Chapter 14

84 7 0
                                    

• Another Clue

Pagkatapos ng gabing nalasing si Kaicefer ay hindi na ulit ako bumalik sa condo niya. Ewan ko ba. Bigla na lang akong natakot magpakita sa kaniya. Ito ang unang beses na hindi ko sinira ang umaga niya. Siguro nagtatakha na iyon kung bakit wala ako ngayon. Pero sino bang niloloko ko? Baka nga nagpa-pancit pa iyon dahil walang nangulit sa kaniya sa buong maghapon. 

Maniniwala na sana ako sa mga sinasabi ng utak ko ngunit bigla kong naalala 'yung sinabi niya sa akin. Huwag ko siyang iiwanan. Napanguso ako. Hindi kaya hinahanap niya na ako? Buong araw na kasi akong hindi nagpapakita sa kaniya 'e. Ano kayang ginagawa niya sa mga oras na 'to? Ugh! Masyado akong napa-praning!

"Ayos ka lang, Juliet? Parang kanina ka pa tulala riyan? May problema ka ba?" tanong ni Paloma.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya. Oo nga't kanina pa ako tulala. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kaniya ang ikinapuputok ng butsi ko. AT HINDI KO RIN ALAM KUNG ANONG PROBLEMA KO! Muli na naman akong napatulala sa kalsada at inisip ang nangyari nung nakaraang gabi. Bakit?! Bakit kasi kailangan niya pa akong yakapin? Bakit ba laging nag-huhuramentado sa kaniya ang imaginary puso ko?!

"Mukhang malala 'yang problema mo ah?" natatawang untag ni Mio.

Lalo akong nanlumo. Hinarap ko sila upang magsalita sana, pero hindi ko talaga magawa. Sabay din nila akong tinignan na may pagtatakhang nakaukit sa mukha. Ano? Paano ko ba sasabihin?

"N-naranasan niyo na ba 'yung ano... y-yung parang ano... 'yung ano kasi---"

Napangiwi sila sa'kin.

"Sige. Alam talaga namin kung ano 'yang sinasabi mo. Tsk!" inirapan ako ni Paloma. "Ano ba talagang nangyayari sa'yo? Sabihin mo na kasi," naiinip na aniya.

"Kasi ano 'e..." Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko. Aaaah! Sige na nga! Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Para akong ano... k-kinakabahan kay Kaicefer." Iyon lang ang kayang ilabas ng bibig ko. Tinikom ko agad ang bibig ko para wala nang lumabas na salita.

Nagtagpo ang kilay nilang dalawa. "Bakit? Sinasaktan ka ba niya? Aba! Tara upakan na na'tin, ano!" sabay tayo ni Mio.

Pinigilan ko siya. "Hindi niya ako sinasaktan. Maupo ka nga."

"Ha? E, ano ba kasi talaga? Paanong kaba?" naguguluhang tanong ni Paloma.

Maging ako ay naguguluhan din sa nararamdaman ko. Bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba kay Kaicefer, magbuhat nung gabing iyon. Bigla na lang akong nakaramdam ng takot na hindi ko alam kung saan nanggaling. 

Nanliit ang mata sa'kin ni Paloma. Bigla siyang naging seryoso at tumingin sa akin na para bang nagbabanta. Lalo akong kinabahan.

"Mahirap 'yang problema mo... Ano? Nagkagusto ka na sa kaniya?"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Gusto kong umiling at depensahan ang sarili ko ngunit hindi ko iyon nagawa. Ni walang pumapasok na salita sa isip ko para itanggi iyon. 

"Juliet..." Matama niya akong tinitigan. "Alam mo namang hindi pwede, 'di ba?"

Parang tinusok ng karayom ang puso ko sa narinig. Alam ko naman iyon. Alam kong hindi pwedeng magkagusto ang patay sa taong nabubuhay pa. Hindi sila pwedeng magsama. I'm not an exemption to that. Ngunit bakit masakit pakinggan? Ngayon lang nangyari sa'kin 'to. Sa limang taon kong paglilibot sa mundong ibabaw bilang isang ligaw na kaluluwa, aaminin kong marami akong artista na nagustuhan. May mga oridinaryong tao rin akong nagiging crush, pero sa kabila ng lahat ng iyon. Hindi pa ako nasasaktan tuwing maiisip ko na hindi pwede dahil matagal ko nang tanggap na bawal ang love life sa kaluluwang ligaw. Pero ngayon... bakit feeling ko pinupukpok ang puso ko sa katotohanan?

Juliet's Last Wish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon