Chapter 12

94 8 0
                                    

• Drunk •

Hinintay kong lumabas si Kaicefer sa kaniyang kwarto, pero magkakaroon na lang ako ng uban sa buhok ay hindi pa rin siya natatapos sa pagmumukmok. Napa-hugot ako nang malalim na hininga habang nagkukuyakoy sa sofa niya. Tatlong oras na akong nananalamin sa black screen TV at buryong buryo na ako sa ngayon. Ano kayang pwede kong gawin?

Tumayo ako sa sofa at naglibot sa loob ng condo ni Kaicefer. Baka may makita akong kakaiba kaya nagkalikot ako ng kung ano-ano roon. Tama lang sa isang palapag ng pangkaraniwang bahay ang laki ng condo niya. Medyo boring nga lang kasi walang bintana. Puro puting pader lang ang nakikita ko at itim na mga kagamitan. Tumungo ako sa kusina niya. Sa buong sulok ng silid na 'to. Ang kusina ang paborito kong puntahan. Napangiti ako sa sarili ng maka-isip ng pwedeng gawin.

"Gawan ko na lang kaya siya ng cake? Tutal may oven na dito... pero... Wag na lang pala. Hindi pala ako marunong." bulong ko sa sarili.

Bigla akong nakarinig ng bumubukas na pintuan. Humarap ako roon at nakitang lumalabas na si Kaicefer sa kwarto niya. Ngumiti ako agad nang tingnan niya ako.

"Good afternoon, Kaicefer. Buti na naman at lumabas ka na. Tara, luto tayo." masigla kong bati.

Naka-poker face lang siya habang sinasabi ko 'yon.

"Wala akong gana," bulalas niya.

"Ha? Hindi ka naman kakain. Sabi ko lang magluluto tayo."

Bigla siyang sumimangot. Nakatayo siya sa harap ng pintuan. Naka-krus ang dalawang paa habang nakasandal sa gilid nito.

"Are you stupid? Kapag magluluto ka malamang kakainin din."

Napanguso ako. Ayan na naman siya sa pagiging masungit.

"Pwede namang ako na lang ang kakain kung... ayaw... mo." bumagal ng bumagal ang salita ko. Nakakatakot kasi ang itsura ni Kaicefer. Mukha siyang leon na mangangain kahit wala siyang pinapakitang emosyon.

Sinubukan kong pasiglahin ang atmosphere sa aming dalawa. Ngumiti ako ng pilit sa kaniya at kumuha ng ice cream sa ref. 

"Eto na lang ang kainin natin," sabi ko at pinakita sa kaniya ang box ng ice cream.

Nilapag ko iyon sa lamesa at sinenyasan si Kaicefer na lumapit.

"Ayaw mo? Nako. Pampatanggal stress 'tong ice cream, kaya tara na!"

Tumikhim lang siya at nagkrus ng balikat. Tinaasan ko siya ng kilay nang makitang ayaw pa rin niyang matinag  sa kinatatayuan niya. Bumuntong hininga ako at nilapitan siya

"Huwag ka ng pabebe diyan, sabayan mo na ako rito." sabay hila ko sa kaniya patungo sa lamesa.

Pakipot pa itong si Kaicefer, e. Nagpapahila rin naman. Tsk!

"Ayan. Masarap 'yan. Paborito ko 'yang rocky road," sabi ko.

"Akala ko wala kang natatandaan na detalye sa sarili mo?"

Napahinto ako sa sinabi niya. Oo nga 'no? Paano ko nasabi 'yon? Napatulala ako bigla sa ice cream at nagtakha. Hindi ko pa naman ito natitikman noon, pero bakit feeling ko nalasahan ko na.

"Oh? Bakit tulala ka?"

Napatingin ako kay Kaicefer. Nauna na siyang kumain sa akin. Sumusubo siya ng ice cream sa kutsara at may mantsa pa ang gilid ng labi niya. Natawa ako nang makita iyon.

"Ang dungis mo kumain ng ice cream. May dumi ka rito,"  itinuro ko 'yung gilid ng labi ko para i-demo sa kaniya kung nasaan ang dumi.

Kinapa naman niya iyon, pero maling side ng mukha ang pinunasan niya.

Juliet's Last Wish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon