• The Beginning Of Confusions •
Juliet's POV
'Kailan kaya 'to magigising? Buhay pa ba 'to?'
Magta-tatlong oras na akong naka-titig sa mukha ni Brylle pero hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon. Halos makabisado ko na nga ang bawat detalye ng mukha niya kakahintay. Mukhang sarap na sarap siyang matulog dito sa sahig ah?
"What are you doing?"
Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang baritonong boses ni Kaicefer. Nakita ko siyang may bitbit na unan at kumot habang nakasimangot sa akin. Napanguso ako at dahan-dahang lumayo kay Brylle.
"Hinihintay ko lang siya magising. Bakit may dala ka niyan? Dito ka ba matutulog?"
Umiling siya. "No. Para sa kaniya 'to."
Biglang inihagis ni Kaicefer ang mga unan at kumot kay Brylle dahilan upang matabunan ang mukha niya. Napaatras ako sa gulat nang bigla na lang itong bumangon at natatarantang luminga-linga sa paligid.
"Asan ang multo?! Ha? Asan ang multo?!"
Kinagat ko ang ibabang labi at pinigilan ang pagtawa. Gulo gulo pa ang buhok ni Brylle habang naghi-hysteria sa harapan namin.
"Tsk! Mabuti naman at gising ka na. Lumayas ka na rito... Duwag," sabay bawi ng mga unan na dinala niya.
Mukhang natauhan naman si Brylle dahil sa sinabi ni Kaicefer. Nawala ang takot sa mukha nito at bahagyang tumuwid ng upo.
"Sinong duwag? Hindi ako duwag, Master! Lalaki ako."
"Talaga? Kaya pala nawalan ka ng malay nang sabihin kong may multo tayong kasama."
Nakita kong napalunok si Brylle. "H-hindi ah... Nahilo lang ako. Nasobrahan yata ako sa mantika."
Natawa ako sa sinabi niya at tinignan si Kaicefer na nag-smirk lang. "Ewan ko sayo. Bilisan mo at umalis ka na rito. " aniya at iniwan kaming dalawa ni Brylle sa sala.
"Hindi naman talaga ako natakot. Hindi naman totoo ang multo... Nababaliw na ba 'yun si Master?" kausap ni Brylle sa sarili.
Ngumiti ako at bumulong sa tenga niya. "Hindi siya nababaliw. Totoo kaya ako."
Biglang nanigas sa pagkakaupo si Brylle. Napanguso ako nang makitang tumataas ang balahibo niya sa braso at namumutla na naman ang labi niya.
"M-m-master..." nauutal nitong sabi at nagmamadaling tumayo.
"Bakit ba takot na takot ka sa'kin? Hindi mo ba nakita na ang ganda ganda ko sa picture?! Tsk!"
Iniwan ako ni Brylle. Tumakbo siya papunta sa kwarto ni Kaicefer na nanginginig sa takot. Napakamot na lang ako sa ulo at sinundan siya. Pagkarating ko doon. Humagalpak ako ng tawa nang makitang halos maglambitin sa braso ni Kaicefer si Brylle.
"Meron ngang multo, Master! Naramdaman ko. Tumayo lahat ng balahibo ko!... Master, huwag mo akong iwan... Master!... Master naman!" halos umiyak na siya dahil pilit na nilalayo ni Kaicefer ang sarili niya.
"Tumigil ka nga!... Sasapakin na kita, isa pa!.. Duwag!"
Ang tawa ko ang napalitan ng ngiti nang makitang tumatawa na si Kaicefer. Natutuwa ako hindi dahil natatakot si Brylle o tinatawan niya ang ka-duwag-an nito. Natutuwa ako dahil kahit papaano, naririnig ko ang pag-tawa niya.
"Huwag ka ngang duwag! Nandito lang siya sa loob ng kwarto. Sinundan ka niya kasi---"
"Master naman 'e!"
BINABASA MO ANG
Juliet's Last Wish [Completed]
FantasyLove is the killer of Death itself... Kaicefer Angelito Ferrer has nothing to do with his life. He thought that if he was a book, it will never be worth reading. Pinipili na lamang niyang mabuhay sa mundong ibabaw, wasting his time until he was bur...