Chapter 8

96 7 0
                                    

• Twisted Fates

Juliet's POV

"Master, huwag kang lumayo sa'kin."

Ang awkward ng paglalakad namin dahil kanina pa dikit ng dikit si Brylle kay Kaicefer. Sa totoo lang medyo na-turn off na ako sa ka-duwagan niya. Hindi ko naman siya inaano tapos takot na takot siya riyan.

Inis na itinulak ni Kaicefer si Brylle dahil may mga tao nang napapatingin sa kanila.

"Ano ba! Umayos ka nga. Para kang bakla, kadiri ka!"

"Eh kasi, Master, nararamdaman ko talaga siya sa tabi ko, e. Hindi ba sabi mo may gusto sa'kin 'yon?"

Napairap ako. Grabe ano bang feeling niya sa'kin? Patay na patay sa kaniya? Patay na nga ako, papatayin pa ulit?

"Hindi ka na gusto no'n kasi sobrang duwag mo! Para kang bading? Ano? Tumiklop ka na ba?" iritableng sabi ni Kaicefer.

Hindi na ako magugulat sa pagiging harsh niya kay Brylle. Sanay na sanay na ako sa tabas ng dila niya. If it's not harsh, then it is not Kaicefer.

Nilakad lang namin ang papunta sa school. Noong una, akala ko ay malayo, pero kaya naman palang lakarin. Medyo matagal nga lang.

Tumingala ako nang makarating na kami sa sa SMA. Namangha ako nang mabasa ang pangalan nitong naka-ukit sa itaas ng gate. Dito pala ako nag-aaral dati. Nakaramdam ako ng excitement nang maglakad na sila palapit. Akala ko doon sila dadaan sa main gate, pero nagulat ako nang bigla silang lumiko.

"Huh?" napakamot ako ng ulo. "Saan kayo pupunta?"

Nilingon ako ni Kaicefer. "Hindi tayo pwedeng dumaan sa main entrance. Kilala ako ng guard kaya hindi tayo papapasukin kapag diyan tayo dadaan."

Napatango-tango ako sa sinabi niya.

"Saan pala tayo dadaaan?"

Tinuro niya ang kabilang side ng building. "Aakyatin natin 'yung pader."

Tumango ulit ako. Nakita ko si Brylle na nakatingin sa direksyon ng mata ni Kaicefer, pero hindi sumakto sa'kin. Natawa ako nang makitang naninigas siya sa kinatatayuan niya habang pinapanatili ang malapit na distansya kay Kaicefer.

"Tara na." ani Kaicefer at dumeretso sa paglalakad.

Mabilis naman kaming sumunod sa kaniya. Inakyat nila 'yung matarik na pader. Mukhang sanay na sanay ang dalawa sa pag-akyat kaya wala pang isang minuto ay nakatawid agad sila. Sumunod naman ako, pero hindi ko na kinailangang gawin ang ginawa nila. Instant tagos ako, remember? Kaya sisiw na lang para sa'kin ang tumawid sa konkretog pader iyon.

"Saan tayo magsisimula?" tanong ko.

"Hindi tayo pwedeng makita ng mga estudyante rito master. Kailangan nating mag-tago," sabi ni Brylle kay Kaicefer.

"We need to find Mrs. Dela Peña. Hindi ko siya masyadong kilala, pero alam ko nasa faculty lang siya lagi." sambit ni Kaicefer.

Si Mrs Dela Peña ang adviser namin five years ago. Hindi na ako mapakaling makita siya kaya inaya ko na agad si Kaicefer na puntahan siya.

Una ay umakyat kami sa third floor ng main building. Tuwang tuwa ako habang dumudungaw sa bawat classrooms. 'Yung mga babae ay parehas sa uniform na suot ko. 'Yung dalawang lalaking kasama ko naman ay naka-yuko sa ilalim ng mga bintana habang tinatahak ang pasilyo ng dahil hindi sila pwedeng makita.  Buti na lang at pumunta kami habang nasa kalagitnaan pa ng klase Paniguradong mas mahihirapan sila kapag breaktime.

"Hala... Kawawa naman. Pinapagalitan ng teacher." bulong ko nang makita ang isang estudyanteng binubulyawan ng teacher. Medyo matanda na ito kaya siguro mainitin ang ulo.

Juliet's Last Wish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon