Chapter 30

82 7 0
                                    

Stay

Dalawang araw... Dalawang araw ang lumipas pagkatapos ng pangyayari sa ospital. Nakasuhan si Mrs. Dela Peña at nakulong dahil sa ginawa niya kay Brylle. Ngunit kahit na gano'n ay napanatag pa rin ang loob ko. Parang isang malaking tinik ang nabunot sa lalamunan ko nang malaman na ligtas si Brylle. Tagumpay ang pag-sagip namin sa kaluluwa ni Kaicefer at pinanigan Niya rin ang tama. 

Sa loob ng dalawang araw na iyon ay ginagawa namin ni Kaicefer ang mga nasa bucket list ko. I've already told him the 7th and 8th reason why he shouldn't wish to die.

Seventh reason... Dahil marami pang taong naghihintay sa pag gising niya. Kasama na roon ang papa niya at ang kaibigan niyang si Brylle. Nalaman ko rin na kaya ginamit ni Prof. Hernandez si Brylle ay dahil mahina ang loob nito.  Kaicefer told me that Brylle was suffering from anxiety and depression. Hindi halata sa itsura ni Brylle na ganoon pala kalala ang pinagdadaanan niya. He looks jolly all the time. Pero nga naman... Hindi natin alam kung anong nakatago sa likod ng maskarang pinapakita sa atin ng ibang tao.

Eighth reason... Dahil marami pa siyang dapat matutunan. Sa loob ng dalawampung taon niyang nabubuhay sa mundong ito. Wala siyang ibang inisip kundi ang mamatay. He thought that if he was a book... It will never be worth reading. At ito ang dapat niyang matutunan. That his story is always worth telling.

Sa loob ng dalawang araw na iyon ay wala akong ibang inisip kun'di si Kaicefer lang. Hindi ko muna inisip ang nalalapit kong pamamaalam. I pretended that everything's alright. Inisip ko na hindi ako aalis. Na hindi ko siya iiwanan. Pero alam kong kailangan ko nang maging handa. Kailangan kong sabihin sa kaniya na hindi na niya ako makikitang muli sa unang pag mulat ng mga mata niya. 

But I will always be watching him...

"Juliet..." tawag ni Kaicefer.

Nakaupo kami sa isang mataas na bato. Nasa sea side kami at pinapanood ang pag lubog ng araw. Nag-hahalo ang kulay kahel at lila sa kalangitan na unti-unti nang nag-didilim. Maligamgam na hangin ang nararamdaman ko sa aking balat habang naaamoy ko ang nakaka-relax na amoy ng dagat. Noon, hindi ko gusto ang amoy nito ngunit ngayon... Pakiramdam ko mami-miss ko ito ng sobra.

Nakangiti ko siyang nilingon. "Bakit? Ang ganda ko ba? Bagay ba sa mukha ko ang sunset?" 

Tumawa siya. "You're always beautiful in my sight. Ewan ko lang sa iba." 

Sinimangutan ko siya. Mapanlait. Well, atleast para sa kaniya maganda ako.

"Tell me your second wish," aniya.

Tumaas ang isa kong kilay. "Bakit gusto mong malaman?" 

"I just want to. Dali. Para magawa ko na."

Napaisip ako. Ano naman kayang pwede kong hilingin? 

"Uhmm... Siguro... Ang second wish ko..."

Hinintay niya ang sasabihin ko. Nag-isip isip pa ako bago umilaw ang bumbilya sa utak ko.

"Aha! Alam ko na!" nae-excite ko siyang hinarap ulit.

"Ano?"

"Kantahan mo ako. Gusto ko 'yung magandang magandang kanta. Balik tayo sa condo mo tapos gusto ko, iinom din tayo," nakangiti kong sinabi.

Nakita ko ang pagbusangot ng mukha niya. Parang may hindi siya nagustuhan sa sinabi ko. 

"Oh? Bakit ganiyang ang mukha mo? Ayaw mo ba?" 

Umiling siya. "Paano ko naman magagawa iyan, hindi ako nakakahawak ng kahit ano." 

"Walang problema! Kasi kapag multo ka, bago ka mapunta sa kabilang buhay may tatlo kang hihilingin sa taong tumulong sa'yo. Kapag humiling ka, automatic na magagawa iyon ng taong hinilingan mo."

Juliet's Last Wish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon