Chapter 21

78 7 1
                                    

Critical

Everything has a reason. Iyan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko. Lahat ng mga nangyayari sa atin ay may rason mabuti man o masama.  Ako 'yung tipo ng tao na laging naghahanap ng positibo sa mga masasamang bagay nangyayari sa buhay ko. Ngunit sa mga oras na ito, pakiramdam ko naubos na lahat ng iyon. Hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng rason sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung paano ako magiging positibo ngayong nasa harapan ko ang taong mahal ko na nag-aagaw buhay na.  Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil kung hindi ako humingi ng tulong sa kaniya noon para sa misyon ko, hindi sana siya madadamay dito.

Tulad ng mga nangyayari sa pelikula, huli na nang dumating ang mga pulis. Wala pa ring tigil ang mga luha ko habang pinanonood si Kaicefer na pinapakawalan sa pagkakatali at inihihiga sa stretcher.

Habang tumatagal, nauubusan ako ng pag-asa, pero gusto ko pa ring umasa. Na sa kabila ng mga natamo niyang saksak sa dibdib ay mabubuhay pa siya... Kasi iyon ang pangako niya. 

"Crisanta! Ano ito?! Anong ginawa mo?!" galit na sigaw ni Prof. Hernandez kay Mrs. Dela Peña. Hawak hawak na siya ng mga pulis at nilalagyan na ng posas sa kamay.

Umiiyak si Mrs. Dela Peña sa harapan niya. "Patawarin mo ako, kuya. Pero tama na ito. Hindi ko na kayang manahimik... Hindi na ako pinapatulog ng konsensya ko sa mga ginawa mo. Sumuko ka na sa kanila at pagbayaran ang kasalanan mo, " aniya.

Napangiti ako nang mapait. Si Mrs. Dela Peña ang tumawag sa mga pulis. So, ibig sabihin, hindi totoo na papatayin siya Prof. Hernandez. 

All this time, dinadaya niya lang kami.

Natulala ako at napayuko habang hindi pa rin makawala sa pagkaka-tali. Naubusan na ako ng enerhiya na lumaban. Hinayaan ko na lang ang mga taong gumalaw sa paligid ko hanggang sa may maramdaman akong malamig na bagay na dumapo sa aking dibdib.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Mrs. Dela Peña. Kinakabit niya sa akin ang kwintas ko. 

"N-nakikita mo ako?" nanginginig kong tanong. 

Tumango siya at umupo sa harpan ko. Wala na ang mga tao. Dinala na nila si Kaicefer at Prof. Hernandez sa labas. Gusto kong sumunod doon ngunit gusto ko ring makausap si Mrs. Dela Peña.

Nagsimulang umagos ang mga luha ko habang nakatingin sa kaniya.

"B-bakit?... Bakit ngayon lang? Bakit ngayon ka lang nagsalita?! Ang dami ng namatay dahil sa pananahimik mo!" may hinanakit kong sabi sa kaniya.

Napayuko siya habang lumuluha. "Juliet, patawarin mo ako kung hindi ako nagsalita agad. Napangunahan ako ng takot at awa sa kapatid ko. Believe me, sinubukan kong gawin ang lahat para pasukuin si kuya, pero hindi siya natitinag. Sana maintindihan mo ako. At mapatawad mo rin kami ni kuya." may pagsusumamo sa boses niya.

"Ngayon pa?... Ngayong patay na si Kiarra... Ngayong nag-aagaw buhay na si Kaicefer?! Naawa ka sa kanya, pero hindi ka naawa sa amin? Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin na makitang pinapatay niya ang taong mahal ko?! ... Patay na ako, pero pinapatay niya ulit ako! Sana inisip mo rin 'yung mga taong napatay niya. Kung naaawa ka talaga sa kaniya at mahal mo siya, hindi ka mananahimik dahil alam mong mali ang ginagawa niya!"

Hinawakan ni Mrs. Dela Pena ang kamay ko. "Alam ko. Alam kong mali lahat ng ginawa kong desisyon. Pero sana mapatawad mo ako... Hindi ko sinasadya. Maniwala ka. Alam kong mali rin ako."

Durog na durog na ako sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang pagpapatawad na hinihingi niya. Parang hindi ko pa iyon kayang gawin, ngayong alam kong nasa bingit ng kamatayan si Kaicefer dahil sa kanila.

Juliet's Last Wish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon