Chapter 28

74 6 0
                                    

Dangers and Spirits

Inabot kami ng gabi sa kalsada habang naggagala. Hindi na namin napansin ang oras dahil panay ang kulitan at kwentuhan namin ni Kaicefer. Bakit pakiramdam ko kapag kasama ko siya bumibilis ang oras? Hanggat maaari ay sinusulit namin ang mga sandaling magkasama kami. Pero bigla bigla na lang akong malulungkot tuwing sumasagi sa isip kong apat na araw na lang. Apat na araw na lang ang natitira sa aming dalawa.

"Dapat 'pag nagising ako mukha mo agad ang bubungad sa akin ah?" sabi ni Kaicefer.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko pa rin nasasabing hindi na niya ako muling makikita sa muling pagmulat ng mga mata niya. Kahit nasaksak sa dibdib si Kaicefer ng dalawang beses, isang himala na hindi siya namatay. Oo, alam kong buhay pa siya. Dahil hindi pa siya nabibigyan ng death necklace. Mamamatay lang siya ng tuluyan kapag hindi siya agad nakabalik sa katawan niya paglipas ng isang linggo.

"Promise mo sa'kin, Juliet. Na makikita pa kita kapag nagising na ako." Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Kaicefer sa kamay ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko masagot ang mga sinabi niya. Nararamdaman ko ang tingin niya sa akin, pero hindi ko magawang tingnan siya pabalik.

"Hey, bakit 'di mo ako pinapansin?" 

Hindi ko napigilang lingunin siya. Ngumiti ako at hindi pa rin makapagsalita. Gusto ko lang maging masaya kami ni Kaicefer. Ayokong mabahala siya o mag-isip nang mag-isip kapag nalaman niyang hindi na niya ako makakasama kapag nagising na siya.

"Pinapakaba mo naman ako 'e," ngumuso siya.

Tumigil na ako sa paglalakad at humarap sa kaniya. "Mag-laro tayo."

Natatawa siya habang nakakunot ang noo. "Ano ka, bata?"

"Pwede rin. Mas magandang isipin mong bata ka. Walang limitasyon para sa'yo ang mga bagay. Malaya kang gawin lahat ng gusto mo. Kaya ngayon, isipin nating bata lang tayo. Na walang hanggan ang kasiyahan natin sa gabing ito."

Dahan-dahan siyang tumango ngunit may pagtatakha pa rin sa mukha. "Anong lalaruin natin?"

"Langit, lupa." 

"Ha? Kaya mo ba akong talunin doon?" 

Tumaas ang kilay ko. "Minamaliit mo ba ako? Aba. Mabilis akong tumakbo 'no."

"Bawal mag-teleport ah!" aniya.

"Oo naman," sagot ko.

"Okay game--"

"TAYA!" Bago pa man siya maka-sagot ay tinaya ko na siya. Nagulat siya sa ginawa ko at napanganga.

"Ang daya mo! Lagot ka sa'kin!"

Naloka ako sa bilis niyang tumakbo. Para siyang tornado na sumusugod papalapit sa akin. Hindi ako nagpatalo sa kaniya. Humanap ako ng mataas na lugar para magpahinga.

"Langit!" sigaw ko nang makatungtong sa mataas na bato. 

Nakangiting lumapit sa akin si Kaicefer. Naka-spread pa ang mga braso niya habang ngumiti nang pilyo. Tinawanan ko siya.

"Hoy, bawal ka rito. Langit 'to."

"Bakit? May rule kaya sa langit-lupa. Iru-ruler kita. Kapag dumikit yang paa mo sa dangkal ko taya ka na." 

Mag-rereklamo pa sana ako kaso bigla niyang dinangkal ang kamay sa batong tinatapakan ko. Umatras ako nang bonggang bongga para hindi niya iyon maabot. Muling tumayo si Kaicefer. Halos tumagos na ako sa pader dahil sinasadya niyang maging sobrang lapit sa akin habang tumatayo siya. 

"O-oy, taya ka," sambit ko.

May ngiting lumitaw sa mga labi niya habang nakatitig sa akin. Heto na naman ang imaginary puso ko. Nagwawala na naman siya at parang gustong kumawala sa dibdib ko!

Juliet's Last Wish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon