Chapter 2

138 10 0
                                    

• Is there any fun way to die? •

Kaicefer's POV

"A-ano kamo?"

"Hindi mo kayang gawin? Umalis ka na kung hindi mo kaya." Tinalikuran ko siya.

Napaatras na naman ako nang lumitaw siya sa harapan ko. Pwede bang tigilan niya ang pagte-teleport?! Kung may sakit lang ako sa puso kanina pa ako inatake dito, e!

"Sige. Papayag ako sa gusto mo. Pero, bakit gusto mong mamatay? Ako nga, gusto kong mabuhay, e. Gagawin ko lahat para mabuhay lang ako ulit, pero ikaw gusto mong mawala sa mundong ito? Hindi ka ba nag-e-enjoy sa katawang lupa mo? Mukha ka namang malakas, gwapo at marami ka pang pwedeng gawin sa buhay." aniya.

Tinitigan ko lang siya. "Wala akong rason para mabuhay. Kung wala ka ng ibang magandang sasabihin, umalis ka na at huwag mo na akong guluhin pa. Hindi kita matutulungan kung hindi ka papayag sa gusto ko." Umakto akong lalagpasan siya, pero nagulat ako nang hawakan niya ako sa braso.

Mukha rin naman siyang nagulat kaya napabitaw siya agad. Kumunot ang noo ko nang mapatingin siya sa kamay niya. Binukas sara pa niya ang palad niya na para bang pinakikiramdaman ang kaniyang kamay.

"Ngayon lang ako naka-hawak ulit ng katawang lupa." Tumingin siya sa'kin. "Sigurado akong senyales na ito para magawa ko na ang misyon ko. Senyales na ikaw ang kailangan ko para makatawid ako sa kabilang buhay."

Nagtaas ang kilay ko. "Tutulungan lang kita kung gagawin mo ang gusto ko."

"Gagawin ko. Pangako! Tutulungan kitang mamatay kapag nagawa mo na ang misyon ko."

Ngumiti ako. "Deal... What's your mission?"

Juliet's POV

"What? Anong klaseng misyon 'yan?!" reklamo agad ni Miguel.

"Anong magagawa ko? Iyon ang misyon na binigay sa akin, e!"

"This is ridiculous! Hindi mo kilala ang sarili mo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Umiling ako. Kalokohan nga kung iisipin na hindi ko kilala ang sarili ko. Juliet lang ang alam kong pangalan ko dahil sa name tag na naka-dikit sa kwelyo ng uniform ko. Hindi pa complete name dahil sinadya iyong burahin. Other than that, nabura lahat at hindi ko alam kung bakit.

Ngayon, ang misyon ko ay mahanap ang sarili ko. Kung sino ako, kung anong buhay mayroon ako noon, kung sino ang mga kaibigan at pamilya ko, kung paano ako namatay at kung sino ang pumatay sa akin.

"Paano ko naman gagawin 'yon?!" naiinis niyang tanong.

Napaisip din ako. Actually, matagal ko na itong napag-isipan, pero hindi ko magawa dahil HINDI NGA AKO NAKAKAHAWAK NG MGA BAGAY BAGAY!

Pero dahil nandito na siya, mas mapapadali na ang misyon ko. 

"Alam mo ba kung anong uniform 'to?" tanong ko sabay umikot-ikot sa harapan niya.

White long-sleeve polo na may black necktie saka 2 inches above the knee ang kulay navy blue na palda. Iyon ang uniform ko.

Napahinto ako nang idikit niya ang dulo ng daliri sa kaliwang kwelyo ng uniform ko. Agad akong napaatras at niyakap ang sarili. BASTOS!

"Bakit mo ako hinawakan?! Bastos ka ah!"

Muntik na sa dibdib ko iyon ah?!

"Stop over reacting. Ni wala ka ngang dibdib, tapos pagsasamantalahan pa kita? Dream on. Tinuturo ko lang ang isang bagay na hindi mo nakita noon."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at tinignan kung ano ang tinuro niya. nalaglag ang panga ko nang makitang may burda pala 'yon ng pangalan ng school ko!

Juliet's Last Wish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon