Chapter 25

74 4 0
                                    

Even Death

"AAAAAH! SI JULIET! NARE-RAPE!"

Isang napakalakas na hila ang tumangay kay Kaicefer palayo sa akin. Parehas kaming nagulat. Matapos ang nakakabinging sigaw ni Paloma ay inawat siya ni Mio nang mapagtanto nilang si Kaicefer pala ang nakapatong sa akin.

"Hala, sorry!" paumanhin ni Paloma.

Inis na napamura si Kaicefer dahil muntik na siyang tumalsik sa hila ni Paloma. Sinamaan niya ito ng tingin at mukhang ano mang oras ay papatulan na. Tumayo ako agad bago pa man mahambalos ni Kaicefer ang natatakot na si Paloma.

"Peace tayo, Kaicefer. Ehh, kayo naman kasi 'e! Maglalampungan na lang kayo sa damuhan pa. Edi sana nag-rent na lang kayo or naki-share ng rooms sa mote----" Tinakpan agad ni Mio ang bibig niya.

Nanlaki ang butas ng ilong ko sa sinabi niya. Gusto kong mag-pa-kain sa lupa dahil binabalot na ako ng kahihiyan. Nakita ba nila ang ginawa namin?! Kung kanina ay tinatago ko si Kaicefer sa likod ko para pigilan siya, ako naman ngayon ang tumungo sa likod niya para magtago.

Tinukso ako ni Mio. "Ikaw, Juliet, ah! Nagli-live show kayo dito ni Kaicefer--"

"Wala namang nakakakita kaya keri na!" singit ni Paloma.

Napatingin sa akin si Kaicefer. Kagat labi siyang ngumiti habang tuwang tuwa akong tinitignan na halos hindi na makatingin sa dalawa. Grabe. Sa tala ng buhay ko, ngayon lang ako napahiya ng sobra.

"Gusto mong umalis tayo dito?" tanong ni Kaicefer.

"Saan tayo pupunta?" nanlalaki ang mga mata ko.

Baka kasi mamaya totohanin niya ang sinabi ni Paloma. Kinakabahan tuloy ako.

"Sa malayo sa kanila."

"Saan 'yon?"

"Ano bang next sa bucket list mo?"

Ngumuso ako. "Icelebrate ang birthday ko kasama ka," sagot ko.

Ngumiti siya nang matamis. Hindi ko mapigilan ang sarili na mapangiti rin. Nakakahawa pala kapag ngumingiti sa'yo 'yung taong mahal na mahal mo. Ang sarap sa feeling.

"Tara na,"

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Saan tayo pupunta?" taas kilay kong tanong.

"Ako na ang bahala. Just trust me."

Natigilan kami nang sumingit sila Paloma at Mio.

"At saan kayo pupunta?" naniningkit matang tanong ni Paloma.

Narinig ko ang buntong hininga ni Kaicefer. Mukhang naiinis na.

"You're not going anywhere without us," dagdag pa nito.

Pinandilatan ko ng mata si Paloma ngunit hindi siya natinag. Ipinagkrus pa niya ang kaniya balikat at mataray na tinignan si Kaicefer.

"Only if you can catch us," pilyong sinabi ni Kaicefer.

Halos lumipad ako sa gulat nang bigla niya akong hilahin at tumakbo paalis. Nagsisisigaw si Paloma habang hirap na hirap humabol dahil sa katabaan niya. Si Mio naman ang humabol sa amin.

"Juliet, hintayin mo kami!" habol niya.

Nakita ko ang pagpikit ni Kaicefer. Unti-unti kong naramdaman ang pag-angat ng mga paa namin sa lupa hanggang balutin na kami ng liwanag. Napapikit ako sa silaw. Nang idilat ko ang aking mga mata. Nagulat ako nang makitang nasa harapan kami ng isang beach.

"Where are we?" namamangha kong tanong.

Nakaawang ang bibig ko habang pinagmamasdan ang kulay asul na dagat at napaka-puti nitong buhangin. Amoy na amoy ko rin ang mabangong samyo ng hangin habang humahampas ito sa aking balat.

Juliet's Last Wish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon