• Flashing Memories•
"Ano bang mangyayari kapag natapos na ang misyon mo?" tanong ni Kaicefer habang naglalakad kami pauwi sa condo niya.
Ayan na naman siya sa mga tanong niyang 'yan. Pero siguro nga, dapat na niyang malaman. Para maging handa na rin siya sa kung anong pwedeng mangyari.
"Maglalaho na ako mundong 'to..." kinagat ko ang ibabang labi. Katahimikan ang namayani sa amin pagkatapos kong sabihin iyon.
Hindi nagawang mag-salita ni Kaicefer. Nang tingnan ko siya, deretso lang ang tingin niya sa dinadaanan namin. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa kaniyang mukha. Siguro nga, wala talagang gusto sa akin si Kaicefer. 'Yung mga care na pinakita niya sa akin ay bilang kaibigan lang. Mukhang hindi naman siya nalulungkot 'e. Mas mabuti na iyon kaysa maramdaman niya ang nararamdaman ko. Hindi ko na makakayang makita siyang nasasaktan.
"Kapag tuluyan ng naging puti itong kwintas ko, ibig sabihin... malapit na rin... akong mawala..." Pahinto-hinto kong sabi.
Ang hirap sabihin. Ang hirap tanggapin. Dati naman ang dali dali lang para sa akin na sabihing mawawala na ako at iiwanan ko na ang mundo... pero ngayon... ang sakit.
Narinig ko ang mabigat na paghinga ni Kaicefer. Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil na rin ako. Hinarap niya ako at tinitigan sa mga mata. 'Yung mga mata niya ay nangungusap, parang maraming gustong sabihin, pero hind ko maipaliwanag... natatakot akong malaman kung anong nasa likod ng mga titig niya. Bumilis ang tibok ng imaginary puso ko at nagsimula na namang umatake ang mga kiti-kiti ko sa tiyan nang hawakan ni Kaicefer ang kamay ko.
"I know this may sound ridiculous... but..." Lumunok siya. "Can you not leave me?..." he sounded almost pleading.
Hindi ko inaasahan na lalabas iyon sa bibig ng isang Kaicefer Angelito Ferrer. Bahagyang napaawang bibig ko at natulala na lang sa mukha niya.
"Is there any way for you to stay?" tanong niya pa.
Lumunok ako at napapikit ng mariin. Pinipigil ko ang mga luhang nagbabanta nang mangilid sa mga mata ko. Why, Kaicefer? Why are you making this so hard for me?
Muli akong tumingin sa kaniya ng deretso. Gusto kong ngumiti. Gusto kong magpanggap na masaya ako at bibiruin ko siya, pero hindi ko magawa dahil bumabagsak lang ang gilid ng mga labi ko.
"W-why... why do you want me to stay?" mahina kong tanong.
Nanlambot ang ekspresyon niya. Maya maya'y narinig ko na ang kaniyang pagsinghap. "I- I don't know... I think i'm going crazy..." napasabunot siya sa buhok.
Umiling ako. I cleared my throat and kept myself firm. "Walang paraan, Kaicefer... Walang paraan para manatili ako sa tabi mo. Walang ibang paraan para hindi kita iwanan... I'm s-sorry..." sabi ko at napayuko.
"Do you want to leave? If there's a way... would you stay?"
Hindi ko maintindihan ang mga tanong niya. Bigla bigla na lang siyang nago-open ng ganitong topic. Hindi ko matumbok kung ano ang ibig niyang sabihin ngunit sinagot ko pa rin ang mga tanong niya.
"Matagal ko ng gustong matapos ang misyon ko, Kaicefer. Simula pa lang, malinaw na ang usapan na'tin na pagkatapos ng misyon ko... iiwan ko na rin ang mundong ito."
Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko nang makita ang unti-unting pag-ngilid ng mga luha sa mata niya. Iniwas niya agad ang tingin sa akin upang hindi ko mapansin iyon. Pinipiga ang puso ko habang nakatingin sa kaniya.
Kung alam mo lang... Gustong gusto pa kitang ma-kasama nang mas matagal. Kung pwede lang iyon mangyari, gagawin ko ang lahat para manatili sa tabi mo.
BINABASA MO ANG
Juliet's Last Wish [Completed]
FantasyLove is the killer of Death itself... Kaicefer Angelito Ferrer has nothing to do with his life. He thought that if he was a book, it will never be worth reading. Pinipili na lamang niyang mabuhay sa mundong ibabaw, wasting his time until he was bur...