A/N: Hi readers! Thank you for reading Kaicefer And Juliet's story. Sana may natutunan kayo at sana din ay nagustuhan niyo ito. Sa mga taong dumadaan sa matitinding pagsubok at sa mga taong pakiramdam nila ay susuko na sila sa buhay. Always remember that God is with you. God bless everyone!
One year later...
"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday, happy birthday... Happy birthday, Kaicefer!" They all sang in chorus.
"Blow your candle, Kuya Kaicefer!" masiglang sabi ni Andrei, ang step brother ko.
Ngumiti ako at pumikit para humiling. Isa lang naman ang hinihiling ko noon pa man. At alam kong alam na alam na Niya iyon. Sa muling pagdilat ng aking mga mata ay hinipan ko na ang kandila sa cake na nasa harapan ko. Lahat sila nagpalakpakan at tuwang tuwang pinagsaluhan ang mga handa ko.
Lumapit sa akin si papa nang nakangiti at niyakap ako. "Happy birthday, Son."
Niyakap ko siya pabalik. "Thank you, Pa."
Kumalas siya sa yakap namin at tinapik ako sa braso. "You're already 22, anak. Wala ka bang balak mag-girlfriend? Baka may gusto kang ipakilala sa'kin?" pabiro nitong tanong.
Ngumiti ako. "Saka na yan, Pa. May hinihintay pa ako." sabi ko.
Tumango siya. "Then I'll wait for that girl too, Hijo," anito at nilapitan na din sila Mama.
Nasa harapan lang nila akong lahat habang abalang abala sila sa pagsasaya. It has already been one year since Juliet disappeared from my sight. Hanggang ngayon I'm still in the process of hoping... not moving on but still hoping na ibabalik Niya siya sa akin.
"Bro! Kumusta!"
Nagulat ako nang bigla akong batukan ni Brylle. Tumawa siya at gano'n din ako saka siya ginantihan.
"Parang kailan lang ang drama mo sa ospital ah? Mukhang okay na okay ka na ngayon. Sayang at wala na si Juliet, ano?" sabi niya.
Noong unang beses akong magising sa ospital ay lumuluha na ako. Pakiramdam ko ay nagising ako sa isang bangunguot. Ang bigat bigat sa dibdib. Kahit na pinabawalan akong umiyak ng doktor ay hindi ko pa din mapigilan. Bawal pa noon sa akin ang extreme emotions pero paano mo ba pipigilan ang sarili mong masaktan? Wala akong pakialam kung mamatay ako sa kakaiyak no'ng mga panahon na iyon. Ang tangi ko lang naiiisip ay si Juliet... Wala na si Juliet... Pero nananatili pa rin siya sa puso ko.
"Alam mo ba, kahit takot na takot ako kay Juliet dati nagandahan ako sa kaniya no'ng makita ko 'yung picture niya sa yearbook? Crush ko nga 'e."
Sinapak ko siya sa tiyan. "Siraulo! 'Di ka pwedeng magkagusto ro'n."
Napapangiwi siyang tumango tango. "Oo na! Alam ko naman 'yon. Pero hindi lang naman 'yon ang nagustuhan ko sa kaniya--"
Natigilan siya nang matalas ko na siyang tinignan.
"Makinig ka muna kasi!"
Inismiran ko siya.
"Kasi kung hindi dahil kay Juliet, edi sana ikaw pa din si Lucifer na kinatatakutan ng mga estudyante sa school na'tin. Hindi kita magiging bestfriend at hindi kita makakausap nang pabalang tulad ngayon!"
Tumango tango ako. Kung mayroon mang dahilan ang lahat ng mamagandang nangyari sa buhay ko. Sasabihin kong dahil kay Juliet 'yon. Siya ang naging modelo at inspirasyon ko para mabuhay ng mabuti sa mundo.
At tama nga siya... Maaari pa akong maging masaya. Kung mayroon man akong natutunan sa isang buong taon na nawala siya, iyon ay matutong magpatawad at tumanggap ng mga tao sa paligid ko para maging masaya.
BINABASA MO ANG
Juliet's Last Wish [Completed]
FantasyLove is the killer of Death itself... Kaicefer Angelito Ferrer has nothing to do with his life. He thought that if he was a book, it will never be worth reading. Pinipili na lamang niyang mabuhay sa mundong ibabaw, wasting his time until he was bur...