• Shame On Her •
Juliet's POV
Madaling araw na nang maisipan kong hanapin sila Paloma at Mio. Matagal-tagal ko na ring hindi sila nakakausap kaya naman hinagilap ko talaga sila ngayon.
"Paloma! Mio!" tawag ko nang makita silang kumakain ng lomi sa tabi ng isang karinderya.
Nilapitan ko sila. "Oh? Sino nag-alay niyan?" tanong ko.
"Sino pa, edi si unica hija," sagot ni Paloma.
"Wala ka talagang awa sa anak mo, 'no? Panay ang pag-paparamdam mo sa kaniya para makakain. Hindi ba ikaw ang nagsabi sa akin na bawal manakot dahil labag iyon sa kautusan ng kabilang buhay?" sabi ko, pero hindi nila ako pinansin dalawa ni Mio. Busy'ng busy sila sa pag-kain ng lomi at mukhang sarap na sarap pa.
"Gusto mo ba? Masarap 'to." alok ni Mio.
Umiling ako at umupo na lang sa tabi nila.
"Sabihin mo na." wika ni Paloma sa gitna ng pananahimik ko. "Alam kong may chika ka na naman sa'kin." dagdag pa niya.
"Talaga? Paano mo nalaman?" gulat kong tanong.
"Sus! Kabisado na kita, 'no! Pumupunta ka rito tuwing may chismis ka. So, ano nga? Kamusta ang misyon mo?"
Hindi ako naka-sagot agad. Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang mga bituin doon. Alas tres pa lang ng umaga kaya matingkad pa ang ningning ng mga bituin sa langit.
Bumuntong hininga ako. "Ayun... May nalaman na ako tungkol sa akin."
"HA?! TALAGA? ANO 'YON?!" sabay na tanong nila ni Mio.
Kung kanina ay napawi na ang lungkot ko. Ngayon naman ay bumalik na naman iyon.
"May napanood ba kayo sa balita na tungkol kay Kiarra Montaño?"
Hindi sila naka-sagot agad. Nang tingnan ko sila. Mukhang inaalala pa nila kung sino 'yung tinutukoy ko.
"Iyung nasa balita? Siya ba?" tanong ni Paloma.
Tumango ako.
"Oh? Anong kinalaman niya sa'yo?" si Mio naman ang nag-tanong.
"Kaibigan ko siya," sabi ko.
Sabay na natulala at nalaglag ang panga ng dalawa. Gets ko na naman kung bakit ganoon ang naging reaksyon nila. Ako rin naman. Noong nalaman kong kaibigan ko siya ay napanganga din ako. Higit pa nga doon ang naramdaman ko.
Muli akong humugot ng malalim na hininga bago i-kwento sa kanila ang mga nalaman ko. Detalyado kong sinabi ang lahat sa kanila mula sa panonood ko ng balita hanggang kay Mrs. Dela Peña.
"WHAT?!" reaksyon nila nang matapos akong mag-kwento.
"Ikaw ang witness, pero sa huli, ikaw ang naging biktima... ang gara no'n," sabi ni Mio.
"Oo. Si Kiarra talaga ang biktima. Pero kalaunan din ay pinatay siya para siguro patahimikin," sabi ko.
Ang bigat ng dibdib ko. Para akong naka-lunok ng bato at ano mang sandali ay tutulo na ang luha ko. Hindi ko matanggap na sa ganoong paraan kami nawala ng kaibigan ko. Ni hindi ko man lang maalala ang mga napag-samahan naming dalawa.
Naramdaman kong hinimas ni Paloma ang likod ko. Nagmistulang senyales iyon sa aking mga luha para sunod sunod na pumatak.
Kung iisipin ang daya talaga ng mundo. Hindi patas para sa mga tao. May namamatay ng maaga, meron din namang hindi. May namamatay ng masaya... at meron ding masakit... parang ako lang at si Kiarra.
BINABASA MO ANG
Juliet's Last Wish [Completed]
FantasyLove is the killer of Death itself... Kaicefer Angelito Ferrer has nothing to do with his life. He thought that if he was a book, it will never be worth reading. Pinipili na lamang niyang mabuhay sa mundong ibabaw, wasting his time until he was bur...