• When Juliet Tried To Enter His World •
Kaicefer's POV
"Sino ito? Papa mo?"
Abala ako sa panonood ng TV nang tanungin iyon ni Juliet. Kanina pa siya nangangalkal ng mga gamit ko rito sa condo. Panay ang tanong niya sa'kin tuwing macu-curious sa pinagmulan ng mga gamit ko.
"Yes." tipid kong tugon.
"Ahhh. 'Asa'n siya? Bakit hindi kayo magkasama?"
Natigilan ako sa tanong ni Juliet. Ilang sandali pa bago ako makabawi. Nakasimangot ko siyang nilingon at tumayo upang kunin sa kaniya ang picture frame na iyon.
"Oh? Saan mo ilalagay 'yan? Ibalik mo 'yan dito," aniya.
Masungit ko siyang tinignan. "This is mine. Kaya may karapatan ako para kunin ito at alisin kapag may taong nangingialam."
Iniwan ko siya sa may sala at nagtungo sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit nawaglit sa isip kong alisin iyon sa pagkakadisplay sa table ko. Wala nang karapatan kahit ang imahe niya sa loob ng teritoryo ko.
Isinilid ko ang picture frame sa loob ng cabinet ko. Sa pinaka-sulok ko iyon inilagay kung saan hindi ko na makikita pa.
"Bakit mo itinago?"
Halos tumalon ang puso ko sa gulat nang lumitaw sa tabi ko si Juliet. Napahawak ako sa dibdib ko at sinamaan siya ng tingin.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag kang mag-te-teleport?! Nakakagulat ka!" bulyaw ko.
Napaatras ng ulo niya habang nakatingin sa akin. "Ang OA? Sa ganda kong 'to, natakot ka pa? Tsk!"
"Sino ba nagsabi sayong maganda ka at nang mapatay ko? Sumobra yata ang puri sayo kaya laging 'yan ang bukang bibig mo."
"Tss. Akin na muna 'yung picture frame." nilahad niya ang kamay sa akin.
"And why would I give it to you?" taas kilay kong tanong.
"Cause i want to. Ang pogi ng papa mo, e." ngiti niya.
"What?"
This girl is unbelievably crazy! Pati tatay ko gustong patusin. Tsk!
"Tumigil ka nga. Hindi mo na dapat makita 'yon. Wala siyang kwenta kaya huwag mo nang paglaanan ng oras," sabi ko sabay nilagpasan na siya para bumalik sa sala.
Pagkarating ko roon ay umupo ako muli sa sala at nanood ng TV.
"Huh? Bakit naman walang kwenta?"
Halos mapatayo ako sa sofa nang bigla naman siyang lumitaw sa harapan ko at humarang sa TV.
Pambihira! Ang sarap niyang sapakin! Kung hindi lang 'to babae kanina ko pa 'to pinatulo, e.
"Ano ba! Sabi ng huwag kang manggugulat, e!" bulyaw ko sa kaniya.
"Ay sorry. Nakakatamad kasing maglakad." Umupo siya sa tabi ko. "So, bakit nga? Paano mo naman nasabing walang kwenta ang papa mo?"
"Cause he left us. Siya dahilan kung bakit nasira ang pamilya namin. He left us to save his money." matabang akong natawa.
Iniwan niya kami para sa pera. Gano'n kami kawalang halaga para sa kaniya.
"What about your mom? 'Asa'n siya?"
Seryoso akong nakatitig sa TV ngunit hindi ko na iyon maintindihan dahil napuno na ng masasalimuot na alaala ang isip ko.
Memories flowed down like a river to my system. I hate it but I can't stop myself from reminiscing.
BINABASA MO ANG
Juliet's Last Wish [Completed]
FantasyLove is the killer of Death itself... Kaicefer Angelito Ferrer has nothing to do with his life. He thought that if he was a book, it will never be worth reading. Pinipili na lamang niyang mabuhay sa mundong ibabaw, wasting his time until he was bur...