• Felony and Enigma •
Juliet's POV
Lumipas ang isang linggo na parang isang kisap lang ng mata. Wala namang nag-bago. Isa pa ring malaking bulas na monster si Kaicefer. Hobby ko pa ring sirain ang umaga niya, madalas pa rin siyang naglalayag sa kung saan-saang lupalop ng Maynila at ako naman ay buntot pa rin ng buntot sa kaniya.
Sa loob ng isang linggo na iyon, hindi na siya ulit bumalik sa hell house. Sabi ko kasi, hindi niya pwedeng sirain ang buhay niya hanggat hindi niya pa ako natutulungan sa misyon ko. Marami rin akong nalaman tungkol sa kaniya. Bilang ko na rin nga ang mga wrinkles niya sa noo dahil sa kakasimangot niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy, expert na expert na ako sa pagpapakunot ng noo niya. Hehe!
Nandito ako ngayon sa sala katabi si Kaicefer na seryosong seryoso sa panonood ng action movie. Alas-siyete pa lang ng gabi kaya naki-upo muna ako sa sofa niya para maki-nood. Habang nalilibang kami sa palabas ay pansamantala naman iyong nag-commercial. May lumabas sa flash report sa TV kaya na-curious ako kung ano ito.
"Hustisya ang iniiyak ng isang ginang sa pagkamatay ng kaniyang nag-iisang anak na babae. Ito ay matapos pag-babarilin ang kaniyang anak ng hindi kilalang lalaki. Nangyari ito sa tapat mismo ng kanilang paaralan. Ayon sa mga nakakita, hindi raw nila alam kung saan nanggaling ang bala. Bigla na lamang daw itong bumagsak ang biktima sa kalsada na may tama na sa kaniyang dibdib. Ang nasabing biktima ay nag-aaral sa San Marcelino Academy at minsan nang naging witness sa isang krimen, limang taon na ang nakakalipas. Hinihinalang ang motibo ng pagpatay sa kaniya ay ang pag-testigo sa nasangkutan niyang krimen."
Naniningkit na ang mga mata ko sa panonood lalo na nang ipakita ang picture ng biktima sa screen. Halos kasing edad lang pala namin iyon. Napatayo ako nang biglang patayin ni Kaicefer ang TV.
"Bakit mo pinatay? Nanonood ako 'e!"
"Wala namang kwenta yung balita," aniya na parang walang kainteres-interes sa balita.
"Anong walang kwenta? Hindi mo ba narinig? Sa San Marcelino Academy nag-aaral yung babae. School kaya natin 'yon," sabi ko pa, pero syempre, dedma na naman ang ganda ko.
Nakakainis. Nadadala na ako sa balita tapos bigla naman niyang pinatay. Nagkatinginan kaming dalawa. Parehas may inis na naka-bakas sa mukha.
"Mabubuhay mo ba yung babeng 'yon kung patuloy kang makikinig sa kaso niya?" sarkastiko niyang tanong.
"Hindi."
"Hindi pala, e. Edi walang saysay kung manonood ka niyan. Kung wala kang maitutulong, huwag ka ng chumismis," aniya sabay bukas ulit ng TV.
Sakto namang tapos na ang balita kaya napa-busangot ako. Ang epal talaga ng lalaking 'to. Tsk!
Ipinagkrus ko ang aking braso ko at pinagpatuloy na lang ang pinapanood hanggang sa ma-istorbo na naman kami sa pagtunog ng door bell. Sabay kaming tumayo ni Kaicefer para tingnan kung sino iyon.
"Hi, master!"
"Ikaw na naman?" masungit na bungad ni Kaicefer kay Brylle.
Napanguso ako sa pakikitungo ni Kaicefer sa kaniya. Grabe talaga 'to. Buti na lang at mabait si Brylle. Nakangiti pa rin siya kahit parang langaw siyang tinataboy ng isa rito.
"The one and only. Hindi ka ba natutuwang makita ako?"
"Mukha ba akong natutuwa?"
Hindi ko mapigilang ngumiti nang bumungisngis si Brylle kay Kaicefer. Ang cute niya talaga! Para siyang oppa sa K-drama dahil sa pagiging chinito niya.
BINABASA MO ANG
Juliet's Last Wish [Completed]
FantasyLove is the killer of Death itself... Kaicefer Angelito Ferrer has nothing to do with his life. He thought that if he was a book, it will never be worth reading. Pinipili na lamang niyang mabuhay sa mundong ibabaw, wasting his time until he was bur...