• Rot In Hell •
"Brylle?..."
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Ngumiti siya nang nakakakilabot sa amin habang pinapaikot sa kaniyang mga daliri ang injection na dapat ay ituturok niya kay Kaicefer.
Ibang iba ang pakiramdam ko sa kaniya ngayon. Hindi na siya 'yung dating Brylle na sa unang tingin ay mabait at masiyahin. He looked physically the same, pero iba ang nakikita ko sa kaniya. May kung anong masamang pangitain ang sinisigaw ng mga mata niya.
"Kumusta, Juliet? Are surprised to see me... again?"
Nagkatinginan kami ni Kaicefer. Alam naming hindi si Brylle ang nasa harapan namin ngayon. Kaluluwa na ni Prof. Hernandez ang nasa loob ng katawan niya. Ano mang oras na mapatay ko ang katawang lupa ni Brylle... Mapupunta ako sa impyerno kasama si Kiarra.
Napalunok ako nang maramdaman ang kamay ni Kaicefer sa akin. Parang pinipigilan niya ako sa ano mang balak kong gawin. Ngunit kung hindi ko gagawin ito... Sigurado akong siya naman ang mapapahamak. I would rather be in danger than to see him suffer.
Bumitaw ako sa hawak ni Kaicefer at matapang na tinignan si Brylle.
"Itigil mo na 'to. Huwag ka nang mandamay ng ibang tao!" sigaw ko.
Tumawa siya na para bang isang biro ang sinabi ko.
"Sinong inuto mo? Tingin mo ba isa akong masunuring bata na susundin ang mga iuutos mo? Tsk, tsk , tsk. Huwad na ang kaluluwa ko, Juliet. Makasarili na ako at wala ng konsensya para sa ibang tao. I need to save my soul. Hindi ako pwedeng mapunta sa impyerno!"
"Pero ikaw ang naglagay sa sarili mo doon! Huwag kang mandamay ng ibang tao sa sarili mong kasalanan--"
Hindi niya ako pinakinggan. "Hindi ako papayag!" Aniya at tinalikuran ako.
Akmang ituturok na niya sa papulsuan ni Kaicefer ang injection na hawak niya ngunit agad akong sumugod para pigilan siya. Hinila ko siya palayo. Tumalsik ang injection sa kung saang parte ng silid.
"Pakialamera!" Tinulak ako nang malakas ni Brylle. Sa sobrang lakas niya ay tumilapon ako at tumama ang likod ko sa pader. Nanghihina akong bumagsak sa sahig.
"Wala nang makakapigil sa akin, Juliet! Kukunin ko ang katawan ni Kaicefer sa ayaw at sa gusto mo!"
Kahit na sobrang sakit nang nararamdaman ko ay pinilit kong tumayo. Binatuhan siya ng matalas na tingin.
"Hindi ako papayag... " usal ko.
Sumigaw ako nang malakas at muli siyang sinugod. Akala ko ay hindi niya magagamit ang kapangyarihan niya ngunit hindi pa man din ako tuluyang nakakalapit sa kaniya ay huminto na ang mga paa ko sa pagtakbo.
Naramdaman ko ang unti-unting pananakit ng dibdib ko. He's whispering some curses. Naririnig ko iyon mula sa kinalalagyan ko. Naramdaman kong unti-unti akong nahihilo.
Hindi pwede. Kailangan kong iligtas si Kaicefer.
Kahit hinang hina ang ako at pakiramdam ko ay babagsak na ang aking katawan ay pinilit ko pa rin ang sariling tumayo. Sinulyapan ko si Kaicefer. Nanonood lang siya sa amin at inis na inis sa sarili dahil wala siyang magawa. Dahil alam niyang hindi niya kayang makahawak ng kahit anong pisikal na anyo katulad sa akin.
"Juliet, huwag mo nang ituloy. Baka kung anong gawin niya sa'yo!" pakiusap niya at napasabunot ng buhok.
Umiling ako. Muli kong binalingan si Brylle na nakangiti sa akin.
"Suko na, Juliet? Sabi ko naman sa'yo 'e... Huwag ka nang mangialam. Ipapahamak mo pa ang kaluluwa mo. Tapos na ako sa'yo. Hayaan mo nang---"
"Hindi pwede---ACKKK!" Tatakbo na sana ako ulit ngunit bigla na naman akong tumilapon sa pader. Kahit wala akong buto at mga balat, ramdam na ramdam ko pa din ang sakit dahil sa mga sumpa na binabanggit niya.
BINABASA MO ANG
Juliet's Last Wish [Completed]
FantasyLove is the killer of Death itself... Kaicefer Angelito Ferrer has nothing to do with his life. He thought that if he was a book, it will never be worth reading. Pinipili na lamang niyang mabuhay sa mundong ibabaw, wasting his time until he was bur...