• Blues and Laughter •
Juliet's POV
Halos hindi maproseso ng utak ko ang mga salitang lumabas sa bibig ni Mrs. Dela Peña. Pakiramdam ko ay para akong pinasabugan ng bomba sa mismong kinatatayuan ko dahil sa mga nalaman. Gusto kong umiyak at magwala dahil kahit anong pilit ko ay wala akong maalala ni katiting sa mga nangyari noon. Nagmistulang palaso na sumaksak sa aking puso ang katotohanan na ang babaeng namatay na nasa balita ay malapit pala sa akin.
Dahil sa mga sinabi ni Mrs. Dela Peña ay lalo akong naging desperadong mahanap kung sino ang pumatay sa kaibigan ko... at sa'kin na rin. Malakas ang kutob ko na pareho na tao lang ang pumatay sa aming dalawa.
Pero ang hindi ko lubos maintindihan ay kung bakit may mga taong nagagawang pumatay na para bang isang hayop lang ang kinikitilan niya ng buhay. Wala siyang puso. Napaka-sama niya. Sisiguraduhin kong babalik sa kaniya ang lahat ng ginawa niya sa amin.
Sa amin ng bestfriend ko...
Umuwi na kami pagkatapos malaman ang mga iyon. Matamlay akong naglalakad sa maingay na kalsada habang si Kaicefer ay tahimik lang na sumusunod sa likod ko.
Ang totoo ay hindi namin alam kung anong nakapagpa-bago ng isip ni Mrs. Dela Peña para sabihin sa amin kung anong nalalaman niya, pero nagpapasalamat pa rin ako. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ko malalaman ang isa pang nawawalang bahagi ng pagkatao ko. Masakit man ang katotohanan, pero kailangan kong tanggapin. Ito ang misyon ko. Ito rin ang makakapagbigay ng hustisya para sa nasayang kong buhay dito sa mundo.
Hindi ako pinansin ni Kaicefer magmula nang sabihin iyon sa amin ni Mrs. Dela Peña. Siguro ay naiintindihan niyang nabigla ako masyado sa mga nalaman. Pinauwi niya rin si Brylle dahil ang ingay ingay nito sa daan at hindi na niya nakayanan ang paglapit lapit nito sa kaniya.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Kaicefer para magtanong. Napahinto rin siya at binigyan ako ng nagtatanong na tingin.
"A-alam mo ba kung saan nakatira si Kiarra? Gusto ko siyang puntahan," sabi ko.
Marahan siyang umiling. "Hindi ko alam. Pero tatanungin ko si Brylle kung alam niya."
"Sige, salamat." bakas pa rin ang lungkot sa boses ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang naka-bagsak ang balikat ko. Bakit kaya gano'n? Kaluluwa na lang ako, pero nakakaramdam pa din ako ng matinding lungkot.
Napabuntong hininga ako. Maya maya pa'y napahinto ako sa paghakbang nang maramdaman ang kamay ni Kaicefer na humawak sa kamay ko.
Gulat ko siyang tinignan. "Bakit mo hinahawakan ang kamay ko?"
"Gusto ko lang."
Sumimangot ako sa kaniya. "Ano bang ginagawa---"
"Tara, may pupuntahan tayo." sabay hatak niya sa'kin pabalik sa dinaanan namin kanina.
"Saan ba tayo pupunta? Hindi ba pwedeng bukas na lang? Pagod na ako." malamya kong sabi.
Hindi niya ako pinansin. Dere-deretso lang niya akong hinahatak.
Don't tell me babalik na naman kami sa school?
Napabuntong hininga ako habang nagpapatianod sa kaniya. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang tingnan ang kamay naming magkahawak.
Bahagya akong napangiti. Ngayon na lang ulit ako naka-hawak ng tao. Sa loob ng limang taon, ngayon ko lang naramdaman ulit na para akong buhay dahil may nakakkita at nakkahawak na ulit sa akin.
"Hey!"
Natauhan ako nang marinig ang tawag ni Kaicefer sa'kin. Napa-angat ako ng tingin sa kaniya at napagtantong kanina pa pala kami nakahinto.
BINABASA MO ANG
Juliet's Last Wish [Completed]
FantasyLove is the killer of Death itself... Kaicefer Angelito Ferrer has nothing to do with his life. He thought that if he was a book, it will never be worth reading. Pinipili na lamang niyang mabuhay sa mundong ibabaw, wasting his time until he was bur...