Chapter 19

87 7 0
                                    

• Happy Sixth Year Death Anniversary

Kinabukasan ay pumunta kami sa SMA upang hanapin si Mrs. Dela Peña. Kinakabahan pa rin ako kahit na alam kong hindi niya ako makikita. Unfortunately, nang makarating kami roon ay wala siya. Nagtatakha nga rin daw sila kung bakit isang linggo nang hindi pumapasok si Mrs. Dela Peña, ayon sa mga co-teacher niya. Bigo kaming lumabas ni Kaicefer sa SMA. Napagalaman din namin na wala na si Prof. Hernandez doon sa school. Anila'y kaka-resign lang nito last year. Malamang, nagtatago na siya sa mga oras na'to.

Pero alam kong hindi pa siya nakakalayo. Nabangga pa niya ako nung isang gabi at nagulat siya nang makita ako kaya imposibleng nasa malayo siyang lugar. Kinuwento ko kay Kaicefer ang nangyari sa akin nung gabing hinanap niya ako at kung anong koneksyon nito sa nakita ko sa panaginip. Ang sabi ko sa kaniya, si Prof. Hernandez at 'yung lalaking nakabangga sa akin ay iisa.

"Alam ko na kung paano na'tin siya mahahanap," wika ni Kaicefer nang naglalakad na kami pabalik sa condo niya.

"Paano?" tanong ko.

"'Yung cellphone ba niya na sa'yo pa?"

Nanlaki ang mata ko. Oo nga pala! Nasa akin pa 'yung cellphone ni Prof. Hernandez!

Mabilis akong tumango. "Oo, na sa akin pa. Naiwan ko sa condo mo," sabi ko.

"Then, let's go," aniya at tumakbo na kami pabalik sa condo niya.

Nang marating namin iyon ay sumakay kami agad sa elevator. Nahirapan pa kami sa pagsakay dahil maraming tao ang nasa loob. Sumiksik kami ni Kaicefer kahit na isang tao na lang ang kasya. Buti na lang at pwede kong i-fill ang space ng tao nang hindi siya nasasapian.

"Ang lamig," bulalas ng babaeng pinatungan ko.

Napatingin sa amin si Kaicefer. Kumaway ako sa kaniya nang makitang kumukunot ang noo niya sa akin. Napailing siya nang gawin ko iyon at muling bumaling sa unahan. Hindi rin nagtagal ay bumukas na ang pintuan ng elevator sa 3rd floor.

Mabilis kaming umalis doon ni Kaicefer at tinakbo ang pasilyo patungo sa condo niya. Habang tumatakbo ay hindi ko napansing may lalaki pala na dumadaan sa tabi ko. Nabangga ko siya sa balikat kaya nag-sorry ako. Napahinto naman ako sa pagtakbo nang hindi man lang niya ako nilingon. Dere-deretso lang siya. Bakit siya nakahoodie? Wala namang araw?

Tinawag ako ni Kaicefer. "Juliet, anong ginagawa mo? Tara na." Aniya kaya sumunod na lang ako. Ang weird ng lalaking iyon ah.

"Sigurado ka bang nandito iyon sa cabinet ko? Wala naman 'e," sabi ni Kaicefer habang hinahalungkat ang cabinet niya. Ang natatandaan ko kasi ay doon ko nilagay 'yung phone. Paanong nawala 'yon dito?

Kanina pa kami naghahanap at halos nalibot na namin ang buong condo unit niya, pero wala kaming nakita kahit isa. Pabagsak akong napaupo sa sofa nang mapagod na ako kakahanap, ganon din si Kaicefer.

"Paano na 'yan? Saan natin hahanapin 'yon?" tanong ko.

"Hindi mo ba naiwan sa park? 'Di ba iyon naman ang huli nating napuntahan?" tanong pa niya.

Umiling ako. "Hindi. Imposible. Iniwan ko talaga 'yung phone na iyon sa cabinet. Iyon talaga ang natatandaan ko," giit ko.

Napahinto ako nang may mapansin sa TV ni Kaicefer. Nakapatay kasi iyon kaya may reflection ito sa likod namin. May napansin akong kakaiba roon sa mini table sa likod kung saan nandoon nakapatong ang picture frame dati ng papa ni Kaicefer. Tumayo ako at lumapit doon sa table.

"Kaicefer..." bulalas ko.

"Hmmm?"

"Tingin mo ba may pumasok dito sa condo mo?" tanong ko pa.

Juliet's Last Wish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon