Chapter 22

75 5 0
                                    

Gusto Kita •

"Yan! May seven days tayo para tapusin ang mga nasa bucket list." masigla kong sabi habang binabasa ang mga sinulat ko sa bucket list namin. "Aabot naman siguro ng seven days 'to, 'no? Ano sa tingin mo?"

Napatingin ako kay Kaicefer nang hindi siya sumagot. Tahimik lang siya habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada. Tirik na tirik pa ang sikat ng araw, pero 'yung mukha niya ay parang pa-sunset na. Nakatingin lang siya sa dinadaanan namin habang mukhang malalim ang iniisip. Kinalabit ko siya.

"Ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik," sabi ko.

Tipid siyang ngumiti. Ni hindi man lang umabot sa mata ang ngiti niyang iyon.

"Iniisip ko lang si papa," wala sa sarili niyang sagot.

Slow motion akong napatango. "Ahhh. Guilty ka na, 'no? Gusto mo na siyang patawarin?" ngumiti ako at mahinang siniko-siko ang tagiliran niya. 

Natawa siya mahina. "Matagal ko na siyang pinatawad."

Napaatras ang ulo ko. Tumingin siya sa akin at sumilay ngiti sa labi niya. 

"At dahil iyon sa'yo."

Ngumuso ako. "Bakit dahil sa'kin?" 

Nagkibit balikat siya. "Kasi ang bait mo 'e. Kapag nakikita kita wala akong ibang naiisip na masama. Gusto ko lahat ng gagawin ko ay mabuti. Kasi alam kong iyon ang gusto mo. Tsaka, wala na naman talaga akong nararamdaman na galit sa kaniya lalo na't sinabi niya na ang totoo. Nasaktan ako, pero gusto ko siyang patawarin. Gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon."

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siyang sabihin ang mga iyon. I'm so happy for him. Malaki na talaga ang pinag-bago ni Kaicefer. I'm glad that he learned how to forgive his dad. At least ngayon, makakapante ako kahit papaano kapag iniwan ko na siya.

Alam ni Kaicefer na sa mga oras na ito ay isa siyang kaluluwang ligaw na katulad ko. Sinabi ko rin sa kaniya na isang linggo lang siya maaring gumala at pagkatapos nun ay babalik na siya sa katawan niya. Isa lang ang hindi ko pa nasasabi sa kaniya... Ang nalalapit naming paghihiwalay.

"Ganito pala ang pakiramdam na kaluluwa ka lang, 'no. Walang nakakakita sa'yo. Pwede ka pumunta kahit saan at gawin ang kahit na anong gusto mo," na-a-amaze na sambit ni Kaicefer habang tinitignan ang kamay niyang tumatagos sa isang pader.

Tumawa ako. "Ang lupit, 'di ba? Pero sa simula lang 'yan. Huwag mong mahalin kasi balang araw magsasawa ka."

Tulad ko. Noong una natuwa ako sa kakayanan ko. Pero habang tumatagal, nalulungkot at natatakot na rin ako.

"Juliet..." tawag sa'kin ni Kaicefer. Nilingon ko siya. "Bakit?"

"Pwede bang huwag na akong bumalik sa katawan ko? Pwede  bang... sumama ako sa pupuntahan mo."

Nawala agad ang ngiti ko sa labi. Napayuko ako at huminga nang malalim bago muling tumingin sa kaniya.

"Hindi pwede, Kaicefer. Kahit na hindi ka pa bumalik sa katawan mo at tuluyan kang mamatay, hindi ka pa rin makakasama sa akin. Mag-kaiba ang daang tinatahak ng bawat kaluluwang ligaw sa kabilang buhay. Kaya hindi pwede... Kailangan mong mabuhay." seryoso kong sinabi.

Kinagat niya ang ibabang labi at marahang tumango. Parang nalungkot siya sa sinabi ko. Ang totoo ay pwede ko siyang makasama kapag hindi siya bumalik sa katawan niya. Magsasama kami habang buhay. Pero hindi ko kaya... Hindi kaya ng konsensya ko na masayang lang ang buhay na binigay sa kaniya ng Dios. Sapat ng ako ang nawalan ng buhay dahil ginusto ko iyon. Sapat nang pinagsisihan ko iyon nang sobra ngayon. 

Juliet's Last Wish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon