Chapter 26

79 4 0
                                    

The Red Death Necklace

Alam mo 'yung pakiramdam na hindi mo magawang maging sobrang masaya?

'Yung pakiramdam na kahit masaya ka, may halong takot 'yung ligaya.

'Yung tingin mo, malapit lang siya, nahahawakan mo pa naman, masayang masaya kayong dalawa at parang kayo lang ang tao sa mundo, then suddenly... mapapawi ang ngiti sa labi mo habang nakatingin ka sa kaniya.

Parang mararamdaman mo bigla na kahit ang lapit lapit lang niya parang ang layo niya pa rin. 'Yung feeling na kulang iyong hawak. Kung may ihihigpit pa siguro 'yung kapit mo sa kaniya gagawin mo. 'Yung bigla ka na lang masasaktan habang ang saya saya niyo. Kasi alam mong hindi rin iyon magtatagal. Na habang tumatakbo ang oras, palapit kayo ng palapit sa hangganan.

'Yan. Iyan ang eksaktong nararamdaman ko habang kasama ko si Kaicefer sa amusement park. Tuwang tuwa kami habang nakikisakay sa mga rides. Sumisigaw kami parehas ng buong lakas.

Baka sakaling may makarinig... Baka sakaling pakinggan niya ang hiyaw ng aming pag-ibig.

"Nahihilo ako. Para akong masusuka," nanghihinang sabi ni Kaicefer nang makababa kami sa roller coaster.

Tinawanan ko siya. "Ang weak mo naman pala sa mga rides."

Umayos siya ng tayo. "Pero sinubukan ko. First time ko kayang sumakay sa mga extremes."

"Extremes?! Extreme na 'yon para sa'yo?!"

Ha! Weak nga!

Ngumuso siya. "May phobia ako sa mga gano'n kaya extreme na para sa akin 'yon."

Tumango na lang ako sa kaniya. Inikot ikot pa namin ang buong amusement park at nag-try ng ibang rides. Sayang lang at hindi kami maka-sali sa mga palaro dahil wala namang nakakakita sa amin.

Napahinto ako sa paglalakad nang may mahagip ang mga mata ko. Nung una akala ko guni-guni ko lang, pero napa-second look ako nang mamukhaan ang pamilyar na lalaki.

"Si Ethan 'yun ah?" turo ko sa lalaking naglalakad sa papunta sa may ferris wheel.

Sumagi bigla sa utak ko si Kiarra. Totoo bang kapatid niya ang pinunta niya rito? Sinundan ko nang tingin si Ethan na kasalukuyang bumibili ng ticket. Biglang may lumapit sa kaniyang babae. Matangkad at maputi. Umangkla ito sa braso niya at hinintay siyang makabili ng ticket. Girlfriend niya?

Napalingon ako kay Kaicefer nang tawagin niya ako. "Sinong Ethan? 'Yung ex mo?"

Tumango ako at muling tinignan ang gawi nila Ethan.

"Binabantayan ba ni Kiarra si Ethan?" napatanong ako sa sarili.

"Saan ba riyan? 'Yung unanong maputi?"

Natatawa akong napalingon kay Kaicefer. Nakakunot ang noo niya habang tinatanaw din ang tinitignan ko. Wala naman akong nakikitang unano pero bakit sinabi niyang unano si Ethan?

"Hindi unano iyon! Pogi kaya 'yon. Mas matangkad ka nga lang ng konti."

"Tss. Unano pa rin."

Hinampas ko siya sa braso.

"What?" naiinis niyang tanong.

"Grabe ka naman makapang-lait sa height niya! Parang sobrang tangkad mo ah?"

Ngumisi siya. "Talaga. Varsity at Ace player na sana ako ng basketball team sa SMA kung hindi lang ako nagloko 'no," aniya sabay muling tumingin kila Ethan na nakapila na. "Yan na ba 'yung ex mo? Wala ka namang ka-taste taste."

Napapikit ako sa kakatawa. Grabe talaga ang ugali ng lalaking ito. Laiterong tunay.

"Hoy. Kung nagseselos ka lang sa kaniya dahil naging ex ko siya pwes tigilan mo. Naging ex din 'yan ni Kiarra. Iniisip ko lang kung talaga bang kapatid niya ang nandito o binabantayan lang niya si Ethan."

Juliet's Last Wish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon