• Mas Pipiliin •
Highschool ko nakilala si Kiarra. Noong una ay ayaw ko sa kaniya dahil sa likas niyang kakulitan. Siya 'yung tipo ng babae na kahit hindi niya close, kakausapin niya. Masiyahin siya at positibong tao. Magkaiba kami.
Ako kasi ang tipo ng tao na binabalot ng kalungkutan at pagiging negatibo. Hindi ako naniniwala noon sa Diyos. Galit ako dahil kinuha Niya ang mga magulang ko. Sinisi ko pa Siya dahil namatay ang mga magulang ko dahil sa riding in tandem. Napagkamalan silang kaaway kaya binaril sila parehas.. Sa mismong kaarawan ko pa.
Nagalit ako sa mga magulang ko dahil kung hindi sila tumulong sa isang pulubi noon, hindi sana sila naabutan ng mga pumatay sa kanila.
Simula no'n ay namuhay na akong mag-isa. Hindi naman ako tinanggap ng mga kamag-anak ko dahil anila'y galit sila sa mga magulang ko. Nag-tanan kasi sila para magsama dahil ayaw ni lolo at lola kay papa.
Nagtrabaho ako. Maagang namulat sa kahirapan at kalupitan ng buhay. Gusto ko na ngang mamatay no'n 'e. Kung may hihilingin man ako... Iyon ay ang makasama na ang mga magulang ko.
Si Kiarra, kahit anong lupit nang pakikisama ko sa kaniya, lagi siyang nandiyan sa tabi ko. Pinagsasabihan niya ko tungkol sa pagpapalit palit ko ng lalaki araw-araw, tinutulungan niya ako sa trabaho, binibigyan niya ako ng motivations at payo tuwing sumusuko na ako. Siya na lang ang natira kong pamilya no'n.
Hanggang sa makilala ko si Ethan. Siya ang kauna-unahang lalaki na minahal ko nang sobra. Siya ang nagpatino sa akin at nagbigay ng dahilan para mabuhay pa ako. Na hindi ako sumuko. Pero nung masimulan ko nang maging masaya ulit... saka naman siya inagaw ni Kiarra.
Humingi siya ng tawad. Sinabi niya sa akin na si Ethan 'yung lalaking kinukwento niya sa'kin na gustong gusto niya noon pa man. Galit na galit ako sa kaniya dahil hindi iyon rason para agawin niya ang nag-iisang nag-papasaya sa akin.
Lumipas ang mga araw, napapansin kong tamlay na tamlay na si Kiarra. Namamayat siya at namumutla. Hindi ko siya pinansin. Lagi niyang sinasabi sa akin na may nang-re-rape raw sa kaniya at umiiyak pa siya habang sinasabi iyon ngunit nawalan ako ng pakialam. Imbes na magulat at mag-alala. Nakaramdam ako ng tuwa.
Masama akong tao.
Kaya siguro ako binawian ng buhay. Ilang beses ko nang nasaksihan ang panggagahasa ni Prof. Hernandez kay Kiarra ngunit hinayaan ko lang. Inisip ko na baka kapag nawala na siya sa buhay namin ni Ethan... Babalikan na ako ng taong mahal ko.
Until that night came...
Nasaksihan ko muli ang panggagahasa ni Prof. Hernandez sa kaibigan ko. Iba ang gabing iyon sa mga ordinaryong gabi na nakita ko. Dahil nakita kong papatayin na ni Prof. Hernandez si Kiarra. Masyado akong nabagabag ng konsensya ko. Sinubukan kong kunin ang atensyon ni Prof. Hernandez at nagtagumpay nga ako... Ngunit sa kasamaang palad... Ako ang namatay...
Nagising ako sa tulay kung saan tumilapon ang katawan ko dahil sa aksidente. Wala na akong maalala. Sinubukan kong kumausap ng tao ngunit nagulat ako nang lahat ng mahawakan ko ay tumatagos lang sa akin. Doon ko napagtanto na patay na ako. Ngunit hindi ko na alam ang nakaraan ko, kung paano ako namatay, at kung sino ba talaga ako.
Kung pwede lang ibalik ang dati, sana pala pinahalagahan ko si Kiarra. Hindi siya ang tunay na trumaydor sa akin. Kundi ako. Ako ang masama. Ako ang dapat maparusahan dahil sa ginawa ko. Anong klase akong kaibigan? Ni hindi ko siya pinagtanggol... Natuwa pa ako nang makitang ginagahasa na siya... Ang bestfriend ko.
"Ayos ka lang?" pangungumusta sa akin ni Kaicefer.
Kanina pa kami nakabalik sa dati naming tambayan. Nakaupo na kami sa tapat ng convenient store kasama sila Paloma. Tulala lang ako habang binabalikan ang mga alaala namin ni Kiarra. Siguro kaya ako naging masayahin nang maging kaluluwa na ako ay dahil kay Kiarra. Nakakatawang isipin. Akala ko ganito talaga ang ugali ko noon pa man. Akala ko masaya ang buhay ko at gustong gusto kong mabuhay noon.
BINABASA MO ANG
Juliet's Last Wish [Completed]
FantasyLove is the killer of Death itself... Kaicefer Angelito Ferrer has nothing to do with his life. He thought that if he was a book, it will never be worth reading. Pinipili na lamang niyang mabuhay sa mundong ibabaw, wasting his time until he was bur...