• To Love You •
Habol habol ko ang aking paghinga nang maidilat ko ang aking mga mata. Para akong nagising sa isang bangungot dahil naninigas ang katawan ko at hindi rin ako makagalaw. Ang tanging nagawa ko lamang ay matulala sa puting kisame habang inaaalala ang mga nakita ko.
Naaalala ko na ang nangyari sa akin... May naaalala na ako...
Nanghihina akong tumayo at sumandal sa headboard ng kama. Saka ko lang din na-realize na nasa loob ako ng kwarto ni Kaicefer. Dinala niya ako rito. Ibig sabihin, nawalan talaga ako ng malay kanina?
Nag palinga-linga ako upang hanapin si Kaicefer ngunit hindi ko siya natagpuan. Napatingin ako sa aking dibdib nang makita aking kwintas na bigla na lang nagliwanag. Halos kalahati na ng nito ang nagiging puti.
Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko ang pagbukas nito. Nakita kong pumasok si Kaicefer. Mukhang nagulat siya nang makitang gising na ako.
"Juliet?!" aniya at napatakbo papalapit sa akin. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Buti naman at gising ka na... I was so worried about you..." bakas ang takot at pag-aalala sa boses niya.
Hindi ko nagawang gumalaw habang nakakulong sa mga braso niya. Hindi ko nagawang yakapin siya pabalik. Naramdaman ko lang ang bigat sa puso ko at unti-unting pag-ngilid ng luha sa mga mata ko.
"Kaicefer..." nanginginig ang labi ko at parang may nakabarang bato sa lalamunan ko habang nagsasalita. "Kilala ko na siya... N-naaalala ko na kung paano ako namatay..." nanghihina kong sabi.
Bahagya siyang kumalas sa yakap at seryoso akong tinignan. "Kilala mo na kung sinong pumatay sa'yo?"
Tumango ako habang kinakagat ang labi. "S-si Professor Hernandez, siya ang pumatay sa akin... Sa amin ni Kiarra," nabasag ang boses ko.
Gumuhit ang pagkabigla sa mukha ni Kaicefer. Natulala pa siya sa akin ng ilang saglit bago muling nakabawi.
"Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Pero, kapatid siya ni Mrs. Dela Peña," sabi ni Kaicefer.
Umiiyak akong tumango. "Seryoso ako. Tandang tanda ko na ang lahat. Nararamdaman kong totoo 'yon. Siya ang pumatay sa amin ng bestfriend ko, Kaicefer. Sigurado rin akong may dahilan kung bakit sinabi sa atin ni Mrs. Dela Pena ang mga nalalaman niya. S-siguro gusto niyang pasukuin na ang kapatid niya..." hindi ko alam kung paano ko nasasabi ang lahat ng ito sa kalagitnaan ng walang tigil kong paghikbi.
Binigyan ko nang nagmamakaawang tingin si Kaicefer. "Please... Tulungan mo ako... Tulungan mo akong makamit ang hustisya... Hustisya para sa amin ng kaibigan ko... Parang awa mo na," garalgal kong sabi.
Nanlambot ang ekspresyon sa mukha niya. Pinunasan niya ang luha ko sa pisngi at niyakap akong muli. Gumaan ang loob ko kahit papaano sa yakap ni Kaicefer. Alam kong hindi niya ako iiwanan. Alam kong hindi ako nag-iisa sa laban na'to. Nandito siya... Alam kong tutulungan niya ako.
Naramdaman ko ang kamay niyang pumapadausdos sa buhok ko. "Ako na ang bahala sa hustisya mo, Juliet. I promise you, gagawin ko ang lahat para pagbayarin siya sa pag patay sa'yo. Sa inyo ng bestfriend mo. Just... don't cry, please? Nasasaktan din ako kapag umiiyak ka," marahan niyang bulong sa tenga ko.
Pinigilan ko ang pagbuhos ng aking luha. Kumalas muli si Kaicefer sa aming yakapan at pinunasan ang luha ko sa pisngi.
"Bukas na bukas babalik tayo sa school. Kakausapin ko si Mrs. Dela Peña para tumestigo kay Prof. Hernandez," sabi niya.
"Sa tingin mo, gagawin niya iyon? Mag-kapatid sila Kaicefer. May dahilan kung bakit hindi nagsasalita si Mrs. Dela Peña sa loob ng mahabang panahon."
BINABASA MO ANG
Juliet's Last Wish [Completed]
FantasyLove is the killer of Death itself... Kaicefer Angelito Ferrer has nothing to do with his life. He thought that if he was a book, it will never be worth reading. Pinipili na lamang niyang mabuhay sa mundong ibabaw, wasting his time until he was bur...