• Defeated Battles •
"Urgh! Huwag ka nga malikot, Kaicefer! Madadapa tayo----AYAN SABI KO NAMAN SA'YO 'E!" sabi ko nang tuluyan nang bumagsak si Kaicefer sa kalsada.
Napabuga ako ng malalim na buntong hininga habang tinitignan siya roon.
"Tulog na tayo. Inaantok na ako," aniya.
Tingnan mo 'tong lalaking 'to. Ginawa nang kama 'yung kalsada. Tsk! Naiirita akong lumapit sa kaniya at hinila siya sa kamay.
"Madumi diyan, bumangon ka na!" hila ko sa kaniya.
Hinihingal na ako, pero hindi ko pa din siya napabangon. Talagang nagpapabigat siya habang feel na feel humiga sa kalsada.
"Kaicefer! Ano ba!"
Napatili ako nang bigla niya akong hilahin. Bumagsak ako sa tabi niya. Buti na lang at naka-strech ang kamay niya kaya doon bumagsak ang ulo ko.
Tinitigan niya ako. "Bakit ba ang kulit mo? Sabi nang inaantok ako 'e."
Laking gulat ko nang yakapin niya ako at pumikit. Hindi na ako nakapagsalita pa. Natulala na lang ako sa ginawa niya at hindi makapag-proseso ng kahit anong gagawin.
Nang matauhan ako ay tinulak ko siya at muling bumangon sa kalsada.
"Maglalasing lasing ka tapos hindi mo naman kaya! Bumangon ka riyan!" galit na sigaw ko.
Nakita kong dumilat siya at ngumuso. Mukha na siyang batang gusgusin dahil sa dumi ng damit at mukha niya.
"Tulungan mo 'ko," aniya at naglahad sa akin ng kamay.
Suminghap ako at buong pwersang inabot ang kamay niya. Arrgh! Ang bigat!
"Tara dito," sabi ko at inakbay ang braso niya sa balikat ko.
Hirap na hirap akong bitbitin siya habang naglalakad. Hindi ko na alam kung ilang beses akong napa-singhap dahil sa bigat at kulit niya. Medyo nakakapanibago pa nga dahil ang kilala kong si Kaicefer na hindi madaldal, ngayon ay panay ang dada sa kawalan! Hanggang sa makarating kami sa condo niya ay nagk-kwento pa rin siya.
"Nung bata ako, may laruan ako robot tapos inagaw nung kapit bahay ko... Galit na galit ako sa kaniya kasi akin 'yun 'e. Bakit niya kinuha? Sa sobrang inis ko sa kaniya, sinapak ko 'yung mukha niya... Booogsh! Boogsh!" sabay sumuntok sa ere.
Natawa ako sa ginawa niya at pabagsak siyang hinagis sa kama ng kwarto niya.
"Salbahe ka pala 'e. Bakit mo naman sinapak?" sakay ko sa trip niya.
Ang cute pala nitong malasing. Isip bata. Ibang iba sa matinong Kaicefer na kilala ko.
"Siyempre. Mang-aagaw." Nakanguso niyang tugon.
Pinaglalaruan niya na ang daliri ngayon habang kumakanta ng children songs. Lalo akong natawa sa kaniya ngunit hindi ko iyon pinarinig.
"Maliliit na gagamba, umakyat sa sanga..."
Noong una ay tuwang-tuwa akong makita siyang umaarte na parang bata kasi ang cute niya. Tapos naka-ngiti pa siya habang ginagawa iyon. Hindi siya nahihiya kahit naka-tingin ako sa kaniya. Pero, napawi ang ngiti sa labi ko nang bigla siyang huminto at nangilid ang luha sa mga mata niya. Napaawang ang labi ko nang makita iyon at agad siyang nilapitan.
"Miss na miss ko na si mama." Nabasag ang boses niya.
May tumusok na karayom sa puso ko habang pinagmamasdan siyang nakatulala na lang sa kisame. Walang emosyon na makikita sa mukha niya ngunit bakas na bakas pa rin doon 'yung lungkot at sakit.
BINABASA MO ANG
Juliet's Last Wish [Completed]
FantasyLove is the killer of Death itself... Kaicefer Angelito Ferrer has nothing to do with his life. He thought that if he was a book, it will never be worth reading. Pinipili na lamang niyang mabuhay sa mundong ibabaw, wasting his time until he was bur...