wala nang makikitang tao na dumadaan sa gilid ng tulay. Malamig ang simoy ng hangin habang ako ay masigla pa rin na naglalakad sa gitna ng kalsada. Ano kayang pwede kong gawin? Manakot kaya ako? Kaya lang masama pala 'yon. Baka hindi ako makapasok sa langit kapag ginawa ko iyon. 'E kung sumunod kaya ako sa mga tao tapos makikikain lang ako sa bahay nila? Hmm... Pwede rin naman, pero baka himatayin sila kapag nakita nila ako.
Hay! Ang hirap maging multo. Kung pwede lang sanang magnakaw na lang ng katawan ng tao ay ginawa ko na. Pero, mahigpit akong pinagbawalan ng isang anghel na hindi raw ako pwedeng magnakaw ng kahit na anong hindi sa'kin. Hindi raw kasi tinatanggap ang mga gano'n sa langit.
Hmm...
Lumingon ako sa kaliwa ko. May dumaan pang kotse, pero tumagos lang iyon sa'kin. May nakita akong lalaki na naglalakad sa gilid ng tulay. Tulala at paika-ika pang maglakad. Kaloka! Para siyang zombie pero... gwapo, infairness naman sa kaniya.
Sinundan ko lang siya habang nasa gitna pa din ako ng kalsada. Anong eksena nito? Lasing ba siya? Maya-maya'y huminto siya sa paglalakad at tumalikod. Naka-harap na siya ngayon sa ilog. Pinagmamasdan ko siya habang naka-halukipkip at may tanong na naka-ukit sa aking mukha. Bakit siya nandito? 'E pagdungaw ko nga sa wrist watch ng kasabay ko kanina sa tren alas-tres na ng madaling araw 'e.
Dahan dahan akong lumapit doon sa lalaki at hinintay kung anong gagawin niya. Ilang sandali pa ang nakakalipas ay nagsalita siya. Gee! Kinakausap niya rin ang sarilli niya. So creepy!
"Bakit hindi mo pa ako kunin?! Maraming naghahangad mabuhay pero pinatay mo! Pero, akong gustong mawala na sa mundo, ayaw mong kunin?! Wala na akong pag-asa! Ayoko nang magbago! Wala na akong dahilan para mabuhay pa sa mundong ito! Kunin mo na ako!"
Ni-spread niya ang kamay niya sa kawalan na parang sumusuko na. Ayy, kaloka si kuya! Parang nasa movie lang. Hindi ko mapigilan na tumawa. Adik ba siya? Lakas mag-drama ah.
"Ayaw mo akong kunin?!... Sige! Magpapakamatay na lang ako!"
Napawi ang tawa ko nang bigla siyang sumampa sa railings ng tulay at umakto na parang tatalon. Nang ma-figure out ko na kung anong balak niyang gawin ay nanlaki ang mga mata ko at nataranta. Seryoso ba talaga siya?! Hindi ba siya nagre-rehearse lang?! Tatalon ba talaga siya riyan?! Waah! Ano gagawin ko?! Hindi ko siya mahahawakan! Omo! OMO! OMOOOOO!
Parang napugto pa ang hininga ko kahit wala naman na akong hininga nang akmang tatalon na siya. Nanlaki nang sobra ang mga mata ko habang nagso-slowmo ang pag-angat ng tungkod ng mga paa niya patalon sa ilog.
"HUWAAAAAAG!!!" Hindi ko na alam kung anong kalokohan ang pumasok sa isip ko, pero sinubukan kong yakapin siya para pigilan. Laking gulat ko na lang nang mahawakan ko ang katawan niya at sabay kaming bumalandra sa kalsada.
"Ouch---" daing niya.
Tumayo ako agad at pinagpagan ang palda ko. HIndi naman ako nasaktan sa pagbagsak namin, pero sigurado akong namimilipit na 'tong isa sa sakit ng balakang niya.
"Sorry... Uhm---"
"WHO ARE YOU?!"
Nanlaki ang butas ng ilong ko nang sigawan niya ako nang bonggang bongga. Kitang kita ko ang pag-aalab ng galit sa kaniyang mukha at parang gusto niya akong sapakin sa ginawa ko. Pero, may naalala ako bigla.
Nahawakan ko siya...
Naligtas ko ang buhay niya...
At ang nakakaloka pa sa lahat... NAKIKITA NIYA DIN AKO!
WHAT IS THE MEANING OF THIS?!
BINABASA MO ANG
Juliet's Last Wish [Completed]
FantasyLove is the killer of Death itself... Kaicefer Angelito Ferrer has nothing to do with his life. He thought that if he was a book, it will never be worth reading. Pinipili na lamang niyang mabuhay sa mundong ibabaw, wasting his time until he was bur...