Chapter 1

252 11 2
                                    

• Ghost and The Death Wish •

Juliet's POV

Ang ingay ng paligid. Maraming tao ang nagsisiksikan sa loob ng palengke para lang makabili ng mga kailangan nila. Nakanguso ako habang naglalaway sa mga tinitindang pagkain ni Aling Nene. Kahit ba multo ka na nakakaramdam ka pa rin ng gutom? Napahawak ako sa aking tiyan at napabuntong-hininga.

"Kamusta naman ang misyon mo?" 

"Ay, Kurimaw!" Tili ko. Napaigtad pa ako sa gulat nang biglang lumitaw sa tabi ko si Paloma. Ang multong kasing taba ng balyena.  Inatake siya sa puso dahil sa katabaan. Tulad ko, hindi pa rin siya nakakatawid sa kabilang buhay dahil may misyon pa siyang dapat gawin.

"Wala pa din akong nahahanap 'e." kibit-balikat kong sagot.

Binatukan niya ako. 

"Aray!" daing ko sabay kamot ng ulo. 

Kahit naman kaluluwang gala na lang ako, nasasaktan pa rin ako kapag kapwa ko multo ang nananakit sa akin. Tsk! Idagdag mo pa na kasing laki ng gorilla ang bumatok sa ulo ko!

Problemado akong tinignan ni Paloma. "Alam mo namang kailangan na nating magmadali di'ba?! Malapit ng dumating ang araw ng pagpapasok ng mga ligaw na kaluluwa sa kabilang buhay. Kapag hindi mo natapos ang misyon mo sa lalong madaling panahon, baka mamaya hindi ka na talaga makatawid sa kabilang buhay."

Nginusuan ko lang siya. Tama naman ang sinabi niya. Limang taon na akong naglalakbay dito sa mundo, pero palengke lang ang natagpuan ko. Hindi rin naman kasi ako makahanap ng taong gagawa sa aking misyon. Napairap ako sa kawalan. 'E kasi naman, wala ring nakakakita sa akin maliban sa mga tropa kong multo.

"E 'yung lalaking sinagip mo sa tulay kagabi? Hindi ba't nakita ka niya? Bakit hindi na lang siya ang pagawain mo ng misyon mo?" biglang sulpot ni Mio sa tabi ni Paloma.

Si Mio naman ay namatay sa Leukemia. Sampung taon na siyang naglalakbay rito sa lupa dahil sumumpa siya na hindi siya aalis sa tabi ng kaniyang kasintahan hangga't hindi ito nakakahanap ng kapalit sa kaniya. At gaya namin, iyon ang misyon niya. 

Napaisip ako sa suhestiyon niya. Oo nga 'no? Asan na kaya 'yung lalaking 'yon? Tinaboy niya kasi ako ng bonggang bongga kagabi nang sinubukan ko siyang  sundan sa pupuntahan niya. Ayoko namang ma-double dead kapag bigla niya akong pinaslang habang naka-sunod sa kaniya. 

"HOY BUMALIK KA DITO! 'YUNG BAG KO!" 

Sabay-sabay kaming napalingon sa sigaw ng isang lalaki. Kumakaripas ito ng takbo habang hinahabol ang isa pang lalaki na may bitbit ng bag niya. Akmang hahabol na din ako nang pigilan ako ni Paloma. 

"Huwag ka na mangialam. Hindi na tayo pwedeng madawit sa mga pangayayari dito sa lupa." wika ni Paloma sabay hila sa balikat ko, pero dahan-dahan kong inalis iyon habang pinaniningkitan ng mata ang magnanakaw.

HUMANDA KA SA'KIN!

Pumikit ako ng mariin at inisip ang imahe ng lalaking tumatakbo papalayo sa amin. Pagkadilat ko ng mga mata ay nakita ko na siyang tumatakbo papunta sa direksyon ko. Nakatingin pa siya sa likod niya kaya hindi niya ako agad nakita. Sumipol ako upang maagaw ang atensyon niya kaya agad naman siyang napatingin sa akin at bahagyang natigilan nang makita akong nakalutang sa harapan niya.

Naningkit ang mga mata ko habang natingin sa kaniya na mukhang natatakot na.

Wait... parang familiar siya.

Nanlaki ang mata ko nang makilala ang lalaking 'yon. Aha! SIYA YUNG LALAKI SA TULAY KAGABI! Tsk, tsk, tsk. Tingnan mo nga naman ang tadhana... 

Pabagal ng pabagal ang takbo niya habang napapatingin pa rin sa lalaking ilang metro na lamang ang layo sa kaniya. Mukhang hindi niya alam kung anong gagawin kaya muli siyang napatingin sa akin. Mabilis akong lumutang papunta sa harapan niya at kitang kita ko ang panlalaki ng mata niya nang gawin ko iyon.

Juliet's Last Wish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon