• Horror Show •
May lumapit sa amin na batang lalaki, halos walong taon lang ang gulang. Madumi ang mukha niya sa paglalaro at naliligo siya sa kaniyang pawis. Pinunasan niya ang tumutulo niyang sipon gamit ang braso at sinabing...
"Kuya! Pwede pong paabot?" aniya habang may tinuturo sa itaas ng puno ng mangga.
Tumayo kami ni Kaicefer at tinignan ang tinuturo ng bata. Sumabit pala ang tsinelas niya sa sanga ng puno at hindi niya iyon maabot kaya humingi siya ng tulong sa amin. Natutuwa ko siyang nilingon. Bahagya pa akong nagulat nang makitang nakatingin din siya sa'kin habang ngumingisi. Nakikita niya ba ako?
"Anong pangalan mo at paano napunta ang tsinelas mo diyan?" tanong ni Kaicefer.
Napatingin sa kaniya ang bata. "Ako po si Junior. Kumukuha po ako ng mangga kasi may picnic po kami ng mga kaibigan ko. Nandoon po sila," sabay turo niya sa gawi ng mga kaibigan niyang naghihintay sa kaniya. Kumaway sila sa amin nang lumingon kami. Nagtatakha ako dahil mapuputla ang mukha nila at parang may kakaiba sa kanilang itsura.
"Wala namang bata..." mahinang bulalas ni Kaicefer habang naka-kunot ang noo. Doon ko lang na-realize, kaya pala nakatingin din sa akin ang batang ito ay dahil nakakakita pala siya ng multo.
Pasimple kong binulungan si Kaicefer. "Hindi tao ang mga kaibigan niya."
Nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa akin, hindi makapaniwala. Palihim lang akong tumawa at kinawayan din ang mga kaibigang multo ni Junior. Lima sila lahat at mukhang masayang masaya silang nakatingin sa amin.
Hinila ni Junior ang laylayan ng damit ni Kaicefer. "Sige na po, Kuya. Please? Pakuha na rin kami ng mangga," nakangiting aniya.
Kung parehas pa rin siguro sa dati ang ugali ni Kaicefer, malamang masusupalpal niya ang batang ito. Ngunit dahil medyo nagbago na siya (tulad ng sabi niya) ay tumulong siya.
"Mag-ingat ka sa pag-akyat. Baka mahulog ka, hindi kita sasaluhin," biro ko at parehas kaming natawa ni Junior. Ngayon, sigurado nga akong nakikita at naririnig niya ako. Nakangusong tumingin sa akin si Kaicefer habang tinutupi pataas ang pantalon niya.
"Ang sama mo," aniya.
"Joke lang, hehe," bawi ko.
Inilingan niya lang ako at umirap. Ang sungit talaga kahit kailan. Bakit nga ulit ako nagkagusto sa lalaking 'to? Pinanood ko siyang sumampa sa may puno. Expert na expert ang lolo niyo sa pag-akyat dahil wala pang ilang minuto ay bumagsak na ang tsinelas ng bata sa lupa. Bakit kaya gamay na gamay na niyang umakyat sa puno? Naging akyat bahay din kaya siya?
Natawa ako sa naisip. Hindi malabong nangyari iyon.
Sunod niyang kinuha ang mga mangga. Habang ginagawa niya iyon ay napatingin ako sa mga kaibigan ng batang lumapit sa amin. Bakit kaya sila namatay? At bakit nila kinakalaro ang batang ito? Kung titignan kasi, parang katulad lang sila ng batang katabi ko ngayon. Payat at maputla. Mata lang yata ang naiiba sa kanila. 'Yung mga mata kasi ng mga batang iyon ay masyadong malaki ang itim. Ang creepy tingnan. Buti na lang sanay na sanay na ako sa mga itsura ng kapwa ko multo. I've seen worse. Ako lang yata ang pinaka-magandang multo na nakita ko so far.
Nagtakha ako nang makitang hindi na sila nakangiti. Deretso lang nila akong tinitignan habang may tinuturo sa ibang direksyon. Napanguso ako at tinignan ang tinuturo nila. Wala akong ibang nakita kundi ang mga batang naglalaro at pamilyang nagpi-picnic lang. Pinagt-tripan yata ako ng mga 'to 'e.
Imbes na hanapin pa ang tinuturo nila. Tumingin na lang ako sa batang lumapit sa'min. Tuwang tuwa siya habang pinapanood si Kaicefer na pumitas ng mangga. Ang cute! Sayang, kung tumanda lang ako siguro ganito din ka-cute ang anak ko. Haay!
BINABASA MO ANG
Juliet's Last Wish [Completed]
FantasyLove is the killer of Death itself... Kaicefer Angelito Ferrer has nothing to do with his life. He thought that if he was a book, it will never be worth reading. Pinipili na lamang niyang mabuhay sa mundong ibabaw, wasting his time until he was bur...