Chapter 4

139 9 0
                                    

• Juliet's Crush •

Juliet's POV

"First reason why you shouldn't wish to die is because... masarap kumain." nakangiti kong sinabi.

Nasa grocery kami ni Kaicefer para mamili ng mga pagkain. Ang totoo ay ako talaga ang nagyaya sa kaniya. Kung hindi ko pa kasi siya kakaladkarin papunta rito ay hindi talaga siya matitinag sa panonood ng TV sa condo niya.

"Wala ka talagang sense mag-salita, ano?" bored niya akong tinignan.

Ngumuso ako. "Ano ka ba! Hindi mo ba alam na ang susi sa masayang buhay ay kumain nang kumain? Masarap maging bata kasi mas nalalasahan mo ang flavor ng pagkain. Kapag tumanda ka na, hindi mo na malalasahan ng maayos 'yun. Kung nabuhay nga lang ako, edi kasing taba na dapat ako ni Paloma ngayon."

Umiling siya na para bang hindi makapaniwala sa pinagsasasabi ko.

"Totoo yon. Isang rason kung bakit dapat kang mabuhay ay dahil masarap kumain. Tandaan mo yan. Learn from the expert," sabi ko sabay tingin sa mga pagkain.

"Ito! Gusto ko nito!"

Tinuro ko 'yong nuggets na nakita ko at nagpuppy eyes kay Kaicefer na nagsasalubong na naman ang kilay sa'kin.

"Ikaw ba magbabayad? Turo ka ng turo ah. " aniya at hindi man lang pinansin ang request ko.

"Turo ako ng turo tapos ikaw dedma ng dedma." Inirapan ko siya.

"Hindi naman ikaw ang magbabayad kaya wala kang karapatan na magturo. Sumunod ka na lang at kainin kung ano ang ihahain ko sayo."

Nag-crossed arms ako sa harapan niya. "Ang damot mo naman! Minsan lang ako magpapabili sayo. Kapag nakatawid na ako sa kabilang buhay hindi mo na ako makikita ulit. Balang araw, ma-mi-miss mo ako, bahala ka."

"As if i'm threatened." bulong niya.

"Ang damot mo talaga. Isa lang 'e!"

Ilang beses kong kinulit si Kaicefer hanggang sa mainis na siya sa'kin.

"Ang kulit mo naman! Pwede ba? Huwag mo akong inisin."

Nag-tinginan sa kaniya ang mga tao nang mapalakas ang boses niya. Napatingin din siya sa paligid at nakita ang mga taong nawe-weirdo-han na sa kaniya. Pasimple niya akong sinamaan ng tingin at nahihiyang lumayo sa mga taong iyon.

"Badtrip talaga. Malas ka talaga sa buhay ko, e. Akala tuloy nila nababaliw na ako."

"Kasalanan kong hindi mo ma-control yang emosyon mo? Tsaka, nagpapabili lang naman ako sayo, e. Ang damot mo kasi kaya ka kinarma." simangot ko sa kaniya.

"Tsk! Leave me alone." sabay nilagpasan niya ako.

Nyenyenye!

Nainis na din ako sa kaniya kaya dumistansya rin ako. Hindi na ako tumabi sa kaniya. Doon na lang ako sa likod niya at sinubukang hawakan ang mga pagkaing nakikita ko, pero tumatagos lang iyon lahat.

Kainis! Wala akong mahawakan. Nakakaiyak naman 'to. Bakit kasi ako namatay 'e! Tsk.

Kaicefer's POV

Hindi ko napigilang sigawan si Juliet dahil sa kakulitan niya. Nakaka-badtrip lang. Napagkamalan pa akong baliw dahil sa kaniya. Hindi ko na siya naramdamang sumunod sa akin pagkatapos ko siyang itaboy. Alam ko namang hindi siya lumayo kaya tumingin ako sa likod ko.

Anong ginagawa nito?

Mukhang inis na inis ang mukha niya. Nakanguso pa habang sinusubukang hawakan ang mga garapon ng stick-o na tumatagos lang naman sa kamay niya.

Juliet's Last Wish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon