Chapter 3

133 12 0
                                    

• Connections and The 10 Reasons Why You Shouldn't Wish To Die •

Juliet's POV

"Paloma, ano sa palagay mo 'yung dahilan kung bakit nakikita ako ni Kaicefer? Nahahawakan niya din ako at nasasaktan. Alam mo yun?.. Para akong tunay na tao kapag kasama ko siya kasi nakakaramdam ako."

Bigla kong nasabi habang nakaupo kami ni Paloma sa labas ng isang convinient store. Iniwan ko muna sandali si Kaicefer sa condo niya. Natutulog na kasi siya. Hindi ko naman siya machi-chika ng tulog kaya umalis muna ako saglit.

"Sino si Kaicefer?" kunot noo niyang tanong.

"Siya yung kinu-kwento ko sayong lalaki na unang nakakita sa akin. Siya rin pala yung magnanakaw na hinabol ko. At siya rin ang napili kong tumulong sa misyon ko."

Napatango-tango siya.

"Ang alam ko lang. Kapag nakikita ka niya o nahahawakan. Ibig sabihin, may matindi kayong connection sa isa't-isa," aniya.

"Connection?"

Tumango siya. "Oo. Magkakilala na ba kayo dati? Baka naging ex mo siya, hindi mo lang natatandaan kasi hindi ka nga nakakaalala."

Napaisip din ako sa sinabi niya. Pero, kung magkakilala na kami dati. Hindi ba dapat mamukhaan niya ako? Bakit parang hindi naman niya ako kilala? Sinigawan pa nga niya ako ng bonggang bonggang 'WHO ARE YOU?' noong una naming pagkikita.

Umiling-iling ako. "Imposible 'yon. Mukhang hindi naman niya ako kilala e," sabi ko pa.

Ang gulo naman! Nakikita niya ako at nahahawakan. Ibig sabihin may koneksyon siya sa'kin. Pero, hindi naman kami magkakilala.

Napabuntong hininga ako.

Sino kaya talaga siya sa buhay ko noon?

"Baka naman siya ang pumatay sayo."

Nagulantang ako nang biglang sumulpot si Mio sa harap ko.

"Nakakagulat ka naman!" reklamo ko.

Ngumiti si Mio ng malungkot at nag-peace sign.

Pero teka--- ANO DAW?!

"May posibilidad na siya ang pumatay sayo kaya may malaki kayong koneksyon sa isa't-isa," seryosong aniya habang nakatingin lang sa kalsada.

Binatukan siya ni Paloma. "Buang! Edi sana namutla na yon nang makita si Juliet. E, hindi nga siya kilala."

Tumango-tango lang si Mio na para bang hindi siya nabatukan. Mukhang malungkot siya ngayon ah? Bakit kaya?

Nagkibit-balikat si Mio. "Ewan. Iyon lang naman ang alam ko. Kung my connection kayo sa isa't-isa. It's either magkakilala kayo o may kinalaman siya sa pagkamatay mo."

Hindi ko naman matandaan kung paano ako namatay. Pero sana naman, hindi si Kaicefer ang dahilan ng pagkamatay ko.

Natulala ako sa kawalan dahil sa pag-iisip. Naputol lamang iyon nang marinig ko ang pag-uusap nila Paloma at Mio.

"Medyo masakit... Pero, wala akong magagawa... Isa lang naman akong hamak na multo. Patay na ako at hindi ko na siya pwedeng makasama... kaya kailangan ko na siyang palayain."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"Tapos na ang misyon mo? Nakahanap na siya ng bago?" tanong ko.

Matamlay na tumango si Mio. "Yung dati kong bestfriend na si Gerald. Napapansin ko kasing nagkakamabutihan na sila. Tapos ngayon, nanliligaw na si Gerald sa kaniya..." May tumulong luha sa pisngi ni Mio. "Ang sakit sakit makita na 'yung taong mahal mo, nagmamahal na ng iba. Tapos ikaw, walang magawa kasi patay ka na. Wala ka ng puwang sa puso niya kasi isa ka na lang alaala na dapat nang kalimutan." Nahihirapan siyang magsalita dahil sa pagpipigil ng luha.

Juliet's Last Wish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon