Special Chapter

117 6 0
                                    

Kaicefer's POV

Juliet came into my life like a flash of lightning. Bigla bigla at nakakagulat. Noon pa man, alam ko nang kakaibang babae si Juliet. Malinaw na malinaw pa rin sa akin hanggang ngayon kung paano siya lumutang sa harapan ko na parang lumilipad. 

Pero ang kinatatakha ko...

Hindi ako natakot sa kaniya. Nagulat lang ako sa ginawa niya ngunit malinaw na malinaw sa aking hindi ako takot. Pero bakit ganito? Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Pakiramdam ko ay lalabas na ito sa dibdib ko lalo na nang lumutang pa siya papalapit sa akin. 

"Oh? Bakit parang nakakita ka ng multo?" 

Wala akong ibang nagawa kun'di ang matulala sa kaniya. Gusto ko pa sanang magsalita ngunit mahahabol na ako ng lalaking ninakawan ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang tulakin siya at tumakbo palayo.

Hindi lang iyon ang unang pagkakataon na sumulpot siya sa harapan ko. Pagkatapos ko pa silang takbuhan ng lalaking iyon ay muli na naman siyang sumulpot sa harapan ko. Nagpakilala siya sa'kin. Juliet ang pangalan niya. Tsk. Hindi na naman niya kailangan sabihin dahil basang basa ko na sa name plate niya. 

"Bakit mo ako binugahan ng sigarilyo?! Ang baho kaya!" 

Napakakulit. Iyan ang paraan ng paglalarawan ko kay Juliet sa isipan ko. Sa sobrang kulit niya sinundan niya ako kahit saan ako magpunta. Ibang klase rin. Nainis ako sa sobrang ingay niya. Hindi siya mapakali at panay ang kwento niya sa akin kahit wala namang kwenta.

Hanggang sa mabanggit niya tungkol sa misyon niya.

"Ikaw lang ang kauna-unahang tao na nakakita sa'kin. Madali lang naman ang misyon ko 'e. Kapag tinulungan mo ako sa misyon ko, gagawin ko lahat ng gusto mo."

"Paano mo magagawaang gusto ko 'e hindi ka nga makakahawak ng mga bagay bagay?"

Napaisip siya. "Oo nga 'no?" 

Tsk! Stupid.

Pero pursigidong pursigido pa rin siya na mapapayag ako. 

"Basta! Tutulungan kita sa kahit na anong paraan."

"Sigurado ka?"

Tumango tango siya. "Siguradong sigurado!"

"Fine... I will help you in one condition..."

Tinitigan ko ang inosente niyang mga mata habang naghihintay sa sasabihin ko.

"... Tulungan mo akong mamatay."

Napagkasunduan namin ni Juliet na tutulungan niya ako at tutulungan ko rin siya. Pero imbes na tulungan niya akong mamatay, binigyan niya pa ako ng sampung dahilan kung bakit hindi dapat ako mamatay. Dapat ay hindi ako pumayag. Dapat ay hindi ko na siya tutulungan dahil wala naman iyon sa usapan namin. Gusto niya ba akong mabuhay? Tingin ba niya may kwenta pa akong tao? Tss. Tanga talaga.

Pero mas tanga ako. Dahil hindi ko alam kung anong tumakbo sa kokote ko at hinayaan kong gawin niya iyon. Hinayaan ko siyang tumira sa condo ko kahit ubusin na niya ang laman ng ref ko araw araw. Para akong may alagang baboy na kahit anong pakain ko ay hindi tumataba. Patay gutom. Saan ka ba nakakita ng multo na panay ang lamon? Tsk.

"First reason why you should not die is because... Masarap kumain."

Pakiramdam ko maaga akong tatanda kapag siya ang kasama ko. Wala siyang ibang ginawa kundi ang dumaldal at kumain. Naisip ko na kaya siguro namatay ang isang 'to ay dahil sa katakawan. Nalason kaya dead on arrival. 

Lalo pa akong nabuwisit nang magsama sila ng gangmate kong si Brylle. Para akong tutubuan ng uban kahit hindi sila nag-uusap. Kinukulit ako ni Brylle at gano'n din si Juliet. Hindi ko alam kung kanino ako babaling. Lalo pa akong naiinis kapag nakikita kong parang tuwang tuwa si Juliet kapag nakikita siya. Ano bang kinatutuwa niya kay Brylle? Mapagpanggap naman ang isang iyon. 

Juliet's Last Wish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon