A/N: Next chapters will be the Special Chapter and the Epilogue. Happy reading and God bless!
• LAST WISH •
Kinabukasan ay sinalubong ako ng nakakasilaw na liwanag galing sa bintana. Dahan-dahan kong iminulat ang mabibigat na talukap ng aking mga mata at hinarap si Kaicefer na nasa tabi ko.
Nakaharap din siya sa akin. Mahimbing pa rin ang tulog hanggang ngayon. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang maamo at payapa niyang itsura. Mukha lang niya ang hindi ko pag-sasawaang titigan araw araw.
Biglang gumalaw ang katawan ni Kaicefer. Umangat ng bahagya ang isa niyang kamay at inabot ako. Nagulat ako nang hilahin niya ang aking likod papalapit sa kaniya. Now, I am just a few inches away from him.
Bigla na lang akong binisita ng lungkot.
Ang lapit na niya... pero pakiramdam ko, malayong malayo pa rin.
Unti-unting umangat ang talukap ng mata ni Kaicefer. Deretso nitong sinalubong ang mga mata ko saka ngumiti.
"Good morning..." anito at siniksik ang kaniyag ulo sa leeg ko.
Niyakap ko siya pabalik. "Good morning din..."
Hindi gumalaw siya gumalaw. Nakatulog siya ulit kaya sinuklay ko na lang ang buhok niya ng marahan. Ito na ang huling araw na makakasama ko siya. Pakiramdam ko, ngayon pa lang naka-fast forward na ang orasan.
"Anong oras na?" namamaos na tanong ni Kaicefer.
Huminga ako ng malalim. "8 am na. Bangon na tayo? Kailangan pa nating gawin ang huling nasa bucket list ko."
Humigpit ang yakap sa'kin ni Kaicefer. "Kapag ba hindi natin ginawa ang huling nasa listahan mo, hindi ka na ba aalis?"
Bumuntong hininga ako. "Alam mo ba kung anong meron sa araw na ito?"
Kumalas siya sa yakap at mataman akong tinitigan. "Last day... tama ba?" malungkot niyang tanong.
Napalunok ako. "P-paano mo nalaman?"
"Hindi lahat ng bagay kailangan sabihin. 'Yung iba, mararamdaman mo na lang."
Bumangon ako sa kama at napayuko. Nilaro ko ang mga daliri ko habang pinipigilan ang pag-ngilid ng luha sa aking mga mata. Naramdaman kong bumangon din si Kaicefer. Pumwesto siya sa likod ko. Pumulupot ang braso niya sa aking tiyan at ipinatong ang kaniyang baba sa aking balikat.
"Hanggat hindi ka pa nawawala... hindi ako maniniwalang kukunin ka Niya sa'kin," sabi niya.
Bumagsak ang mga likido sa pisngi ko.
"P-paano kung hindi talaga?... Paano kung ito na ang huling araw na magkikita tayo?" nabasag ang boses ko.
"Shhhh... Matagal ko ng naisip iyan. Basta, no matter what happens, always remember that I love you. Yesterday, today and forever... Death will never be a hindrance. Nothing could keep us apart, you hear me? He can hear us. He will give us a chance..."
Ipinagsalikop ni Kaicefer ang mga daliri namin at mahigpit iyong hinawakan. Tumaas ang mga balahibo ko nang biglang maramdaman ang kaniyang labi sa leeg ko. He gave me a peck of kisses. Marahan at nakakakiliti. Napahawak ako sa kaniyang ulo nang biglang lumalim ang halik niya doon.
Bigla siyang natawa. "Bumangon na tayo. Baka kung ano pang magawa ko sa'yo."
Hinampas ko siya ng pabiro at tumawa din bago tumayo sa kama.
"Saan tayo ngayon?" tanong niya.
Ngumiti ako ng matamis. "Paris."
Tumaas ang kilay niya. "Are you serious? Kaya ba na'tin pumunta 'don?"
BINABASA MO ANG
Juliet's Last Wish [Completed]
FantasyLove is the killer of Death itself... Kaicefer Angelito Ferrer has nothing to do with his life. He thought that if he was a book, it will never be worth reading. Pinipili na lamang niyang mabuhay sa mundong ibabaw, wasting his time until he was bur...